Chapter 22

9.1K 159 6
                                    

Papunta ako ngayon sa dulo ng hallway. Kung saan nandoon ang bwisit na Kaizer Hearths. Yeah! Tama ang nabasa niyo, siya ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko. Sa una nga, ayaw ko pang maniwala. Hindi kasi kapani-paniwala. Pero nung, ipinakilala siya sa akin ng parent's ko, at oo nga, anak nga siya ng kaibigan ng mommy ko'ng si Cynthia Hearths. At simula ng araw na 'yun, naging impiyerno na ang buhay ko. Araw-araw ako'ng kinukulit. Araw-araw din ako'ng nilalanggam, kakabigay niya ng chocolates which is hindi ko naman kinakain. Baka nilagyan niya kasi ng gayuma, mahirap na. In short, Kaizer Hearths is courting me that time and I don't like the freaking idea.

"NASAAN SI KAIZEEEER?" malakas na sigaw ko nang makarating ako dito sa dulo ng hallway. Same as kanina, tumabi sila. I hook their attention. Perfect. Gusto ko ang eksenang 'to.

Nakita ko'ng nakasandal ang bwisit na lalaking 'to sa pader. Ang feeling talaga, akala mo guwapo... guwapo naman talaga at hot pa. Pero look at him, mas di hamak.na guwapo.ang Brent may loves ko sa lalaking basagulerong 'to.

"Sabi ko na nga ba Glamour Babes, hindi mo ako matitiis. Namiss mo talaga ang poging mukha ko." sabi niya ng nakakaloko.

Arrgh! The nerve. Saan niya nakukuha ang confidence meron siya ngayon.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaa! Ang guwapo niyaaaa."

"Kyaaaaaaaaaa! Kaizer, akin ka na lang. Kyaaaaaa!"

Arrgh! Nakakairita ang mga sigawan ng mga estupidang mga babaeng 'to. Napaka-pathetic nila. Ghad!

Lumingon ako sa mga babaeng kanina pa sigaw ng sigaw. Kanina pa talaga ako, nanggigigil sa kanila. Narinig ko pang pinagbantaan pa nila ako. Puwes, uunahan ko na sila.

"SINO ANG LEADER NG FANS CLUB NI KAIZER? SAGUTIN NIYO!" mataray na sigaw ko sa kanila. Hinayaan ko lang muna ai Kaizer, mamaya na siya. Uunahin ko munang gawing imipiyerno ang buhay ng mga imapktitang ito.

Walang sumagot ni isa sa kanila. Talaga nga namang sinusubukan nila ako.

"SINO?"

Wala pa ring sumasagot. Nakikita ko'ng pinagpapawisan na silang lahat. Kitang-kita sa mukha nila ang kabang nararamdam nila. halos hindi sila makagalaw. 'Yung parang tumigil ang mundo. Yung ganon. Haha!

"Ah, ganon. Walang aamin sa inyo kung sino ang leader ng fans club ni Kaizer. GUSTO NIYONG ILIBING KO NG BUHAY ANG PRINSIPE NIYO!"

Automatic namang nagkakagulo sila. Nagtuturuan ko'ng sino ang leader. Mga hayop na 'to. Lumingon ako kay Kaizer na nakangisi, binigyan ko naman siya ng 'anong-tinatawa-tawa-mo-look' at akma siyang pinuntahan ng biglang may nagsalita...

"Ako!"

Good! May masasampolan ako ngayon. Nangangati naman ang mga palad ko. Dapat pala "The Slap Queen" na lang ang title ng storyang 'to.

"O, ikaw ang leader ng fans club ni Kaizer!" gulat na sabi ko sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Infairness, mukha kang paa." nakakaloka ko'ng sabi sa kanya.

Nganga! Halos hindi maipinta ang mukha niya. Nag-uusok ang ilong niya sa galit. Hindi niya 'yata matanggap ang katotohanang mukha siyang paa. How pathetic. Tsk. Tsk. Tsk.

"Oo miss, alam ko. Naiintindihan kita. Mahirap talagang tanggapin ang katotohanang... PANGET KA!!!" dagdag ko pa na ikinagalit niya ng husto. Lumapit ako sa kanya. Alam niyo na.

"How dare you?"

"I dare you"

*PAK*

As usual, naglanding sa mukha niya ang malalambot na palad ko. Ikinabigla niya naman ang ginawa ko.

Nakita ko'ng inangat niya ang ulo niya sabay harap sa mga kasamahan niya.

"Ano hahayaan niyo na lang ba na masampal ang leader niyo. My ghad, ipagtanggol niyo ako. SA NGALAN NI KAIZER! MABUHAY SI KAIZER!"

Silence. Natahimik ang mga kasama niya. Nagulat sa inasal ng bruha. May pa ngalan ni Kaize pa siya, ha. Kaloka.

After the silence, ang mga lokang kasama niya, magkandatae-tae sa kakatawa. Iniwan siya sa ere? How sad.

"Miss D, itigil mo 'yan." sabi ng isa sa kasama niya.

"Miss D, huwag mo na kaming idamay sa kagagahang ginawa mo. Sapat na nasampal ka, huwag ka ng mandamay. Gets." sabi din ng isa.

Hindi na lubusang maipinta ang mukha ng babaeng leader kuno ng fans club ni Kaizer. Iniwan siya sa ere ng mga co-fans niya. Haha, kaya ayun, ang gaga, walk out ang peg niya. So sad di ba.

"Idol kita sa sampalan ate." sabi nung isang hindi ko kilala. Ang lakas ng loob niya ha. Infairness sa kanya.

"HINDI TAYO MAGKAPATID PARA TAWAGIN MO AKONG ATE... AT KAYO *sabay turo sa ibang fans ni Kaizer* LUMAYAS KAYO SA HARAPAN KO AT BAKA MASAMPAL KO KAYO."

Agad-agad as in ora mismo as in now na as in ora-oradang umalis silang lahat. Nang makaalis na sila, pinuntahan ko si Kaizer na nakasandal parin sa wall. Aba ang gago, nakangiti ng nakakaloko. So gross.

"Oo naiintindihan kita Yurica, nagseselos ka sa mga fans ko. Inaway mo pa talaga sila para layuan ko. Ikaw Yurica ha, may pagtingin ka pala sa akin, ha!"

Aba punyeta! Grabe ang hanging dala ng Kaizer na 'to. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang confidence na meron siya. Ang kapal.

"Asa ka." sabay pingot sa tenga niya tsaka kinaladkad siya papuntang deans office.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon