Epilogue

26.3K 1K 366
                                    

Corinne

Damn! It's so good to be home.

"Aria?"

Hinanap ng mga mata ko si Aria. Kauuwi ko lang galing sa trabaho. I finally accepted the offer of Van's family. Not because Aria forced me to do so. It's just that I realized na kelangan ko iyon para sa sarili ko.

I want to be fulfilled on my own.

Nang maalala si Aria ay naiinis na naman ako. Kanina pa sya hindi nagpaparamdam. Ni Text o tawag ay wala. Mukhang bumabalik na naman sya sa pagiging cold at distant nya. Ganyan na ganyan sya dati.

Pumasok ako sa kwarto namin para hanapin sya. Yung ayos ng kwarto ay gaya pa din kung paano ko iniwan kanina.

Nagsisimula na akong mairita na tumungo naman sa kusina. She's also not there. My gosh! Where is she?

"Ariana!!!"

There's no one at home. Confirmed. At saan naman sya nagpunta? Sabi nya kanina wala naman syang pasok di ba?

Naiinis na pabalik na ako ng kwarto para magpalit na muna ng damit nang bumukas ang front door.

"Fudge, Ariana! Saan ka ba nanggaling?"

A terrified expression from Grant surprised me.

"Shoot. I didn't know Aria is a bottom-type." pabirong sabi ni Grant na nakasuot ng hapit na pastel pink dress. She really looks so feminine. Nakaayos pa yung hair nya at nakamake-up.

"She's always at the bottom, Grant. Remember nung sa swimming?" Sambot dito ng kasama nitong si Railey. "Hi, Corinne. Nice seeing you again."

Gaya ni Grant ay nakaayos din ito. Kapareho ng kulay ng damit. Pastel pink. Pero pacocktail dress yung damit ni Railey. She's too hot in that dress.

"Hey, anong meron?" Takang tanong ko sa mga ito.

Malay ko ba kung naligaw ang mga ito ay may pupuntahan palang party. Sa ayos ng mga ito, hindi malabo. Grant and Rail are always present in every parties.

Nagkatinginan naman si Railey at Grant bago nagsikuhan kung sino ang kakausap sakin.

"Ikaw na, Rail." Tinulak pa ni Grant si Railey palapit sa akin.

"Ikaw na Grant! Ikaw sinabihan e."

Napacrossed arms na lang ako habang tinitingnan silang dalawa sa pagtutulakan. For sure, nautusan na naman itong dalawang ito. Tsk. Aria!

"Ano na naman ang inutos sainyo ng magaling niyong kaibigan?"

Tila naman natakot si Railey na nagtago sa likod ni Grant. Si Grant naman ay napakamot sa pisngi.

"Ahm, Kasi Corinne. May birthday party tayo na pupuntahan. Pwede bang suotin mo muna itong damit na ito? Aayusan ka namin ni Railey."

Inamgat ni Grant yung malaking box na dala nito.

Napakunot naman ang noo ko. Wala akong maalalang may binaggit si Aria tungkol sa birthday ng kahit sino.

"Kaninong birthday?"

Sandaling nagtitigan yung dalawa bago sabay na nagsalita.

"Birthday ni Ate Louella."

Shocks! Birthday pala ngayon ng ate ni Aria?

"Bakit hindi nyo sinabi agad?" Kinuha ko kay Grant yung hawak niyang box. Si Railey man ay may hawak na paperbag din na tingin ko ay sapatos ang laman.

"Ikaw kasi nananakot ka." Nakapout na rason ni Railey.

Natawa naman ako. Para kasi syang bata. Kaya pala paborito sya ni Aria. She's too cute.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon