Brent's POV
Maaga akong umalis ng bahay kanina. Ang nakakairitang Frappuccinong 'yun kase! Kailangan daw naming magkita! Kaya nandito ako ngayon sa bahay nila.
"Sir wait lang daw! Nagbibihis pa si Ma'am Frappy!" sabi nung katulong niya.
Hay! At talagang pinagaantay ako ng babaeng 'yun.
Umupo muna ako sa sofa then ininom ko 'yung binigay na meryenda nung katulong niya.
Maya-maya'y biglang bumukas ang pinto ng bahay nila. Si Kaizer ang pumasok, mukhang lasing. Pagewang-gewang kasi kung maglakad.
Napalingon siya sakin.
"Tss! Sira ka ba? Bakit mo sinasaktan ang babaeng mahal ko ha! Nagparaya ako dahil alam ko'ng mahal ka niya pero, pinaglaruan mo lang siyang tarantado ka!" sinugod niya ako sabay suntok sakin. Naramdaman ko namang may dugong tumutulo sa labi ko.
Hinawakan niya ang t-shirt ko at sabay na pinagsusuntok ang mukha ko.
Hindi ko siya nilabanan pa!
"Tarantado ka! Dapat pala hindi ko na pinaubaya sayo si Ericka. Hindi mo deserve ang pag-ibig niya!"
Tama lang siguro ang ginawa niya sakin. Napakatanga ko! Niloloko ko ang babaeng wala nang ginawa kundi mahalin ako!
Hindi ko maramdam 'yung sakit na pinagsusuntok niya. Mas naramdam ko 'yung sakit sa panloloko sa mahal ko. Pakiramdam ko, ako na ang pinakatangang lalaki sa mundo.
"Sige suntukin mo pa ako!" panghahamon ko kay Kaizer.
"Kaibigan kita Brent! Bestfriend tayo! Pinaubaya ko na nga syo si Yurica pero sinaktan mo parin siya!" sinuntok niya ulit ako. This time, natumba ako.
Naramdaman ko na lang ang luhang tumutulo sa mata ko.
Susuntukin pa sana ako ni Kaizer kaso may biglang sumigaw.
"Kaizer, stop it! Papatayin mo ba si Brent!" napalingon ako sa nagsalita. Tss! Ang nakakairitang si Frappy. Nakita kong palapit siya sakin.
"Baby Brent? What happened? Okay ka lang ba? Gusto mong i-kiss kita ha!" sabi niya then nginuso niya sakin ang pagkaitim-itim niyang nguso! Tsk! Kadiri!
Ayos na 'yung nabugbog ako kaysa sa mahalikan ng babaeng 'to!. Hindi na lang ako kumibo.
"Kaizer? What do you think you are doing? Brother-in-law mo ang binugbog mo? Ano na lang ang sasabihin ko sayo?" baling ni Frappy kay Kaizer na ngayon ay nakasalampak sa sahig sa sobrang pagod sa pagbugbog sakin.
"Baby Brent? Paano na 'yan? Paano na ang date natin ngayon? Paano na ang engagement party tomorrow kung may mga pasa ka sa mukha? Ba yan, hindi ka magmumukhang gwapo niyan. Pinapunta ko pa naman mga kaibigan ko para ma-witness nila ang engagement party ng isang prinsipe at prinsesa! Hay nako Baby, kiss ko na lang kaya mga sugat mo para mawala na 'yan! Effective pa man din ang kiss ko! Hehe!"
Tss! Nakakairita ang babaeng 'to. Kita niyo na? Magpapakasal ako sa baliw na babaeng 'to!
Minsan conyo, minsan seryoso, minsan pataw! Tss! Nakakayamot siya talaga.
Unti-unti kong ginalaw ang katawan ko para tumayo. Masakit pero kinakaya ko! Gusto ko ng umuwi at ayaw kong makita ang pagmumukha ng babaeng 'to.
"Baby Brent please lang... huwag ka ng gumalaw, lalo ka lang masasaktan. Hayaan mo na lang na i-lips to lips kita Baby ko!"
"Pwede ba Frappy, mag tigil ka! Dalhin mo na lang ako sa ospital!" naiiritang sabi ko sa kanya. Tiningnan ko siya and the she just laugh. What the eff!
BINABASA MO ANG
The Bitch Maid
Teen FictionNagsimula ang lahat when Glamour Yurica Angela Von betrayed by her mother. Hindi na siguro kinaya ng nanay niya ang ugali niya kaya pinalayas siya at ang ating bida, nagkaroon ng major transformation. From ultramega bitch turned to a bitch maid? Ye...