Chapter 19

9.7K 154 8
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ni Brent, deretso  kaagad ako sa kama ko. Hindi na ako nag-greet back kay Brent. Bakit? Baka maghisterikal  ako. Mahirap na.

Nag-ayos ako ng gamit tsaka nagbihis. Don't get me wrong, sa banyo ako nagbihis. 'Wag kayong umarte. Sinong babae ang magbibihis kapag may kasamang lalake, aber?

Pagkatapos ko'ng magbihis, nakaramdam ako ng gutom. Palabas na sana ako ng jwarto ng tawagin ako ni Gosh! ni Brent.

"Glamour, timpla mo naman ako ng kape."

What? Ano daw? Seryoso ba siya sa pag-utos sa akin.

"Hoy ang kapal mo! Hindi porket amo kita uutusan m―"

Shit! Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Gosh! He's my master pala. Baka sesantihin pa ako naeto. Wala akong mapupuntahan ngayon!

"Sabi ko nga, ipagtitimpla na po kita master." sabi ko habang ngumingiti ng peke. Mukhang galit kasi siya. Nasigawan ko 'ata. Lumabas na ako ng kwarto niya tsaka pumunta sa kitchen.

Shit! First time ko'ng gagawin 'to. Pero okay lang, future husband ko naman 'yung pagsisilbihan ko. Kaya, go go go!

Habang binabaybay ko ang kusina, nakita ko si Francheska. Anong ginagawa niya? Aba ang gaga, nagseselfie. Hayop na katulong 'to. Puro selfie lang inaatupag. Masampal nga.

"Hoy Francheska, lumapit ka dito. Bilisan mo. Ipagtimpla mo ako ng dalawang kape. Aayaw ka? Gusto mo'ng sampalin kita, ha? O gusto mo'ng mag-paalam na sa mundo?" tuloy-tuloy ko'ng sabi sa kanya. Haha! Hindi naman siya nakapag-reklamo pa. Takot niya lang mamaga ang mga pisngi niya.

-

"Baka nilagyan mo ng lason 'to?" tanong ko sa kanya pagkatapos niyang matimpla ang kape.

"Feeling mo namang lalasunin kita."

Aba naman. Hindi na talaga nadala ang babaeng 'to. Gustong-gusto niya talagang masaktan, ano?

"Kulang pa ba ang malulutong na sampal na natamo mo galing sa mga palad ko, ha? Kung kulang pa, pagbibigyan kita." sabi ko at akma na sanang ibubuhos sa mukha niya ang nag-iinit na kape na hawak ko.  Kaso bigla niyang hinawakan 'yung kamay ko.

"Walang lason 'yan Ms. Glam, mukha bang lalasunin kita." sabi niya sabay bitaw sa kamay ko tsaka tumakbo. Hayop na babaeng 'to.

-

Lalalalala lalala lalala

Magiging jowa rin kita Breeeeeent

Magpapakasaaaaal tayooo

At magkakaaanaaaaaaaaak!

Jeez! At nagawa ko pa talagang kumanta habang may bitbit na kape paakyat ng hagdan. So pathetic naman.

Nang makabalik ako sa kuwarto ni Brent, automatic na naman ako'ng natulala. Ang hot niya pag nagrereview. Tumuloy ako papunta sa study table.

"Ahem-ahem, heto na ang kape SIR!" diniinan ko talaga ang pagbigkas ng sir. Labag man sa akin pero kailangan. Nilingon niya naman ako kaagad. Nilapag ko 'yung kape niya sa study table tsaka akmang aalis na sana kaso bigla siyang nagsalita.

"Brent... Brent na lang tawag mo sa akin. Huwag ng Sir! O kaya naman gwaps na lang, short for guwapo o pogs, short for pogi." sabi niya ng naka-pogi/guwapo sign.

Aba at ang kapal. Alam ko namang guwapo siya, nakakamatay nga ang titig niya.

"I prefer Brent," I said coldly. Gusto ko sanang sabihing 'I prefer Brent my loves. Gosh, buti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Buti na lang.

"Okay. Ano... ano kasi... tulungan mo naman ako'ng magreview." he said habang nakatingin sa notebook at ballpen na hawak niya.

Ano daw? Turuan ko siya? Geez! Chance ko na ito!

"Sure... Brent." sabi ko nang may ngiti sa aking labi. Sorry, pero hindi ko talaga mapigilan e!

"Then let's start" sabi niya ng may ngiti din sa kanyang labi.

Nagsimula na kaming magreview. Medyo mahirap pala ang nirereview niya pero kayang-kaya naman. Simple algebra lang naman. E? Bakit pa siya nagpapaturo?

"O ayan na, the value of x is five. What now? Gets mo na ba" hindi naman siya kumibo. "O heto namang last number ng reviewer, babasahin ko 'yung tanong ah. 'What is the value of X if its divided― ' What the?"

Hayop na Brent na 'to. Kung hindi lang 'to gwapo, mapapatay ko na 'to. Tulugan ba naman ako? Tsk. Kanina pa ako daldal ng daldal dito tapos tutulugan niya lang ako. Pasalamat siya at mahal ko siya. Ang corny ko, so eeew!

Pinagmasdan ko siya. Gosh! Lalo ako'ng nahuhulog sa kanya.

Tumayo na ako, tumungo sa kama niya tsaka kinuha ang kumot niya. Bumalik ako sa kanya at kinumotan siya. Kawawa naman kasi, mukhang nilalamig na, baka magkasipon pa siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon. Anong klaseng asawa ako kung hahayaan ko lang siyang magkasipon. Ang assuming ko.

Pagkatapos ko siyang kumotan ay tumungo ako ako sa banyo para maghilamos, habang nagsasabon ako ng mukha, may biglang nahagip ang mata ko.

Pagkatapos ko'ng maghilamos ay agad ko'ng kinuha 'yung bagay na nakita ko.

Bakit may uniform na may putik dito sa banyo ni Brent, ang pagkakaalam ko, si nerd kanina ang naputikan ang uniform.

Hayst! Bahala na. Basta inaantok ako. Wala ako'ng pakialam sa uniform na may putik na 'yan.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay kaagad ako'ng pumunta sa kama ko para matulog. Pero alam niyo ba kung ano muna ang ginawa ko bago ako dumiretso dito sa kama pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo.

Uwaaaaaaaaah! Pasimple ko lang namang ninakawan ng halik sa labi si Brent habang natutulog.

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Sabihin niyo ng malandi ako, wala akong paki. At least nahalikan ko sa labi si Brent kahit palihim.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon