Chapter 26

7.6K 140 2
                                    

Bumaba ako ng kotse. Iniwan ko doon si nerd. I don't know nga e kung bakit ako bumaba. Nakaramdam lang ako ng akward feeling. I don't know. I don't understand. Gusto ko lang manampal.

Pumasok ako sa Seven Eleven. Pumila ako sa counter para bumili ng Fundae.

"Ma'am 'yun lang po?" tanong sa akin ng cashier. Kairita talaga!

"Mukha bang meron pa!" normal na sagot ko sa kanya. As expected, naloka ang cashier. Hahaha! Lakas maka-good vibes.

"Ma'am ang taray niyo naman po. Haha!"

*Pak*

Isang sampal na naman ang naganap. Ito na 'yata ang pinakamalakas na sampal na binitawan ko sa boung buhay ko. Ang lakas mang-asar ng babaeng 'to. Kita niya ng asar ako, tatawa pa. Edi naloka siya. Tsk!

Natigil ako saglit. Lumingon-lingon. Naloka ako sa nakita ko. Lahat ng tao ngayon sa loob ng Seven Eleven nagkakagulo. Mukhang may mga pinaglalaban ang bawat isa.

"Gosh! What happened to her?"

"Grabe naman, biglang himatay agad."

"Tumawag kayo ng police."

"Call an ambulance!"

Ano'ng pinagsasabi nila. Gusto 'yata nilang pagsasampalin ko sila. Aba't iniirita ako ng mga bruhang 'to.

"GUSTO NIYONG SAMPALIN KO KAYO, TULAD NG PAGSAMPAL KO SA BABAENG 'TO!" sigaw ko sa mga taong nagkakagulo sabay lingon sa babaeng cashier.

"NASAAN ANG CASHIER DITO?" malakas na sigaw ko. Paglingon ko kasi, wala na ang babaeng cashier. Where is she? Saan siya nagpunta? Hay nako! Baka naloka siya.

Walang nasagot sa kanila. Maya-maya'y narinig ko na lang ang tunog ng ambulansya at pulis mobil. Mukhang dito ang tungo nila. Bakit ano'ng meron. Bakit wala ako'ng alam.

Namalayan ko na lang na may humila sa kamay ko. Nakita ko'ng si Kaizer ang humihila sa akin. In fairness, ang bango niya at ang hot niya ngayon. He's wearing boxer short lang kasi, chos! He's wearing a white sando. Kitang-kita mo 'yung shape nung abs at chest niya. Shocks! Instant ulam na!

Teka lang, ANO? INSTANT ULAM? Kill me now, ang taksil ko talagang babae. Pakiramdam ko, ang kati ko.

"Puwedeng bitiwan ako? Hindi kasi ako nasasaktan e!" sarkastikong sabi ko sa kanya. Huminto naman kami kaagad. Lumingon-lingon ako. Nasa park pala kami natigil.

"Sorry!" sabi niya. Himala! Anong nakain ng lalaking 'to at bakit ang amo ng mukha niya ngayon?

"Bakit mo ako hinila papunta dito. Hayop ka Kaizer, mapogi ka pa naman, pero rapist ka pala. Akala mo marerape mo ako! Hindi, never. Kaya itigil mo na 'tong balak mo.

"So gusto mo'ng gahasain kita." nakakalokong sabi niya. Shet! Kung mahal ko lang 'tong lalaking 'to, magpapagahasa ako sa kanya. Choosy pa ba, ang pogi kaya niya at ang hot pa.

"Hoy, teka lang nga Kaizer. Bakit mo ako hinila papunta dito?"

"Kung hindi kita hinila, baka nasa bilangguan ka na ngayon. Hindi mo ba nakitang, hinimatay ang cashier sa pagsampal mo."

So, nahimatay pala 'yung cashier. Ang OA naman nun, sampal lang nahimatay agad.

"So feeling mo naman magthe-thank you ako sayo? Asa ka uy!" sabi ko sabay flip ng hair ko.

"Kahit wag ka nang mag-thank you!" sabi niya. Aba, ano ang nakain ng lalaking 'to.

"Good! Mas mabuti na 'yung nagkakaintindihan tayo Kaizer!"

"Kahit wag ka nang mag-thank you, halik mo lang, sapat na!" nakangising sabi niya. Aba punyetang lalaking 'to. Akala ko e nawala na ang pagiging hambog niya, lakas mambwisit talaga ng lalaking 'to.

"Asa ka naman! Diyan ka na nga."

Akma na sanang aalis ako, kaso bigla niyang nahawakan kamay ko na kinainis ko naman.

"Ano ba Kaizer, bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko sa kanya. Sinusubukan ko'ng alisin 'yung kamay niya sa kamay ko, pero sadyang malakas siya.

"Yurica, please!"

"Ano'ng please? Please-pleasin ko 'yang mukha mo e!"

"Umayos ka naman Yurica! Ano na"

"Ano'ng ano na?"

"Lintik naman o!"

"Ewan ko sa'yo?"

Malakas na tinanggal ko 'yung kamay ko tsaka naglakad paalis. Hindi niya naman ako hinabol.

"KAILAN MO BA AKO SASAGUTIN, YURICA?"

Malakas na sigaw niya. Haist! Ano ba sa 'hindi' ang hindi niya naintindihan at ayaw niya pa ring tumigil.

"Ewan ko sayo!" sabi ko at dumiretso na papuntang bahay.

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon