Chapter 25

8.5K 133 5
                                    

Natapos naman ang araw na masaya. Yes! Masaya. Wala akong mga tontang nakasalamuha except sa kaibigan ko'ng, alam niyo na!

Nasa kotse ako ngayon. On our way! Yes, on our way. Kasama ko sa kotse ang ever so silent na si nerd. Medyo nasanay na akong kasama ang nerd na 'to. Four days narin ako'ng katulong ng mga Montereal. Aminado na ako'ng katulong ako. Noong una di ko pa naatim na katulong nga ako pero ngayon, nagsisink-in na lahat sa akin. Katulong na nga talaga ako. Pero para namang hindi ko ramdam ang pagiging katulong ko, ni hindi pa nga ako.nakakapaghugas ng plato. 'Yung naalala ko lang na ginawa ko ay 'yung pagtimpla ko ng kape sa asawa ko. Oh, aapela pa? Pektusan kita e!

Hay nako back to nerd na nga tayo. At first medyo galit ako sa kanya. Bakit? E sino ba naman ang hindi magagalit sa pinaggagawa niya sa mukha niya. The superb sa laking salamin , dagdag mo pa 'yung Jose Rizal style of hair, plus the braces. Ghad! I don't know if braces ba talaga or retainer lang. Pero ngayon, medyo okay na ako sa kanya. Natuwa pa nga ako noong sinave niya ako doon sa conyo girl, remember? 'Yung babaeng conyo na nakaaway ko, 'yung babaeng muntik ng itapon 'yung tubig sa akin, remember? Pero kahit naman hindi niya inagaw sa babae 'yun, e kaya ko namang ipagtanggol ang self ko. So bilang thank you ko naman, pinagtanggol ko rin naman siya kay Kaizer, remember. Pinagtanggol ko talaga siya dahil alam ko'ng hindi niya sila kaya. Masyado siyang mahina para lumaban, at mag-isa lang siya, lima ang kalaban niya, hindi niya talaga kakayanin 'yun, no.

"Uy, Glamour! Ang lalim ng iniisip mo ah! Share mo naman 'yan." nakangiti niyang sabi. My ghad! Kaboses at kamukha niya talaga si Brent. No wonder, magkapatid sila.

"Hoy nerd, 'wag ka ngang feeling close." mataray na sabi ko sa kanya. Alam niyo na! Ayaw ko'ng ipakita 'yung weakness ko.

"Ang suplada mo naman!" magina niyang sabi which is, narinig ko naman.

"Hoy nerd! Kung bubulong ka, siguraduhin mo'ng bulong!"

"Malala na talaga 'yang pagiging mataray mo. Tsk. Tsk! Ni hindi mo nga ako kilala samantalang nasa iisang bahay lang tayo nakatira. Lagi-lagi tayong magkasabay na pumasok. Hays ewan ko sayo!" sabi niya sabay lingon sa kalsada.

"Hoy nerd... wala ako'ng paki kung ano ang pangalan mo.  Huwag mo ako'ng artehan. Imbiyerna ako sa'yo!" sabi ko sa kanya. Hindi naman siya lumingon o sumagot pa. Tuloy lang siya sa paglingon sa kalsadang dinaanan ng kotse.

"Teka lang— sige na nga! Ano nga 'yung name mo nerd? Tutal naman lagi kang feeling close tsaka ang pangit pakinggan ng nerd na name no. Nagmumukha ako'ng tanga. Alam mo na! Sabi nga nila— stating the obvious makes you stupid. Obvious na ngang nerd ka, nerd pa rin 'yung tawag ko sayo!"

"Ang dami mo pang sinabi e tatanungin mo lang naman ako ng name ko. Tss!"

"Sasagot ka ba? O bubuksan ko 'tong kotse sabay tulak sa'yo?" taas kilay kong pagtataray sa kanya. Binabad vibes talaga ako ng nerd na 'to. Kainis ha!

"Brent ang pangalan ko!"

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Assuming talaga ang nerd na 'to!

"Bwahahahahahahaha! Ows? Bwahahahaha! Nagjojoke ka ba nerd ha? Hahaha! Ikaw si Brent? 'Yung asawa ko—"

Ooops!

Bigla ako'ng natigilan. Did I really mention 'asawa ko'? Kung oo, my ghad! Isip-isip ng palusot agad Glam.

"Asawa mo?" nakangising sabi ni nerd. Shocks! Bakit ako namumula. Bakit? Bakit kaparehong-kapareho niyang ngumiti si Brent asawa ko? Pero teka lang, ano ng palusot ang gagawin ko? Ano na?

"Hoy nerd, umayos ka! Ayusin mo ang pagsagot sa tanong ko baka maubusan ako ng pasensya sayo. Pasalamat ka at kinakausap kita!" palusot ko. Gosh! Sana effective. Kainis kasi ang nerd na 'to! Ayaw sumagot ng maayos. Nadulas tuloy ako. Jeez! Baka ipagkalat niya sa bahay ang sinabi ko!

"Palusot mo, bulok! Haha! Asawa mo pala ako ah! Hahahaha" nakangisi niyang sabi. Medyo pumupula naman ang mukha niya. Siguro sa kakatawa. Kayamot!

"Bwaaaaaaahahahaha! Asawa ha! Bwahahahaha!"

"Hoy nerd, tumigil ka nga sa kakatawa mo! Babatukan na kita diyan." iritang sabi ko sa kanya.

"Oo na, oo na. Bwahahaha—Aray ko po! Ang sakit nun ah!" pagrereklamo niya. Batukan ko ba naman siya ng napakalakas. Bwahahaha!

"Oh ngayon, bakit tumigil ka sa kakatawa?"

"Nambabatok ka kasi e! Ang sakit kaya!" sabi niya sabay hilot sa ulo niya. Ngayon, kahit medyo labag sa akin, habang tinitingnan ko siya, I found him cute. O, Aapela pa? Found him cute lang, hindi fall in love with him. OA kasi kayo e!

"Umayos ka kasi! Sumagot ka kata ng maayos!"

"Maayos naman 'yung sagot ko e! Ako kaya si Brent!"

"Oo na lang para matapos na ang usapang 'to."

"Bwahahahaha! Ayaw mo talagang maniwala e no!" Bwahahaha! Bahala ka! Bwahahaha"

"Pero, di nga? May gusto ka talaga kay Brent?" dagdag pa niya ng may ngising nakakaloko. Shet!

Hindi ko na lang siya sinagot. Humarap ako sa bintana tsaka tiningnan ang dinadaanan napangiti na lang ako. Sa likod ng isang nerd na anyo— may nakatagong masayahing tao. Medyo nakaramdam ako ng kabog sa aking dibdib. Kabog na nararamdaman ko kapag kasama ko si Brent na asawa ko. Jeez! Nafo-fall ba ako? What to do? Bakit ngayon, parehas ang nararamdaman ko kay Brent at sa nerd na 'to?

Jeez! Isa ako'ng TAKSIL!

"Manong Roger, bababa po ako!"

Shocks!

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon