Inhale
Exhale
Inhale
Exhale
Nasa tapat na ako ngayon ng kwarto ni Brent. I feel so nervous. Pasalamat na lang at hindi ako naligaw. Natunton ko ng maayos ang kwarto niya.
Geeeez!
Nahihiya ako'ng kumatok. Kaya mo 'to Glam, kaya mo 'to. Inangat ko na ang kamay ko at akma na sanang katukin ang kwarto niya pero shocks Hindi ko talaga kaya. What to do.
Hindi muna ako kumatok. Eh, sa nahihiya kasi ako eh. Nagwalling na lang ako hanggang sa makaupo ako.
"Need some companion?"
Boses 'to ni Brent ah. Unti-unti kong inangat 'yung ulo ko. MY GHAD! Nakangiti siya sa'kin. Parang may granada sa loob ng puso ko at BOOM! Sumabog na. Parang may kabayong nagkakarera sa loob ng puso ko. Ang lakas ng tibok ng puso dahil sa nakakalokong ngiti ni Brent.
At ito pa, natulala ako. Hindi ako makapagsalita. Halos mabaliw ako, hindi ko na 'to kaya. Gusto ko ng maloka. UMUPO LANG NAMAN SA TABI KO SI BRENT! Sobrang lapit niya sa'kin. Sa sobrang lapit niya, parang gusto ko siyang halikan. 'Yung tipong hindi siya makakahinga sa halik ko. 'Yung tipong malulunod siya. 'Yung tipong ganon!
"Ano pala ang ginagawa mo sa tapat ng kwarto ko?" out of the blue na tanong niya. Damn it! Kahit hindi ako tumingin sa kanya, ang sarap pakinggan ng medyo badboy niyang boses.
"Ah a-no ka-si, emm, a-no ka-si." Shocks! Bakit hindi ko masabi sa kanya. Why o why?
"Ano?" nakakunot niyang noo pero ang pogi niya pa rin. Ang landi ko, grabe!
"Ahm, ako 'yung bago mo'ng maid!" nakayuko ko'ng sambit sa kanya. Syempre, nahihiya ako.
"ANO? SERYOSO? WEH? HINDI NGA? BAKA NILOLOKO MO LANG AKO? SINONG NAGSABING MAID KITA?"
Waaaa! Sabi ko na nga ba. Nakakahiya! Sa ganda ko'ng 'to magiging maid ako ng gwapong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
The Bitch Maid
Teen FictionNagsimula ang lahat when Glamour Yurica Angela Von betrayed by her mother. Hindi na siguro kinaya ng nanay niya ang ugali niya kaya pinalayas siya at ang ating bida, nagkaroon ng major transformation. From ultramega bitch turned to a bitch maid? Ye...