Napakasaya ng gising ko kaya habang binabaybay ko ang hallway ng St. Hearths ay nakangiti ako. Mas sasaya pa sana kung nakita ko man lang kanina si Brent. Bakit kasi wala si Brent ng paggising ko. Lagi na lang bang ganito? Kainis naman, gusto ko pa namang maranasan 'yung feeling na kasabay at katabi mo sa kotse ang crush mo. 'Yung ganong feeling.
Sa sobrang saya ko, ngayon ko lang napansing nagkakagulo ang mga estudyante ng St. Hearths. Bakit? Anong meron?
"My gosh! Grabe, ang gwapo niya. Kyaaaaaaa! Ang asig niyang makipagsuntukaaaaan!" narinig ko'ng kinikilig-kilig pang sabi ng isang estudyante. Takte, kalande ba! Oo, alam ko'ng iniisip niyong mas malandi ako at wala ako'ng paki.
"I'm gonna die, bes. Oxygen please!" narinig ko'ng sabi ng isa pang babae. Ang landi. Oxygen daw? Sarap ihambalus ng mukha.
Pinuntahan ko ang dalawang magkaibigang chaka. Syempre magtatanong ako sa nangyayari. Kailangan ko'ng maging updated no.
"What's going on." sabi ko sa kanila. Kumunot naman 'yung noo nila. Nagtinginan muna sila sabay...
"Who are you?" sabay nilang sabi.
Oh! Mukhang hindi nila ako kilala. This is interesting.
"Tama ba'ng sagutin niyo ang tanong ko ng tanong din?"
"How dare you" sabay ulit nilang sabi. Ang bobograt talaga.
"I dare you both." sabi ko sabay...
*Pak*
*Pak*
At automatic na naglanding 'yung dalawang palad ko sa pisngi nila. Oh, edi naloka sila.
"Sasabihin niyo ba sa akin ang nangyayari ngayon o papupulahin ko ng husto mga mukha niyo." mataray na sabi ko sa dalawang babaeng 'to.
"Huhu! There oh, huhu!" sabi ng isa na humahagulgol sa pag-iyak. So eeew! Ang panget niyang umiyak. My ghad!
"Saang 'There oh'? Ayusin mo.nga!"
"Huhu, Sa dulo ng hallway...huhu" sagot din ng kasama niya at umiiyak din. Takte, ang aarte nila. Grabe! Parang gusto ko ulit silang pagsasampalin. Tss.
"Ano'ng meron sa duloooo." impatient ko'ng sabi sa kanya at as usual, lumagapak na naman 'yung kamay ko sa mukha niya. Bwisit na babaeng 'to.
"Huhu! May binubugbog kasi dun sa dulo ang Prince ko. Huhu!" sabi niya sabay hila sa kasama niyang iyak ng iyak at sabay silang tumakbo. Prince niya daw? Aba makapal ang mukha.
Dahil curious ako, naisipan ko'ng pumunta sa dulo ng hallway. Gusto ko pa namang makakita ng action scene.
Shocks! Ang daming nagkukumpulang estudyante.
"TUMABI KAYONG LAHAAAAAT!" malakas na sigaw ko. Nakuha ko naman agad 'yung atensyon nila. Mabilis naman silang tumabi at binigyan ako ng daan. Pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nasa kumpulan, pati na rin 'yung mga dumadaan. Ang lakas ba naman ng pagkakasigaw ko e!
Nakita ko'ng nasa lapag si nerd. Duguan siya. Ang lampa talaga, hindi niya man lang naipagtanggol ang sarili niya.
"SINO ANG LEADER NIYO?" malakas na sigaw ko sa apat na lalaking nambugbog kay nerd. Yeah! Tama ang nabasa niyo. Limang lalaki ang nambugbog kay nerd kaya hindi ko rin siya masisisi kung duguan siya.
"SASABIHIN NIYO BA SA AKIN O PAPADUGUIN KO ANG MGA MUKHA NIYO!"
"Siya" sabay-sabay na sabi ng apat na mukhang sanggalo at tinuro ang lalaking nasa kanan ko.
Lumingon ako sa bandang kanan. Bumungad sa akin ang mukhang may ngiting nakakaloko at nakapogi-sign pa at nagpapacute pa. Kabwisit!
*Blagggg*
Malakas na suntok ko sa lalaking nakakabwisit na 'to. Nawala naman kaagad 'yung ngiti niya at napalitan ng pagkunot ng noo sqbay punas sa labi niyang dumugo. Oo, dumugo ang labi niya Hindi ako OA, malakas talaga akong manampal at manuntok.
Nakatulala naman ang mga estudyante sa nakita nila. Sinuntok lang naman ni Glamour Yurica Angela Von ang itinuturing na prinsipe nila.
Tinayo ko si nerd tsaka hinatak papuntang clinic. Nagkakagulo ang mga fans ni Kaizer, hindi nila matanggap ang ginawa ko sa prinsipe nila. Narinig ko'ng gaganti sila. As if I care, kahit batalyon pa sila, kayang-kaya ko sila. Ako pa ba?
Narinig ko'ng sumigaw ang bwisit na si Kaizer...
"Magiging akin ka rin Yurica, tandaan mo 'yan!"
Asa siya!
BINABASA MO ANG
The Bitch Maid
Teen FictionNagsimula ang lahat when Glamour Yurica Angela Von betrayed by her mother. Hindi na siguro kinaya ng nanay niya ang ugali niya kaya pinalayas siya at ang ating bida, nagkaroon ng major transformation. From ultramega bitch turned to a bitch maid? Ye...