Chapter 28

13.2K 695 411
                                    

Corinne

Alas singko pa lang ay ginising na ko ng pinsan kong si Terry. Nag iisang anak ni Tita Olive.

"Ate Corinne, bilisan mo na kumilos." Sabi nito na binato na ko ng unan sa mukha. "Kanina pa nagsesermon si Mama kung anong oras pa natin plano pumunta ng shop."

Napailing na napabangon na din ako kahit inaantok pa ko. Baka kasi pag di pa ako bumangon ay hatakin na ko ni Terry papunta ng banyo at saka sabuyan ng tubig.

Minsan nya nang ginawa yun noong nahuli ako ng gising at kauuwi lang ni Tita Olive. Mapapagalitan kasi ako pag nahuli akong tatamad-tamad. Though, kung tutuusin, sa lahat ng kapatid ng Mama ko, si Tita Olive na yung pinakamabait. Saka si Terry naman ay maayos din makitungo sa akin.

In just a span of thirty minutes lang ay ready na kami ni Terry. Sanay na sanay naman na kasi kami sa gagawin. Sa umaga ay magbabantay ng shop at susubukan maibenta lahat ng ginawa ni Tita Olive na pastries. Though, may mga orders naman na pipick up.in sa shop. Pero syempre, madaming pasobra. Minsan kasi pag nagustuhan ng buyer, nagtatanong pa ang mga ito kung pwede magdagdag ng order. Sayang din naman kasi ang kikitain kung sakaling wala kaming dala.

Sa hapon naman ay pwede na kami magreview ni Terry. Pareho kasi kaming nakatapos ng engineering at planning na magtake ng board exams.

Ang alam ko ay mayroon din itong part-time job sa isang pizzeria na malapit lang sa bahay. At ako nga ay sa office kasama si Aria.

"O, Heto lahat ng mga kailangan natin maipaubos ha." Itinuro ni Tita Olive lahat ng box ng cupcakes na magdamag nitong ginawa.

"Ang dami naman nyan, Ma." Reklamo ni Terry. "Baka maghapon na naman kami ni Ate Corinne sa shop nyan tas di naman mauubos."

I can clearly notice na bahagyang namroblema doon si Tita Olive. Siguro iniisip nito na dapat ay makadami kami ng maibebenta ngayong araw dahil medyo malaki yung mga gastusin namin this month.

"Ano ka ba." Pasimpleng siniko ko si Terry. "Kaya natin yan."

Sa isip isip ko ay tatawagan ko si Pip at Sandy na bumili ng tigdalawang box. Sana lang may pambili ang mga ito.

"Hindi kaya." Nakasimangot na angal ng pinsan ko. "The last time, maghapon na tayong nasa shop pero hindi man lang natin naipakalahati. Yung mga nag order, di naman pinick-up."

Sa sinabi nito ay tuluyan na nga na namroblema si Tita Olive.

"Sige, mas mabuti pa, kalahati na lang nito yung dalahin ninyo. Tapos hetong kalahati ay iaalok ko kina Lester."

Napalunok naman ako sa sinabi nito. Si Lester kasi ay yung anak ng may-ari ng commercial space na kinatatayuan ng shop. Sigurado ako na hindi nito tatanggihan si Tita Olive. Ang problema, mapipilitan na naman akong makipagdate dito.

" Naku, Ma. Mabuti pa dalahin na muna namin yan lahat sa shop." Biglang sabi ni Terry na napalingon muna sa akin. "Tutal pala, tutulungan kami nila Pip at Sandy sa pagtitinda ngayong araw, di ba Ate Corinne?"

As if on cue, ay may humintong sasakyan sa harap ng bahay at bumusina ng isang beses bago pinatay yung makina.

"May sasakyan na pala sina Pip at Sandy?" Takang tanong ni Tita Olive matapos sumilip sa bintana.

Nakiusyoso na din kami ni Terry at nakisilip na din sa tinutukoy nitong sasakyan. Hindi ko pa naman tinatawagan yung dalawang iyon kaya imposible na sila iyon. Unless tinawagan ni Terry para maaga kaming tulungan.

Imbes na dalawang punggok, ay may bumabang tila modelo sa sasakyan. Matangkad na morena. Hanggang shoulder-length ang buhok na jet black. Nakasuot ito ng pink cropped long sleeve sweater at black na shorts. Tapos i can clearly see her white calvin klein sneakers.

Loving AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon