Pagdating ko sa bahay ng Montereal, dumiretso kaagad ako sa kwarto. Nakita ko'ng wala si Brent. Nagbihis muna ako tsaka bumaba papuntang kitchen.
Nakasalubong ko si Francheska chaka. Aba at nakahead set pa ang loka. In fairness sa kanya ngayon, hindi niya ako binibuwisit. Tuloy-tuloy lang ako sa kitchen ng mapadaan ako office ni mashondang chaka. Nakabukas ang pintuan. Papasok na sana ako kaso, bigla kong nakarinig ng batuhan ng salita. Pumuwesto ako sa gilid ng pintuan. Isinantabi ko muna 'yung gutom na naramdaman ko. Magi-evesdrop muna ako. Haha!
"You should! Kailangan mo'ng pakasalan siya! Nalulugi na ang mga negosyo natin. Pamilya na lang nila ang pag-asa natin!" narinig ko'ng sambit ng mashondang chaka! Sino kaya kausap niya?
Oh! Ano ito? Financial crisis? So kailangan talaga ng kasal-kasal thingy? Kaloka naman si Madam Rizzi. In fairness sa kanya!
"Pero lola hindi ko siya mahal!" sagot naman nung kausap niya. Teka lang wait. At bakit kaboses ni Brent asawa ko ang kausap ni mashondang chaka? Arrgg! Huwag niyang sasabihing si Brent asawa ko ay magpapakasal? Hindi maari 'to!
Agad-agad ko'ng tinulak ng malakas ang pintuang bukas. Pumasok ako sa office. Wala ako'ng paki. Hindi ako papayag na ganon ang mangyari.
Nagulat naman kaagad sila. Pati ako nagulat. Nagpadala ako sa galit ko. Ngayon ko lang narealize na magkaboses pala ang Brent asawa ko pati ang nerd na 'to. Oo, si nerd pala ang kausap ng mashondang chaka. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi pala ang Brent asawa ko ang ikakasal, si nerd pala. Buti na lang at ikakasal ang nerd na 'to. Hindi na ako hahanap pa ng paraang iwasan siya. Mas mabuti na 'to, Habang maaga pa, mawala na ang feelings ko sa nerd na 'to. Dapat kay Brent lang ako.
"What are you doing here!" gulat namang tanong ng mashondang chaka. Ang epic lang ng mukha niya.
"Are you asking me why am I here? E kung sabihin ko kayang ang chaka mo, baka maloka ka. Haha!" I said sabay alis. Hindi pa nga ako nakakalabas ng kwarto, bigla naman ako'ng hinawakan ni nerd sabay hila sa akin.
Hila na naman?
BINABASA MO ANG
The Bitch Maid
Teen FictionNagsimula ang lahat when Glamour Yurica Angela Von betrayed by her mother. Hindi na siguro kinaya ng nanay niya ang ugali niya kaya pinalayas siya at ang ating bida, nagkaroon ng major transformation. From ultramega bitch turned to a bitch maid? Ye...