Chapter 28

7.6K 142 6
                                    

"Hoy nerd, bitawan mo nga ako Saan mo ako dadalhin ha? Gusto mo'ng pira-pirasuhin kita ha?" angal ko sa kanya.

Hindi siya sumasagot. Patuloy lang siya sa paghila sa akin. Nakakatakot 'yung mukha niya ngayon. Parang kanina lang, nakikipagkulitan pa siya, ngayon, grabe, as in, grabe talaga.

Hila-hila niya ako palabas ng bahay. Saan naman kaya ako dadalhin ng nerd na 'to?

-

"Hoy nerd! At ano'ng ginagawa natin dito? Ibalik mo nga ako sa bahay. Buwisit ka! Kung galit ka sa lola mo dahil ipapakasal ka, huwag mo ko'ng idamay. Ano ha! Bibitawan mo ba ko o hahambalu—"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. Hinawakan niya ng mahigpit 'yung kamay ko tsaka—

Uwaaaaaaaaaaaa!

Buwisit na nerd 'to! Hindi ako makahingasa ginawa ng lalaking 'to.

Sinampal niya ako!

Oo. Tama kayo! Tama ang nabasa niyo!

Sinampal niya ako ng halik!

Uwaaaaaaaaaaa!

This nerd is kissing me torridly. As in— TORRIDLY! As in Lips-to-lips!

Sinusubukan ko'ng tanggalin 'yung lips ko sa lips niya pero— Uwaaaaaaaaaaa! Ang aggressive niya! Habang hinahalikan niya ako, hawak-hawak niya ang ulo ko. 'Yung tipong ayaw niya ako'ng pakawalan.

Nararamdaman ko 'yung labi niya. Shocks! Hindi ko alam na sa likod ng nerd niyang pagkatao— he's a dumb good kisser pala!

By no choice, nagpadala na lang ako sa eksena. Ika nga nila— go with the flow ang peg ko. Medyo naramdaman ko 'yung braces niya. Medyo nasaktan ako. Nang mapansin niya, agad naman siyang tumigil sa paghalik sa akin sabay tanggal ng bagay sa ngipin niya. Retainer lang pala. Hinubad niya rin ang salamin niya tsaka itinaas ang buhok.

Oh my gosh!

This can't be real?

My Brent asawa ko and this nerd ay iisa! For real?

Bago pa man ako magrereact, mabilis pa sa alas-kuwatro na hinawakan ni nerd slash Brent my loves ko 'yung ulo ko sabay— French kiss! Uwaaaaaaaaaaa!

He is kissing me like there's no tomorrow. I can feel his breath, his warm breath. And by no choice, I just go with the flow. I feel like heaven. 'Yung crush ko 'yung kahalikan ko ngayon. Hindi na ito nakaw kundi gusto namin 'to. Teka lang— kyaaaaaaaaaa! I mean all this time? 'Yung laging kasama ko sa pagpasok sa eskwela, 'yung kasabay ko parati sa kotse, 'yung pinagtanggol ko laban kay Kaizer, 'yung nagtanggol sa akin laban sa conyo girl, si Brent asawa ko pala! Shocks! Akala ko, nagsisinungaling lang siya kanina. Ohemgee!

Pero ano ang nabalitaan ko?

Diba kanina, pag-uwi ko, ikakasal daw si nerd? Ohmygoodness! Shocks! Ano na? Ano na lang ang mangyayari sa lovelife ko. Bakit ngayon pa, bakit ngayon pa kung bakit alam ko nang mahal din pala ako ng mahal ko.

Tinanggal niya ang pagkakahalik sa akin. 'Yung lips lang ang natanggal, we're still inch away from each other. Hinawakan niya 'yung dalawang pisngi ko.

"I love you!" he said sabay smack sa akin. Nakakailan na ang lalaking 'to ah! Pero Jeez! kinikilig ako! Kyaaaaaaaaaaa!

"Mahal din kitaaaaaaa!" sagot ko sa kanya. Kinikilig ako ngayon ng sobraaaaaa!

"So tayo na?" sabi niya sa akin. Ang gwapo niya talaga! Shocks! Paano ko 'to, hihindian?

"Oo, yes! Agad-agad. Wala ng ligaw-ligaw. Boyfriend na kita, girlfriend mo na ako! Tayo na, magshota na tayo!" halos mamatay ako sa kilig habang sinasabi ko ang linyang 'yan.

"Yes!" sabi niya sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit.

May naalala ako!

"Hala! Paano na 'yung sabi ng lola mo'ng ipapakasal ka raw? Paano na tayo? Paano na Brent?" tanong ko sa kanya.

"Huwag mo munang isipin 'yun. Sa ngayon, i-enjoy na lang muna natin ang meron tayo ngayon." kalmadong sabi niya tsaka naglakad kami paauwi sa.bahay. Shock pa rin ako sa nangyayari ngayon. Kinikilig ako.

Bago kami makaalis ng tuluyan sa park, may nahagip ang mata ko.

Nahagio ng mata ko ang lalaking nakatingin sa amin. Nakita ko'ng may tumulo sa mga mata niya. Pupuntahan ko sana siya kaso bigla siyang tumayo, tumalikod tsaka umalis. Si Kaizer ang nakita ko.

*Sigh*

Sana kasi nakinig na lang siya sa akin. Hay nako, sira kasi ang utak ng mokong na 'yun. Psh! Bakit ko ba siya iniisip. Dapat isipin ko ang problema ngayon namin ng boyfie ko.

It's officially. Brent Montereal is my boyfie and I'm his bitch girlfie.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon