Chapter 31

6.9K 110 11
                                    

Monday ngayon. On our way kami ngayon ng fiancé ko sa St. Hearth. Yes! Fiancé ko na siya ngayon, pumayag ako'ng pakasalan siya pero hindi muna ngayon. As usual, ang boyfie ko, naka-nerd look na naman. Sabi ko sa kanaya na huwag na siyang magnerd look eh, pero he insisted. Sanay na raw siyang pumasok ng ganon kaya wala na rin akong nagawa.

"Ang cute mo babe kahit naka-nerd look ka!" sabi ko sa kanya sabay pisil ng pisngi niya. Ang cute niya talaga.

"Gwapo pa!" sabi niya sabay pogi sign. Infairness, ang cute at gwapo niya.

"Ang yabang mo Babe!" sabay hampas ko sa kanya. 'Yung tipong mahina lang.

"Ikaw nga, ang ganda eh!" sabi niya sabay kiss sa akin. Kyaaaaaa! Nakakailang kiss na ang boyfie ko'ng to ah!

Nang makarating na kami ng St. Hearths, pinagbuksan na kami ni Mang Roger. Jeez! Holding hands kaming naglalakad ngayon sa hallway ng school.

"Mag-jowa sila?"

"Ang baba naman ng standards niya, pumatol siya sa nerd na 'yan."

"Sa true! Dapat kay Kaizer na lang siya eh!"

Narinig ko ang mga bulubg-bulungan ng mga estudyante. Nanggigigil na naman ako sa mga hayop na mga chismosang estudyante na 'to. Pinipigilan ko lang na sampalin sila isa-isa dahil kasama ko ang fiancé.

"Nakakapanggigigil ang mga estudyanteng mga 'yan ah!" bulong ko sa sarili ko. Napaka-judgmental ng mga utak nila.

Okay! Ano ito'ng nangyayari sa akin? Epekto ba ito ng pag-ibig? Shet! Ganito ba talaga pag-in love? Juice colored!

"Hayaan mo na lang sila Babe!" sabi ng fiancé ko at nagpatuloy na kami sa paglalad sa hallway. Tinaasan ko na lang ng kilay ang mga estudyanteng paarte-arte. Habang naglalakad kami ng fiancé ko sa hallway, bigla na lang nagkagulo ang mga tao.

"Kyaaaaaaaa! Nandiyan na silaaa!" sigaw nung isang babaeng nasa pinakaharapan ng pintuan ng hallway. Napatigil naman ang ibang estudyante sa pagsigaw nung babae.

"Our prince and princess!" dagdag pa niya.

Ngayon, nagkakagulo na ang mga estudyante. Mapa-tibo, bakla babae, lalaki, nagkakagulo. Napahinto na lang kami sa gilid ng fiancé ko dahil wala kaming madaanan. Pinuno ng mga hinayupak ang hallway. Kainis!

"Look at me, maganda na ba ako." sabi nung isang babae sa kasama niya. Gosh! Kahit hindi niya na itanong, halata namang wala na siyang igaganda.

"Beautipul!" sabi nung bakla habang tinitingnan ang sarili niya sa salamin. Eew! Sabog ang lips niya.

"Pare, ano, guwapo na ba?" ang sabi nung trying hard na tomboy sa kasama niya ring trying hard na tomboy. Hay nako!

"Pre, ayos na ba?" tanong nung ayaw patalong lalaking mukhang paa. Grabe!

Nakatingin lang kami sa kanila ng fiancé ko.

"Hahahahahahahahaha!" at sabay kaming tumawa.

"Mukha silang tanga Babe, noh?" sabi ko kay Brent.

"Sinabi mo pa!" sagot naman niya ng nakangiti tsaka nagsimula na siyang maglakad pa. Hawak-hawak niya pa rin kamay ko at sabay kaming naglakad ulit. Habang sila nagkakagulo, kami naman sinusulit ang moment na ito.

"BFF!" May malakas na sigaw ako'ng narinig. Sa tono pa lang ng boses, alam ko na kaagad kung sino, my ever-so-conyo bestfriend, Frappy Hearths.

Kaagad ko naman siyang nilingon. Kasama niya ang kapatid niya. Si Kaizer, wearing his hot sando. Bigla ako'ng napalunok ng laway ko. My ghad!

Umayos ka nga Glam! Nasa tabi mo pa naman fiancé mo.

"Wait!" she said sabay takbo papunta sa akin. Nang makalapit na siya, nagbeso-beso kami.

"Wait, what is the meaning of this?" sabi niya habang nakanguso ang bibig sa kamay namin ni nerd. Sumunod naman si Kaizer sa kanya. Nakita ko pang tumingin siya sa holding hands namin ng fiancé ko. Nag-smirk lang siya.

"By the way Bff, he's my boyfriend!" sabi ko sa kanya. Nanlaki naman kaagad mata niya. Nagulat ang loka. Pati si Kaizer din, nagulat. Si Brent naman, nakangiti lang sa kanilang dalawa. Ang bait talaga!

"OMG! Congratulations Glamour Yurica Angela Von. Finally, you already have a boyfriend. I'm so happy for you."

"I forgot to tell you, were already engaged BFF!" hindi ko mapigilan ang saya na nadarama ko. Gulat na gulat si Frappy sa nadinig niya. Si Kaizer naman, ayun bigla na lang umalis. I know. Alam ko'ng nasasaktan siya ngayon. Kasi sabi ko naman sa kanya na wala talagang pag-asang maging kami eh!

"Seriously? Gosh!" at hinug niya ako ng mahigpit. Bumitaw siya tsaka humarap kay Brent. Nakita ko namang napalunok si Brent habang nakaharap sa kanya si Frappy.

"Hey you," she said. "Wait, you look so familiar! Nagkita na ba tayo?" nagtatakang tanong ng BFF ko sa fiancé ko. Si Brent naman, hindi makasagot. Nanginginig. Ramdam ko sa kamay niya na ninenerbyos siya.

"Nah, anyway. Huwag mo'ng sasaktan ang bestfriend ko, kundi lagot ka sa akin." matapang na sabi niya kay Brent. How sweet naman ng bff ko.

"Parehas na tayong engage BFF!" sabi ko sa kanya. Tuwang-tuwa siya. Ako din, tuwang-tuwa.

"Yeah right!" sabi niya sabay appear sa akin. "But wait, what is his name pala!"

Ay oo nga pala, hindi niya pa nakikilala si Brent ko.

"Ah, Frappy this is Brent. Brent this is Frappy. O ayan, you know each other na."

"Wait, how destined! Parehas tayo Bff ng pangalan ng mapapangasawa."

"You mean, Brent din ang name ng fiancé mo? Bff nga talaga tayo!" sabi ko sa kanya. Ang galing naman.

"So pano ba 'yan Bff, mamaya na lang. Late na kasi ako sa class ko, pati rin 'tong boyfriend ko!" sabi ko.

"Bye, ah wait, next week, pakikilala ko sa'yo fiancé ko!" sabi niya sa akin at naghiwalay na kami ng Bff ko.

Ang galing naman. Can't wait na makilala ko ang fiancé ng bestfriend ko!

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon