Chapter 30

8.5K 126 1
                                    

Nandito kami ngayon sa isang amusement park. First time ko dito. Nakakaexcite sumakay sa mga rides lalo na kapag kasama mo boyfriend mo.

"Oh saan mo gustong maunang sumakay?" sabi niya sa akin. Saan kaya? Excited na talaga ako!

"Kahit sheen!" sabi ko.Ano ba naman ang nangyayari sa akin. Bakit ako nagkakaganito!?

"Tara!" sabi niya tsaka hinila niya ako.

Oh my god! As in OMG! Hawak-hawak niya kamay ko. Shet! Hindi ako makahinga sa sobrang kilig na nadarama. In love nga talaga ako sa boyfriend ko'ng guwapo.

Pero teka lang wait, bakit dito kami nakapila? Bakit dito sa space shuttle? Oh-my-gosh! Ayaw ko pang mamatay, ayaw ko pang kitilin ang buhay ko. Gusto ko pang i-enjoy ang buhay ng may boyfriend. Gusto ko pang maging asawa ni Brent.

"Ahm Babe! Puwede sa swan lake na lang tayo sasakay?" nahihiyang sabi ko sa kanya. Kainis naman kasi, bakit kasi dito ang gustong sakyan niya.

"Bakit naman? Ang saya kayang sumakay dito!" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Grabe, kahit saang angulo, ang gwapo niya.

"Hmmmmmm, huwag mo'ng sabihing... natatakot ka?" dagdag pa niya habang nakahawak ang kamay sa baba. Jeez! Ano itong nararamdaman ko sa loob ng tiyan ko? Shet nemen.

"Oo e!" sabi ko na nakaka-kamot sa ulo ko. Gusto ko'ng sumigaw ng bongang-bonga sa sobrang kilig pero pinipigilan ko lang.

Hinawakan niya kamay ko. Tinitigan niya ako ng husto. Nilapit niya mukha niya sa mukha ko. Parang hahalikan niya ako. Shet! Ayan na, ayan na, malapit na, nakapikit na ako.

Success!

At lumapat na ang lips niya sa lips ko. Smack lang, sapat na.

"Lagi mo'ng 'tong tandaan, basta kasama mo ang gwapong 'to," nagpogi sign siya which is ang gwapo niya talagaaaaaa!

"Laging safe ka," at nilagay niya ang braso niya sa balikat ko. Kinikilg ako, "Tara!"

At ito na nga. Sasakay na kami. Kung hindi ko lang talaga mahal ang lalaking 'to, baka nasampal ko na 'to.

"Babe, natatakot ako!" sabi ko sa kanya. Nakaupo na ako ngayon dito sa space shuttle. In one minute, aandar na 'to. May one minute pa para magback-out.

"Huwag kang matakot babe, nasa tabi mo lang ako." sabi niya tsaka umandar na ang space shuttle.

"Oh-my-gaaaaaaaaaaaaaad! Kyaaaaaaaaaaaaaa! Breeeeeeeeeeeent! Kyaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ako ng sigaw. Pinipikit ko lang ang mata ko. Natatakot talaga ako.

"Sige Babe, sumigaw ka lang." narinig ko'ng sabi ni Brent. Alam ko'ng nakangiti siya ng nakakaloko kahit hindi ko siya tinitingnan. Pati dito sa space shuttle, kinikilig ako. Shet!

"MAHAL NA MAHAL KITAAAA GLAMOUR YURICA ANGELAAAAAAA!"

Ano raw?

Spell S-P-E-E-C-H-L-E-S-S? 'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Kilog overload talaga! Shet!

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" isinigaw ko rin ng bongang-bonga ang kilig na kanina ko pa nadarama.

"MAHAL NA MAHAL DIN KITA BREEEEEEEEEENT KOOOOOOO!"

Shet! Ang cheesy ko. Grabe talaga ang epekto ng lalaking 'to sa akin.

Huminto na 'yung space shuttle. Bitin naman? Kainis!

"Akala ko ba takot ka?" nakangising tanong ng lalaking katabi ko ngayon. Magulo ang buhok tsaka nakabukas ang polo. In short, ang hot ng lalaking katabi ko ngayon. Ang sarap halikan!

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon