Chapter 2

19.5K 318 8
                                    

"Ineng, anong ginagawa mo diyan? Wala ka bang bahay at diyan ka natutulog. Hay nako, kayo talagang mga kabataan oh, ibang-iba talaga kayo sa mga kabataan noon. Hala sige, gumising ka na diyan at umuwi ka na sa inyo."

Sino naman kaya ito? Bloody Hell! Ayaw ko pa namang ginigising ako habang mahimbing na natutulog. Its blood-boiling, you know. Unti-unti kong minulat ang aking magagandang mga mata. Nakakasilaw. May araw na pala.

"At sino ka naman para gisingin ako?" agad ko'ng tanong sa kanya. Medyo lumapit ako sa kanya habang tinatanong ko siya. Napaatras naman siya agad. Bakit? Simple lang, kagigising ko lang at hindi pa ako nakakapag-toothbrush.

"Ineng naman, ang baho ng hininga mo, umuwi ka na para makapag-toothbrush. Tiyak na hinihintay ka na ng mga magulang mo." sambit niya habang nagwawalis ng bakuran nila. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Iniisip ko kung hinihintay ba talaga ako ng Bitch na nanay ko na umuwi.

Habang nagwawalis ang matanda. May nakita ako, ohmygosh! Siya 'yung supermodel na crush ko. Literal na hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. He's damn hot. He's really gorgeous. Bakat na bakat sa muscle shirt niya ang super wide chest niya. He hook my heart talaga. Tatayo na sana ako para puntahan siya kaso nakasakay na siya kaagad sa kotse niya. So diyan pala ang bahay niya. Humanda ka Brent Montereal, araw-araw kitang aabangan dito sa gate niyo.

"Oh Ineng, bakit hindi ka pa umuuwi sa inyo? Huwag mo'ng sabihing naglayas ka? Talaga nga naman oh, kayo talagang mga bata oh, pasaway talaga kayo kahit kailan." sambit nito ni tanda.

"Puwede ba? Glam ang pangalan ko. Tigil-tigilan niyo na nga ang pagtaAwag sa akin ng Ineng." bulyaw ko sa kanya. Maldita mode on na naman ako. Bastos na kung bastos. Kainis kasi ang matandang 'to.

"Aba, talaga nga naman oh. May attitude kang bata ka. Pasalamat ka at may apo akong kasing-ugali mo kaya sanay na akong matarayan." sambit niya na parang naiinis. Oh ano ka ngayon, may pa Ineng-ineng ka pang nalalaman.

"Eh, ano naman kung may apo kang kasing-ugali ko. For sure, mas maganda ako sa apo mo." sabi ko habang naka-chin up.

"You're so funny Glam gusto kita."

"Walang nakakatawa, mashondang chaka." sabi ko habang nagpipigil. Gustong-gusto ko siyang murahin ng sobrang lutong para magtigil na siya. Pasalamat siya at may konting pasensiya pa akong natitira.

"Nako Glam, umuwi ka na sa inyo. Baka nag-aalala na ang mga magulang mo. Baka mamatay-matay na 'yung mga 'yun sa sobrang pag-aalala."

"Puwede ba. Tumahimik ka na lang."

"Oh!" sabi niya sabay lagay ng kamay sa mabaho niyang bunganga. "So sad naman, ayaw mong umuwi sa inyo. Its either naglayas ka or pinalayas ka. How rude diba, Glam. Pero kung ayaw mo talagang umuwi sa inyo, laging bukas ang bahay ko para sa iyo. Puwede kang pumasok bilang katulong sa bahay namin."

Biglang natinag ako sa sinabi ng matandang ito. Ako? Papasok bilang katulong nila? Magunaw muna ang mundo para maging katulong nila ang napakagandang nilalang na katulad ko.

"Sorry na lang sa inyo, pero hindi ko pinangarap maging katulong niyo. Baka nga mas milyonarya pa kami kaysa sa inyo." sabi ko sabay walk out. Hello? Okay lang siya? Dapat siguro ipamental na siya.

"Pero pag nagbago isip mo, laging bukas ang bahay ko para sa iyo, Glam." narinig ko'ng sigaw niya. Hay nako, paano na ako ngayon. Ayaw kong matalo sa laro namin ni Mommy ngayon. Kailangan ko'ng patunayan sa kanya na kayang-kaya ko siya.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon