Chapter 4

14.5K 237 6
                                    

"Where's the kitchen?" tanong ko sa mashondang chaka.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila, kitchen agad ang hinanap ko. Bakit? Simple lang, nagugutom kasi ako.

"Talaga nga naman oh. Ang mga kabataan talaga ngayon, bukod sa matigas na ang ulo matigas rin ang mukha. Tss." sabi nitong mashondang chaka sabay iling-iling pa. As if naman na bagay sa kanya.

"Sasabihin mo ba sa akin kung saan ang kusina niyo o papaduguin ko yang bunganga mo?" mataray ko'ng tanong sa kanya. Halata namang gulat siya sa tinuring ko sa kaniya. Hindi niya siguro akalaing, ang magandang babaeng tulad ko ay tinanong siya ng ganon.

"Hindi ako takot na dumugo ang bunganga Glam." sabi niya ng nakakaloko sabay, WHAT? Did she just slap me? Hindi ako makapaniwala. Lumagapak ang maduming palad niya sa napakalinis ko'ng mukha. Akma ko na sanang sasampalin itong si mashondang chaka kaso nahawakan niya ng bongga ang kamay ko.

"You're hired. Welcome to hell Glam, be the ultramega bitch, kung gusto mo'ng tumagal ang trabaho mo." sabi niya at nagsmirk pa ang bruha. Umalis na siya sa harapan ko.

I can't believe this, first time ko'ng masampal ng bongga. Hayop na mashondang chaka na 'yun. Hindi man lang ako nakaganti sa kanya.

"By the way Glam, may directory kami dito. Tignan mo na lang kung saan ang kitchen. Good luck, sa pagiging katulong mo Glam." ang loka, bumalik pa talaga. Akala niya naman sila lang may directory. Hays! Kainis.

Tumungo na ako papuntang kitchen. Ohemgee! Ang daming pagkain sa ref nila. May carbonara (tira nila siguro ito kagabi), May spaghetti, ang sharap!

"Who the hell are you?" may biglang nagtanong sa akin habang kumakain ako.

"Anuba, mamaya mo na nga akong istorbuhin." sabi ko habang nguya-nguya ang carbonara at spaghetti.

"You deserve this." sabi pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Ang laking epal niya.

Napatigil na lang ako sa pagkain, nakita ko na lang na nasa sahig na ang oh-so-love carbonara ko.

"Bakit mo tinabig ang pagkain ko? You should pay me for ruining my oh-so-glamour lunch." tuloy-tuloy ko'ng sabi sa kanya sabay hatak sa sa kamay niya sabay sampal sa kanya ng malakas.

"What did you just did to me?" nakatulala niyang tanong.

"I just slap you. You don't understand, take this." sabay sampal ulit sa kabilang pisngi niya.

"Oh ngayon, alam mo na?"

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon