"Nakakainis naman friend! Bakit hindi sila nagkatuluyan!"
"Tigilan mo nga ako Vanessa! Huwag mo kong idamay sa mga kalokohan mo sa buhay! Kung nagda-drugs ka, sarilihin mo na lang 'yan! Tsaka, tigil-tigilan mo na nga ang pagbabasa ng kung anong storya!"
"Eh, nakakainis talaga Ehlla eh! Kayamot kaya 'yung author ng The Bitch Maid, parang sira! Akala ko pa man din, magkakatuluyan si Glamour at si Brent! Huhu Pero hindi naman pala!"
"Kung ako sa'yo, aatupagin ko muna ang lovelife ko kaysa sa pagbabasa ng mga istorya na 'yan sa wattpad!"
"Hay nako! Malapit na rin akong magka-lovelife! Tiwala lang! Malapit ko ng mapasaakin ang adonis ng school natin, kaya maghantay ka lang Ehlla!"
"Ewan ko sayo Vanessa! Hali ka na nga! At late na naman tayo!"
Totoo bang wala na talagang forever? Sana naman, kung magkakastory ako, yung tipong, happy ending naman!
*********The End**********
BINABASA MO ANG
The Bitch Maid
Teen FictionNagsimula ang lahat when Glamour Yurica Angela Von betrayed by her mother. Hindi na siguro kinaya ng nanay niya ang ugali niya kaya pinalayas siya at ang ating bida, nagkaroon ng major transformation. From ultramega bitch turned to a bitch maid? Ye...