Chapter 14

9.9K 154 5
                                    

"How was the bitch maid." narinig ko'ng sabi ni mashondang chaka. Hindi ko lang siya pinansin. Umupo ako sa upuan nang nakatingin kay nerd. Nakayuko lang ito. Parang ayaw niyang ipakita 'yung mukha niya sa kin.

"Lola is asking you, bitch?" si malanding boobita.

"So? Ano'ng gagawin ko. Gusto mo'ng bugbugin ulit kita." sabi ko habang tuloy-tuloy lang sa pagkain. Si nerd, si mashondang chaka, at ang katulong na nanggising sa akin kaninang umaga, ay patuloy lang sa pagkain. Deadma lang sila sa tensyong nagaganap between the bitch maid versus the slut.

"Wala ka talagang manners." naiinis niyang sambit.

"Oo wala talaga ako'ng manners." sabay tayo sa mesa, konting hakbang papunta sa malanding boobita at *Pak*, isang napakalakas na sampal ang naglanding sa mukha niya.

"How could you!"

Galit na galit itong si malanding boobita. Edi nakita niya hinahanap niya. How could you daw, how could youhin ko siya e.

Bumalik ako sa pagkain, si malanding boobita, ayun, walk out ang peg. Nakita ko'ng tumayo si Nerd, kinuha niya ang bag niya. Naka-uniform siya. Sa St. Hearths University din siya pumapasok. Paano ko nalaman? Simple lang, naka-uniform siya ng pang St. Hearths.

"Lola, alis na po ako." sabi ni Nerd. So? Lola niya rin pala itong si mashondang chaka. At wait, bakit niya kaboses si Brent? Sabagay, baka magkapatid sila.

"O sya apo. Mag-ingat ka. Isabay mo na rin pala itong si Glamour."

"O sige po." sagot naman ni nerd. Kaboses na kaboses niya talaga.

Nauna na ako sa labas. Ang kupad maglakad nitong nerd na 'to. Hays. Nerd na nerd talaga. May malaking salamin, may braces pa.

Sumakay na ako sa kotse at ganun din naman siya. Makalipas ang 10 minutes. Nasa tapat na kami ng school. Bumaba na kaagad ako, sa kotse. Buti na lang.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon