Chapter 35

6.7K 100 3
                                    

Pagkaalis na pagkaalis ng fiancé ko, tumihaya kaagad ako sa sofa tsaka pinagpatuloy 'yung pinapanuod namin ni Brent kanina.

"Sige sampalin mo! Nararapat lang 'yan sa kanya. Buwisit na lalaking 'yan. May fiancé na siya lahat-lahat nagawa pang i-date ang iba! Aba punyeta!"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kalokang movie ito.

Naaawa and at the same time, naiirita ako sa bidang babaeng 'to. Alam niya na ngang niloloko na siya ng fiancé niya, sige lang ng sige. Huling-huli na nga ng dalawang mata niya ang kababalaghang ginagawa ng fiancé niya, mahal niya pa rin. Ang bograt lang! Bigay pa rin siya ng bigay ng second chance. Oh edi sa huli siya lang din ang kawawa. Pakamartir pa more. Kainis.

Mabuti na lang at mabait ang fiancé ko. Alam kong hindi niya ako lolokohin. Pero kung lolokohin niya ako, baka kung ano ang magawa ko.

Pero alam kong hindi niya gagawin sa akin 'yun dahil ramdam kong mahal na mahal niya ako.

Hay nako! Naba-badtrip talaga ako sa gagang bidang 'to.

Sa sobrang inis ko sa bida, kinuha ko ang remote control tsaka malakas na binato sa LCD T.V.

Nabasag ang screen. Malakas pala ang pagkabato ko?

"What did you just do?"

"I just crash the screen of the effin T.V!" I said without even looking to the person who asks me.

Pero teka lang, parang boses 'yun ni mashondang chaka ah?

Lumingon ako at nakita ko ang umuusok sa galit na mukha niya? Shet!

Major turn off ito! Paano pa niya ako magugustuhan para sa apo niya.

"Sorry po! Hehe!" I said sabay peaces sign ng isang kamay sa kanya at 'yung isa naman nakakamot sa ulo ko.

Lumapit siya sa akin. Nakakatakot talaga mukha niya.

*PAK*

At isang malakas na sampal ang lumanding sa maganda ko'ng mukha.

"Hindi ka na nga nagtatrabaho ng maayos dito, naninira ka pa ng gamit!" galit na galit na sabi niya. Pero bakit ganon? Bakit iba 'yung epekto ng pagsampal niya sa akin. Pakiramdam ko, ayaw niya talaga sa akin.

Kaagad akong tumalikod sa kanya kasi pakiramdam ko, tutulo na ang luha ko. Naramadaman ko namang umalis siya.

Bakit ang hina ko ngayon? Bakit hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko laban sa kanya. Nakakainis.

Umakyat na lang ako sa kuwarto tsaka tumihay doon. Sa sobrang bored ko, binuksan ko 'yung laptop ng fiancé ko tsaka nag-facebook.

Whoa! Ang daming notifications. Ang daming friend request. Ang

dami ring messages. Binuksan ko 'yung mga messages. Kaagad nakita ko ang pangalang Gorgeous Yurica Angela Von. Name ng mahal na mahal kong kapatid. Miss na miss ko na talaga siya. Kailan kaya siya babalik dito sa Philippines.

Kaagad kong binuksan 'yung message niya sa akin.

Message from Gorgeous Yurica Angela Von:

Glamour, where are you? I just came here in the Philippines for a couple of days. I've been looking for you since then but apparently, they don't even know where are you. So betta go back here because I really miss you. And also Mom really miss you!

Bigla akong napangiti dahil sa minessage ng ate ko. She really loves me at mahal na mahal ko rin siya. And about sa Mom ko na pinalayas ako? Does she really miss me? Sana nga nami-miss niya rin ako!

Pagkatapos kong magsawa sa kaka-facebook, humiga na lang ako sa kama ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako mga alas-nuebe na. Ang haba ng tulog ko. Bumaba kaagad ako sa dining room para kumain. Pagkatapos, akyat ulit! Teka lang, hindi pa dumadating ang fiancé ko. Sana maayos lang siya ngayon.

Umupo ako sa kama niya, hinihintay ko siyang dumating.

"Bakit ang tagal ng fiancé ko! Alas-dose na ah! Inaantok na ako!"

Napahikab na lang ako sa kakaantay sa kanya. Hanggang sa nakatulog na pala ako.

-

Brent's POV

Naabutan kong nakahiga sa kama ko ang babaeng mahal na mahal ko. Siguro hinintay niya ako! Kawawa naman ang babe ko.

Kinuha ko ang kumot tsaka kinumutan siya. Tsaka tinitigan ko siya.

She's really gorgeous. Hindi ako nagtataka kung bakit nahulog ako sa kanya. Iba talaga siya.

"Sorry Babe ha! Magiging maayos din ang lahat!"

I leaned towards her then I kiss her in her forehead.

"I love you Babe!"

Then pumunta na ako sa kama niya at doon natulog.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon