Chapter 32

6.8K 111 4
                                    

Nandito na kami ngayon sa bahay nila Brent. Nasa kuwarto kami niya ngayon. Kyaaaaa! Kasalukuyang topless siya. Omo! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Babe, magsuot ka na nga ng damit!" sabi ko sa kanya. Kahit labag sa kalooban kong pasuotin siya ng damit, pinasuot ko pa rin siya. Mahirap na. Baka hindi ako makagpigil, ma-rape ko pa siya.

"Bakit? Malaki naman katawan ko ah!" sabi niya sabay pakita ng muscle niya sa braso. Shet! Ang hot niya, ang pogi niya. Siya na talaga. Ang swerte ko naman at nagka-fiancé ako mg ganito ka guwapo. Pasalamat din siya at fiancé niya ang pinakamagandang babae na ito.

Teka lang, wait. Tama ba ang nakikita ko ngayon? Bakit palapit sa akin si Brent? Nakakaloko ang ngiti niya. Teka lang, huwag niyang sabihing, re-rapin niya ako. Kyaaaaaaaaaaaaa! Hindi pa ako readyyyyyyyy!

*Boogsh!*

"Aray!"

Nakita ko na lang ang katawan ko na nasa sahig na. Nahulog ako sa kama. Shet! Masamang panaginip ito. Pero ang hot niya ha! Infairness.

"Babe, okay ka lang?" kaad lumapit sa akin ang fiancé ko tapos tinulungan akong tumayo.

"Saan masakit sayo?" nag-aalalang tanong niya sa akin. How sweet!

"Dito oh *sabay turo ko sa labi ko* Ang sakit!"

Para-paraan ako.

"Teka lang Babe," ini-scan niya ang mukha ko. "May panis na laway ka o!" sabay turo sa gilid ng labi ko. "Pati muta o!" dagdag pa niya.

Uwaaaaaaaa! Major turn off. Ang gross mo Glamour.

"Maligo ka na, may pasok pa tayo Babe!" sabi niya sa akin.

Sabay kaming pumasok ng eskwela. Nung uwian sabay rin kaming umuwi. Nag-uumapaw ang kilig na nararamdaman ko. Pakiramdam ko, hindi na ako mabubuhay kung wala si Brent sa tabi ko.

"How was the school bitch?" biglang nagsalita si matandang chaka slash grandmother-in-law ko. She is referring to me.

"Well, its preety good!" nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ako numiti. Hindi na talaga ako 'to.

"Wow! Nakakapagbago ang mood swings mo Angela. Whats happening to you?"

Bigla namang nasamid si Babe ko.

"Bigyan mo ng tubig si Brent!" utos niya sa akin. Ang kapal talaga. Sabihin ko na kayang fiancé na ako ng apo niya.

"Huwag na Babe, okay lang!" sabi ni Brent sabay kindat sa akin. Ang landi niya talaga. Pinapaibig niya talaga ako ng husto.

"What do you mean Brent? Why do you call her Babe?"

Hala! Paano na 'to. Baka malaman niyang fiancé ng apo niya ang personal maid nito. Shet naman!

Hindi nakasagot si Brent sa kanya.

"Brent? What do you mean? Don't tell me?" nakataas ang kilay ni Dam Rizzi. Nakakaloka!

"L-lola, a-ano po ka-kasi, a-ano!" nautal na sabi ng fiancé ko. Gosh!

"What?" malaki na 'yung mata ni mashondang chaka.

"Fiancé ko po si Glamour Lola, hehe!" sabi ni Brent habang nakakamot ang ulo.

"WHAT? Dont kid on me Brent?"

"Lola, I'm not kidding you!"

"Stop it Brent, nag-usap na tayo di ba? Itigil niyo 'to habang maaga pa!"

"But lola!" Brent stumbled.

"No buts Brent Montereal." sabi ni mashondang chaka tsaka tumayo na sa mesa sabay alis. Hindi niya na inubos ang kinakain niya. Naiwan kami ng fiancé ko sa mesa. Si Brent, nakayuko, namomroblema.

"What are we going to do Babe?" I said sabay tumayo then niyakap ko siya.

"Let's think an effective plan para pumayag si Lola sa relasyon natin."

Pumasok na kami ni Brent sa school. As usual, naka-nerdy look na naman ang aking pinakamamahal na fiancé.

"Sunduin na lang kita sa room niyo mamaya Babae!" sabi niya sabay kindat sa akin tsaka naghiwalay na kami. Mag-isa na lang ako ngayong naglalakad papunta sa first class ko ng may biglang nanghila sa akin papasok sa bakanteng room.

"Kaizer?"

At anong naisip ng lalaking 'to para ipasok ako sa bakanteng room dito sa school nila.

"Kaizer, ano na naman ang kalokohang 'to? Buksan mo ang pinto, may klase pa ako."

"Yurica, totoo ba? Totoo bang fiancé mo ang nerd na lalaking 'yun?" palapit siya ng palapit sa akin. Paatras ako ng paatras hanggang sa wala na akong maatrasan. Halos five inches na lang ang pagitan naming dalawa hanggang sa nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako.

"Ka-kaizer huwag!" nagpupumiglas ako pero malakas siya. Ano ba ang nangyayari sa lalaking 'to? Nakadroga ba 'to? Tinatanggal ko yung ulo ko para hindi niya ako mahalikan pero hinawakan niya ito.

"Kaizer, ano ba?" sinipa ko 'yung harapan niya. Natumba naman kaagad siya. Malakas kasi ang pagkakasipa ko sa kanya.

"Yurica, sorry!" sabi niya. Sorry niya mukha niya. Tumakbo na ako sa pintuan tsaka lumabas ng kwarto.

Buti na lang at may first kiss na ako, at ang fiancé ko iyon kasi kung wala, sa bastardong lalaking 'yun mapupunta ang first kiss ko.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon