Chapter 3

17.7K 277 6
                                    

Taas noo ako ngayong naglalakad na naman. Pinagtitinginan na naman ako ng mga hampaslupang mga tao. Syempre, may bago pa ba? Sa ganda ko'ng 'to? Kahit patay na lilingon at lilingon parin sa akin.

Dahil wala akong mapuntahan, dumiretso ako dito sa park, no, lemme reinterrate, pangmilyonaryang park. Sa slide at duyan pa lang neto, alam mo nang mayayaman lang ang nakakapaglaro dito. Idagdag mo pa ang mga bermuda grass. Oh diba?

Habang papasok ako sa park, nahook ang atensyon ko sa dalawang hampaslupang mga katulong na may dalang mga alagang aso nila. Parang pinag-uusapan nila ako. Tss, may bago pa ba? Dahil imbiyerna ako ngayong araw, nilapitan ko silang dalawa at isang napakalakas na sampal ang binitawan ko sa hampaslupang kasambahay one at pati narin sa hampaslupang kasambahay two. Inulit-ulit ko pa talaga ang pagsampal sa kanilang dalawa ng matauhan sila. Specifically, mga sampung sampal bawat isa. So it means, naka-twenty slap ako ngayong araw na ito. Kulang pa nga 'yun kung tutuusin. They deserve a hundred times slap. They should be thankful at medyo napagod ako sa pagsampal sa kanila, at pasalamat din sila dahil dumampi sa mga magagaspang na mukha nila ang napakalambot ko'ng kamay.

"How dare you!" sabi ni hampaslupang katulong one habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang pisngi.

"I dare you!" sagot ko naman sa kanya sabay sampal ulit. Oh, ano ka ngayon.

"I hate you!" sabi niya sabay walk out. Artista lang ang peg, ganon.

"The feeling is mutual dear." sabi ko ng nakakaloko. Ang sarap ng feeling talagang makakita ng mga taong nasasaktan, no? Sadista ang lang ang peg ko, ganon!

Napalingon ako sa gawing kanan, nandito pa pala ang kasama ni hampaslupang kasambahay one. Iniwan siya, ganon! Unti-unti niyang inangat ang ulo niyang napakalaki.

"How dare you to slap me?" sabi naman nitong hampaslupang katulong two habang nakahawak sa magkabilang pisngi ang mga kamay.

"English 'yun girl ah, pero hindi naman ako dinugo. *insert devil laugh here* Pero dito, sure akong duduguin ka." sabi ko sabay bitaw ng napakalakas na sampal sa mukha niya.

"You're devil." sabi nito habang humahagolgol na umiiyak palayo sa akin.

"A monster too." sigaw ko sa kanya. They've made my day. Stupid really deserves a slap.

Well, siguro nagtataka kayo kung bakit ko sila sinampal. Well, simple lang, pinag-uusapan kasi nila ang natatanging gandang mayroon ako. At ang mga bruha, gusto ring maging maganda katulad ko. Kaya ayun, nasampal ko sila.

Paduyan-duyan lang ako dito ngayon. Nag-iisip ko'ng anong gagawin. Tanghali na, nagrereklamo na ang tiyan ko, gutom na raw sila. 'Yung last na kain ko ay nung binigyan ako ng Nerd ng pagkain. Hay, kainis naman.

Paano kaya kung, pumasok na lang akong katulong sa matandang 'yun. Total, doon din naman nakatira si Brent, na superb crush ko.

Oo nga, no. May matitirhan na ako may silay pa sa crush ko. How lucky naman diba.

Agad ako'ng bumalik sa bahay nila Brent, my loves.

Ohemgee! Nasaan na 'yung mashondang chaka. Kailangan ko siyang makausap. Kailangang-kailangan, now na.

Nung nandito na ako sa gate nila, paulit-ulit ko'ng pinindot ang door bell nila. Oo na, ako na excited.

'Tagal naman, pagna-inis ako, aakyatin ko 'tong gate nila.' sabi ko sa sarili habang inip na inip na naghihintay sa mashondang chaka na 'yun na lumabas.

"I'm here, sandali lang."

Pagkabukas na pagkabukas niya ng gate, agad ko siyang sinampal,  syempre joke lang. Kahit super bitch ako, may respeto naman ako sa mga sobrang tanda na, no.

"Papasok na ako bilang katulong niyo, now na, agad-agad, ora mismo." sabi ko sabay pasok sa gate nila. Iniwan ko ang mashondang chaka sa labas na nakatulala.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon