Chapter 6

13.8K 206 4
                                    

Gosh? Where am I? Wala ako'ng alam sa mga nangyayari. Hindi ko kung nawala na ang virginity ko. I really don't know. Nasa isang napakaliit na kwarto ako ngayon. Halos hindi ako magkasya sa kama na hinihigaan ko. Nasaan ba talaga ako.

Agad akong umalis sa pagkakahiga at umupo saglit sa kama at nagmumuni-muni. Iniisip ko pa rin kung anong nangyari.

"Gising ka na pala, oh ayan" sabi ng mukhang chakadoll na katulong sabay tapon sa akin ng damit na kapareha sa damit niya.

"Anong 'to?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Malamang damit 'yan." sagot niya sa tanong ko. Aba, may attitude. Masampolan nga.

"Oh ano ka ngayon?" sabi ko sa kanya nang naka-chin up. Ako pa ba ang tatarayan niya. "Huwag mo na akong pipilosopohin, mas higit pa diyan ang gagawin ko sa iyo."

"Pinapatawag ka pala ni Madam Rizzi, mukha kasing napuruhan mo si devilita." sabi niya ng nakayuko.

Pagkatapos ng kagimbal-gimbal na eksena sa maid's room. Yeah! You heard it right, maid's room pala ang natulugan ko kanina. Agad akong lumabas at tumungo sa office ng Madam Rizzi na 'yun. Infairness, her name sounds cool. Pero mas cool pa rin ang Glamour, no.

Nang nasa tapat na ako ng office niya, agad akong pumasok. Walang katok-katok na naganap. Bastusan kong bastusan. Bakit parang hindi naman office 'to. Inikot ng mga mata ko ang boung paligid at Jeez! Ano itong nakikita ko? Akala ko ba Rated PG lang ang storya ko.

"OMO!" Eh, ano itong sekswal na nagaganap. Ghad! Kahit ultramega bitch ako, iniingatan ko naman ang mga mata ko sa mga maruruming bagay.

"Get out! Istorbo ka!" sigaw nung babae. Ang babaeng naka-away ko kanina. Hindi ko siya kinakaya. Makati pala siya. Gross!

"Ay! Sorry, naistorbo ko ba kayo? Sorry ulit, pero mas iistorbohin ko kayo" sabi ko sabay takbo sa kama kung saan sila nandoon, sabay tanggal sa kumot na nakakumot sa kanila sabay tapon ng kumot sa sahig sabay takbo palabas. Haha! Narinig ko pa ang sabi ng loka. Ang lakas ng loob makipag-ganon tapos ang liit din pala ng dibdib. So sad naman.

Hay! Asan na ba 'yung office ng Madam Rizzi na 'yun? Kaloka ah!

Palakad-lakad ako ngayon dito sa bahay. Uwaaah! Ang laki kasi nitong bahay na 'to. MOA lang, ganon?

Habang naglalakad ako, sa totoo lang, hindi ko alam ang patutunguhan ko. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dulo at lumiko at "Ano ba? Are you blind?" galit ko'ng tanong sa kanya habang nakasalampak sa sahig. Hayop 'to. Hindi man lang tinitignan ang daanan. Tumayo ako at akmang aambahan siya ng suntok. Kaso, Gosh! Si Brent pala. Jeez, what 'to do? Tinignan ko siya. Nakasandal siya sa wall, nakangiti ng nakakaloko. Gosh! Ang hot niya pagngumingiti. 'Yung tipong! Kyaaah!

"Tatayo ka lang diyan? Come on, hit me?" sabi niya sabay ngiti ng malapad.

Asan na ang ultramega bitch attitude ko? Bakit ako na speechless pag kaharap ko siya. Ghad! This can't be happening.

Kaya mo 'to Glam, wag kang papaapekto sa kanya. I composed my self. Niset-asside ko muna ang feeling ko sa kanya. Mamalditahan ko muna siya kahit labag sa loob ko.

"Hit your face." sabi ko. Gosh! Ang hirap itago ang kilig ko. Grabe na ito. Pagkatapos kong sabihin 'yun sa kanya, dere-deretso ako sa paglakad. Gosh! Gusto ko'ng gumulong sa kama at hampas-hampasin ang unan.

Binilisan ko ang paglakad. Hindi ko alam kung saan pupunta. Ang alam ko lang kinikilig ako ngayon.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon