Chapter 18

9.6K 149 2
                                    

Maaga ako'ng nagising! Galit ako, kaya magtigil kayo. Tinatanong niyo kung saan si Brent? Aba malay ko! Baka nasa babaeng niligtas niya kahapon. Magsama sila! Sinisira nila ang araw ko. Kabwisit!! Arrgh!

Pumunta na ako ng banyo. Sa sobrang inis ko, saktong isang oras akong naligo. Pagkatapos, syempre nagbihis!

Pagkatapos ko'ng ayusin ang sarili ko, pumunta na ako sa dining area. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Francheska chaka. Nakangiti ng malapad ang bruha. Mukhang masaya siya.

"Himala, ang aga mo'ng nagising ngayon. Anong nakain mo? Haha!"

Arrrg! Dinadag-dagan ng bruhang 'to ang init ng ulo ko. Makakatikim talaga sa akin 'to.

*Pak*

*Pak*

*Pak*

*Pak*

Apat na magkakasunod na sobrang lutong na sampal ang binitawan ko sa kaliwa at kanang pisngi niya. Hindi naman maipinta ang mukha niya sa sobrang pula.

"Oh ayan, himala!" sabi ko sa kanya sabay alis. Iniwan ko naman siyang nakatayo pa doon hawak-hawak ang magang pisngi niya. Masyado kasing pakialamera.

-

Kumain na ako ng breakfast. Naimbyerna na naman ako. Akala ko pa naman mawawala ang galit ko

pag nakita ko si Brent, pero wala na naman si Brent? Ano ba? Akala ko ba sa iisang school lang kami pumapasok? Tanging ang matandang chaka lang at ang mga apo niyang sina malanding boobita at nerd lang ang nasa mesa kanina. Tsk!

Pagkatapos kumain ay sabay naman kami ni nerd lumabas ng bahay. Dahil bwisit ako, gusto ko'ng man'trip ng tao ngayon, at si nerd ang pagtitripan ko.

Nang papasok na si nerd sa kotse, agad ko'ng hinarang 'yung paa ko at yun― si nerd nadapa. Hahahaha! Ang lampa talaga!

"Hoy nerd, bakla ka ba, ha? Ang lampa-lampa mo! Hahaha!"

Pagkatapos ko siyang pagtawanan, sumakay na kaagad ako sa kotse. Mabilis naman siyang tumayo tsaka sumakay sa kotse. Halata sa mukha niyang naiinis na siya kaso hindi siya makapalag. Bakit? Simple lang, takot siya sa akin!

Nang makarating kami sa St. Hearths, pina-una ko'ng bumaba si nerd sa kotse. Agad ko naman siyang tinulak. At boom, uh-oh! Nahulog siya sa kotse. Puro putik ngayon ang damit niya. May putik pala sa kalsada. Haha! Umulan pala!

"Uy, sorry ha. Pero bagay sayo nerd" nakakaloko ko'ng sabi sa kanya. Banas na banas siya sa akin siguro. Haha!

Nakita ko'ng sumakay ulit siya sa kotse, siguro babalik ng bahay. Syempre, puro putik siya, alangan namang pumasok pa siya. Umalis na 'yung kotse kasama si nerd. Haha! Ang sayang mantrip ngayon.

-

Maagang natapos ang klase, may meeting daw ang mga teachers kaya heto ako ngayon, papasok na ng kwarto ni Brent. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, nadatnan ko si Brent, nagsusulat. Ang gwapo niyang magsulat infairness!

Teka lang wait, erase. Galit ako kay Brent ngayon. Galit ako sa kanya ngayon. Glamour? Huwag kang tumingin sa kanya. Isa!

Sinusubukan ko'ng huwag siyang tignan pero parang may sariling buhay ang mga mata ko at pilit pa ring tumitingin sa kanya. Nagulat naman ako nang mapalingon siya sa akin.

"Hi!" sabi niya nang nakangiti ng malapad.

Ano ito? Bakit parang matutunaw ako? Bakit kaagad nawala ang inis at galit ko kay Brent? Bakit?

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon