Chapter 17

9.8K 170 6
                                    

"How was the back to school thingy?" tanong agad nitong matandang chaka sa akin. Pambihira! Hindi pa nga ako nakaka-upo sa upuan, tanong na siya kaagad.

"Paupuin mo kaya muna ako at patapusing kumain tsaka ka magtanong." mataray ko'ng sagot sa kanya at umupo para kumain.

"Tsk!" umiling-iling na lang si matandang chaka. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha dahil sa tinuring ko. Bakit? Simple lang, she used to it. Sana'y na siyang sagutin ng ganyan, kaya parang balewala na lang sa kanya.

"Ibang klase ka talagang katulong, no? How dare you to talk like that to my lola."

"Oh! Nandiyan ka pala? Hindi man lang kita napansin... Sorry ha, napagkamalan kitang pang-display?" Sarkastikong sabi ko sa malanding boobitang epal na 'to. No wonder magkapatid sila ni nerd.

"Lola, fire her. Now." naiinis niyang sabi sa lola niya. Hindi naman siya pinansin ng lola niya bagkus tinuloy lang nito ang pagkain.

"Arrrrgh! THIS IS UNBELIEVABLE!!!" sabi ni malanding boobita sabay tayo sa upuan niya at nag-walk out. Hindi man lag niya inubos 'yung pagkain niya. Tss. Ang sarap kaya ng pagkain. Si matandang chaka naman, hindi man lang kumibo. Haha! Kawawa naman 'yung apo niya.

"Grabe, ang lakas ng tama ng apo niyo." sabi ko sa kanya habang kumakain pa rin.

"Tsk!" nadinig ko sa matandang chaka. Bastos talaga ang matandang 'to.

"So dahil, malapait ka ng matapos, puwede bang sagutin mo na 'yung tanong―"

Hindi na niya natapos 'yung tanong niya sa'kin, dahil may biglang tumunog 'yung sound ng door bell.

"Francheska!" sigaw ng matandang chakang 'to. Mabilis namang sumugod ang katulong na nasampal ko, ang katulong na nanggising sa akin, at ang katulong na naiinggit sa akin. So, her freaking ugly name pala ay Francheska. Haha! Sounds like, chaka. Aminin niyo, magkatunog right?

"Tignan mo 'yung nagdoor bell. Bilisan mo." utos ng matandang chaka. Agad namang sinunod iyon ni Francheska chaka.

"O, sino 'yun Francheska?" kaagad na tanong nitong matandang chaka sa hingal-na-hingal na si Francheska chaka.

"Si-si-... si..." Hindi makasagot si Francheska chaka dahil sa hingal. Kumunot naman agad 'yung noo ni matandang chaka.

"Sino?" irita niyang tanong.

"Wait lang po Madam, inhale, exhale. Heto na po Madam. 'Yung pumasok po ay si Sir Brent." hingal na sagot ni Francheska chaka.

Teka lang, wait? My gosh! Si Brent Montereal? Jeez! Sa wakas! Makakasilay na naman ako.

Palihim ko'ng inayos ang buhok ko. Ayaw ko'ng ipahalata sa mashondang chaka na 'to na may gusto ako kay Brent, mahirap na at baka gawing pain si Brent laban sa akin.

"O, bakit daw hindi pa siya dumiretso dito para kumain." tanong ni matandang chaka habang kumakain.

"Susunod na lang daw po siya Madam"

"Ano'ng susunod na lang siya. Hindi ako makakapayag! Glamour?"

"Yes what" walang ganang sagot ko sa kanya.

"Sunduin mo 'yung amo mo!" utos niya sa akin. Ayaw ko sanang sundin kaso, naalala ko na maid pala ako dito.

Tumayo na ako at akma na sanang pupunta sa kwarto ni Brent kaso nakita ko siyang palapit sa akin. Automatic naman ako'ng natulala. Hindi ko magalaw ang aking mga paa.

"O, nandiyan na pala si Sir Brent, Madam e!" narinig ko'ng sabi ni Francheska.

"Ah, Glamour, nandiyan na pala 'yung amo mo e! Bumalik ka na dito, at tapusin mo ang pgkain." na4inig ko'ng sabi sa akin ni matandang chaka.

Nakita ko namang nalagpasan na ako ni Brent. Tulala pa rin ako. Ano'ng nangyayari sa akin?

"Hoy! Anong nangyari sayo?" sigaw sa akin ni Francheskang chaka.

Ghad! Mukhang nahalata nila. Automatic namang natauhan ako at bumalik sa pagkakaupo. Ngayon, katabi ko sa upuan si Brent. Kinikilig na naman ako.

"O iho, kamusta 'yung schooling mo?" tanong kay Brent ni matandang chaka. Schooling? Pumasok ba siya? Bakit hindi ko man lang siya nakita? Ang daya naman.

"Okay naman po la, ang saya nga po e! May pinagtanggol nga po ako!" masayang sagot ni Brent sa lola niya. Nakaramdam naman ako ng konting kirot sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bigla na lang akong tumayo tsaka dumiretso sa kwarto. Naramdaman ko na lang 'yung luha ko'ng tumulo.

Oo, nagseselos ako! Kainis!Ang sarap manampal!

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon