Chapter 23

9.3K 151 1
                                    

"Oo na Yurica, ikaw lang ang mahal ko. Promise, hindi kana ulit magseselos sa mga fans ko, basta tigilan mo lang ang pagpingot mo sa'kin."

Arrrg! Namimilipit na nga siya sa sakit, nagawa niya pa ring magyabang. My ghad! Ano'ng pinagsasabi niyang nagseselos ako? Seriously? Wala ako'ng gusto sa kanya.

"Hayop ka, anong pinagsasabi mo"ng nagseselos ako? Sira ka ba ha? Ni wala nga ako'ng paghanga sa'yo." nanggigigil ko'ng sabi sa kanya. Hinigpitan ko lalo 'ang pagpingot sa kanya habang papunta kami sa office ng Mama niya.

Nasa amin naman ang atensyon ng mga estudyante. Nagugulat sila sa mga nangyayari.

"Kyaaaaa! Ang sweet naman nilaaaa"

"My gosh! Kakilig!"

"Omo! Grabe ang sweet nila. Shet!"

Seryoso ba sila sa pinagsasabi nila? Gross! Nakakadiri. Nakakakilabot. Ano'ng sweet sa pagpingot? Sige nga?

"Ang sweet daw natin Kaizeeeeer." mapang-asar na sabi ko sa kanya habang naglalakad pa rin papuntang office ng Mama niya. Haha! Ang epic ng mukha niya grabe!

"Yurica— aray! Tama naaaaa. Oo na, ikaw lang... aray! Sapat na."

Bwisit na lalaking 'to. Nagawa pang bumanat ng kalokohan. Pulang-pula na ang tenga at mukha niya. Pero bakit ang pogi pa rin? Uh-oh! Nasabi ko bang ang pogi niya? My gosh, pakiramdam ko, taksil ako. Dapat si Brent lang ang pogi Glam, si Brent lang dapat.

"Omo! Anong ginagawa niya sa prince ko?"

"Shocks! Kawawa naman si Kaizer babes ko!"

"Mukhang nagkakasakitan na sila."

"Ang sama naman nung girl na kasama ni Kaizer! Bakit niya ginaganon si Kaizer. Ang sweet kqya ni Kai!"

Arggg! Bwisit na mga estudyanteng 'to. Mga tsismosa't tsismoso. Pinapainit talaga nila ang ulo ko.

Huminto ako. Binitawan ko si Kaizer at hinarap ang mga estudyanteng tsismosa't tsismoso.

"KAYO!" mataray na sabi ko sa kanila tsaka dinuro-duro sila isa-isa. Napaatras naman sila.

"KUNG WALA KAYONG MAGAWA SA BUHAY NIYO. MAGPAKAMATAY NA LANG KAYO!"

Agad naman silang tumakbo sa kani-kanilang mga kuwarto. Hinila ko ulit si Kaizer. Hindi ko na piningot tenga niya. Hinatak ko na lang kamay niya.

Nandito na kami sa tapat ng office. Kakatok na sana ako, kaso si Brent— este si Kaizer, biglang nagsalita.

"Ahem! Dumada-move ka Yurica ha! May pahawak-hawak ka pa talaga ng kamay, ha. Ikaw ha, pakipot ka pa e!" sabi niya ng nakakaloko. Agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa kamay niya. My ghad! Nakakadiri. Bakit ko hinawakan ang kamay niya? Ang assuming tuloy ng mayabang na lalaking 'to.

Binuksan ko na ang pintuan ng office. Nakita ko namang nagsusulat si Tita Cynthia. May mga hawak na ballpen kasi siya. Hinatak ko papasok si Kaizer.

"Dahan-dahan lang naman babes."

Aba punyeta talaga! Makikita talaga ng lalaking 'to ang hinahanap niya.

Lumapit ako sa mesa ni Tita. She is very busy talaga. Tutok na tutok siya sa ginagawa niya kaya hindi man lang niya ako napansin.

"Ahem!" nagkunyaring umubo ako para mapansin ni Tita.

"Yurica, you're here. How are you? Are you alright sweetie? What brings you here?"

"Actually Tita, I'm here po para isumbong ang kalokohang ginawa ni Kaizer." sabi ko ng nakakaloko sabay tingin kay Kaizer.

"Tell me iha, ano na naman ang kalokohang ginawa ng anak ko."

"Well Tita, pinahiya lang naman po ako ni Kaizer. And because of that Tita, I want him punish, gusto ko po'ng parusahan niyo po siya."

Nakita ko namang nakakunot ang noo ni Kaizer. Mukhang nainis siya. Bakit? Simple lang, ibang klaseng magparusa si Tita. Noong last na sinumbong ko siya, dahil naiirita ako sa kanya kakastalk niya sa'kin, pinadala siya ng Mama niya sa America.

"Do you want me to send him ulit sa States iha?"

Tumingin muna ako kay Kaizer, kinindatan ko siya tsaka baling ulit ng tingin kay Tita.

"Yes Tita, I don't want him here e!"

Biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako. Pumasok ang— BFF ko.

"Oh my gee! You're here din Yurica! I miss you so much girl."

Niyakap niya ako. I hug her back too. I miss my bestfriend so much. Yeah! You guys heard it right. The one and only ultramega bitch had a friend too. The ever so conyo, Frappy Hearths, daughter of Tita Cynthia Hearths and twin sister of Kaizer Hearths.

"How dare you? What make you so long to stay there. My ghad Frappy, pinaghantay mo ako ng one year." mataray na sabi ko sa bestfriend ko.

"Ever so taray! You did not change talaga Yurica."

"Ever so conyo Frappy, hindi bagay sayo."

"Whatever. Let's make bonding na lang Yurica."

"Why are you here Frappy? Akala ko magsha-shopping ka?" singit ni Tita Cynthia.

"I want to make bonding with my BFF mommy e!"

"That's a good idea. Well then, go ahead. Magkuwentuhan kayo. One year din kayong hindi nagkita."

Hinila naman kaagad ako ni Frappy. Naiwan si Tita at Kaizer sa office. Dumiretso kami sa starbucks sa labas ng school. Umorder naman kaagad si Frappy ng ever-so-favorite Frapuccino. Umupo na kami sa upuan tsaka nagsimulang magkuwentuhan.

"Nakakainis ka Frap. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na aalis ka pala."

"Sorry Yuri ha, it was very urgent kasi. But I will not make alis anymore. Dito na ulit ako mag-st-stay. Teka lang Yuri, what are you doing pala sa office ni Mommy? Oh my gee, don't tell me, kayo na ng basagulerong kapatid ko. My gee, so happy for you guys."

"Sira ka ba Frap? You're making conclusions agad. It's not what you think. I will never fall for your brother Frap."

"So sad, bagay pa naman sana kayo ni twin brother, but anyway. Ano na nga? What ae you doing there?"

"My ghad! Yung kapatid mo'ng mayabang, may ginawa na naman. Kaya sinumbong ko siya kay Tita."

"Jeez! I'm so kinikilig!"

"Stop it Frap! You look so crap. Haha! Anyway, what's next? I mean, what's your plan?"

"Well, I decided to continue my study here. Para lagi na tayong magkasama. BFF!"

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon