Nasa isang sulok kami ngayon ng St. Hearths University. Yeah! Kami. Kami ni nerd. Kailangan niyang maturuan ng leksyon. Masyado kasing pakialamero.
"So-sorry naman" sabi niya ng nakayuko.
"Sorry? That's how you say sorry? Matapos kang umepal? Ganon na lang 'yun." sabi ko sabay kapit sa kuwelyo niya. Nanggigigil talaga ako sa nerd na 'to.
"Pinagtatanggol lang naman kita e!" dagdag pa niya.
"So your my knight with no shining armor. Ganon ba ang gusto mo'ng ipalabas." I said sabay bitaw sa kwelyo niya at ayun, ang tanga, natumba. Tss. Nerd na nga lampa pa.
"Sa susunod na eepal ka, bubugbugin na talaga kita." sabi ko saka umalis. Iniwan ko siya dun sa sulok. Kainis kasi. Kaya ko naman ang sarili ko kaya, hindi na kailangan pa ng tagpagligtas no.
Taas noo ako'ng bumalik sa klase. Walang pasabi ko'ng binuksan ang pintuan. Natigilan naman sa pagtuturo 'yung prof namin. Napatingin lahat ng kaklase ko sa akin. Hay nako! May bago pa ba?
"Naiintindihan ko kayo, huwag kayo'ng mag-aalala. Hindi ko ipagkakalat na first time niyong makakita ng maganda." Sarcastic ko'ng talak sa kanila sabay punta sa likuran para umupo.
Bigla namang natauhan sila sa sinabi ko. Itinuloy na ng prof ang tinuturo niya.
-
Maayos namang natapos ang klase. Dumiretso na ako sa parking area at hinanap 'yung kotse ng matandang chaka. Dahil hindi naman ako tanga dahil mata ang ginagamit ko kaysa sa bunganga, mabilis ko'ng nahanap 'yung kotse. Nakita ko'ng nasa loob na ng kotse si nerd. Agad akong pumasok sa loob. Matic namang pinaandar ni manong driver 'yung kotse tsaka nagpaharurot.
Malapit na kaming makrating sa bahay ng mga Montereal.
"Hoy nerd! Huwag na huwag kang magsusumbong sa lola mo, kung hindi... alam mo na ang mangyayari sa'yo."
Tumango naman agad siya.
BINABASA MO ANG
The Bitch Maid
Teen FictionNagsimula ang lahat when Glamour Yurica Angela Von betrayed by her mother. Hindi na siguro kinaya ng nanay niya ang ugali niya kaya pinalayas siya at ang ating bida, nagkaroon ng major transformation. From ultramega bitch turned to a bitch maid? Ye...