Chapter 11

11.1K 175 6
                                    

Pumasok na ako sa kwarto ni Brent. Ang laki pala ng kwarto niya. Mga kalahati nung kwarto ko. Seryoso! Malinis naman ang kwarto niya. Nakaayos ang mga gamit. May malaking t.v., kumpleto din siya sa gadgets, at may mga books din siya.

Inikot ko pa ang mata ko. May nakita akong kama. Mukhang 'yun ang kama ni Brent. Wait, teka lang? ANO? Iisa lang ang kama. Saan ako matutulog? Sa couch? Sa tabi niya? Ghad! Ayoko nga. Kahit crush ko siya, lalaki pa rin naman siya. Okay na 'yung sa iisang kwarto lang kaming magkasama, huwag na pati sa kama. Naks, tumutula ako.

Dinouble check ko ulit ang kwarto, at thanks God! Buti na lang at may nakita ako'ng isang kama. Kulay red ang bed cover pati na 'yung unan. Infairness sa matandang chakang 'yun, alam niya ang favorite color ko.

Tumuloy na ako sa kama ko. Si Brent naman dumiretsio sa banyo. Nag-shower yata.

Geez! Naiisip niyo ba ang naiisip ko? 'Eh kung pasukin ko kaya siya sa banyo?' My gosh! Naiimagine ko'ng may eight packs abs siya at Jeez!

"Hayop ka Glamour Yurica Angela Von, kababae mo'ng tao naiisip mo ang mga malalaswang bagay na 'yan. Nakakahiya ka. Isa "  

Jeez! Ang hard naman ng mabuting konsensya ko. Por que naiisip ko'ng pasukin sa banyo si Brent, malaswang babae na kaagad ako. Kaimbey na konsensyang 'to, good vibes na nga ako dahil nandito ako sa kwarto ni Brent titira e bina-bad vibes naman ako netong konsensya ko. Tss.

Oy, may damit dito sa kama ko. Mukhang mamahalin. Buti naman at mamahalin ang biniling damit sa akin ng mashondang chakang 'yun. Hindi pa naman ako nagsusuot ng mga cheap na damit.

After ko'ng ayusin ang mga damit ko, napalingon ako sa pinto. Sa pinto ng banyo. NGANGA! Kasalukuyan ako'ng tulala, hindi ko kinakaya ang nakikita ko. Si Brent, nakatapis lang, kakalabas lang ng banyo. Ang hot niya, putek. Tulala pa rin ako, naramdaman ko'ng tumulo ang laway ko pero hinayaan ko na lang. Busog ma busog na ang mga mata ko sa nakikita ko, pwede ng hindi ako kumain ng one week.

"Baka matunaw ako niyan."

Agad bumalik ako sa katinuan. Shet na malagket! Nakakahiya, nakakahiya. Nahuli ako ni Brent na nakatitig sa katawan niya. Uwaaaaa! Hindi ko kinakaya. Anong nangyayari sa pagiging bitch. Nasaan ang justice sa character ko? At ano ang isasagot ko? Nyay! Kinikilig na naiinis ako. Uwaaa!

"Gwapo ba?" sabi niya sabay pogi sign. Bakit ba ang pogi mo at naiinlove ako sa'yo? Kyaaaaaaaa!

"Magshower ka na, mukhang kahapon ka pa hindi naliligo e." sabi niya sabay alis. Ako naman, tulala pa rin, nawawala sa sarili, hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko may kung ano sa tiyan ko.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon