Chapter 21

8.5K 148 4
                                    

"Aray― Dahan-dahan lang naman." reklamo ni nerd habang nilalagyan ko ng alcohol 'yung sugat niya. Hay! Bakit ko ba ginagawa 'to? Ano'ng klaseng school 'yun at bakit walang nurse o doktor sa clinic dito. Sayang lang ang binabayad ng mga estudyante. At ako pa tuloy ang gagamot sa nerd na lampang 'to. Maliit lang naman 'yung sugat niya sa labi e!

"Ang lampa mo kasi! Hindi mo.man lang pinagtanggol 'yung sarili mo. Edi kung hindi pala ako dumating, siguradong patay kana ngayon." sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalagay ng alcohol sa mukha niya. Parang tanga talaga ang nerd na 'to. Pagkalaki-laki ng salamin, pati 'yung brace. Hay nako!

"Oo na. Oo na... Pero... Thank you ha!" sabi niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. First time lang na may maka-appreciate ng ginawa ko.

"Anong thank you ka diyan, may bayad ang pagtulong ko sa'yo, noh" sabi ko sa kanya. Wala ako'ng ibig sabihin sa sinabi ko. Bugbug sarado na nga ang katawan pagbabayarin ko pa. Ayaw ko lang talagang ipakitang na-touch ako sa pagthank you niya.

"Sige, paggumaling ako― Aray! Hinay-hinay lang please."

Medyo mayabang din ang nerd na 'to, ano? Hay nako, kung hindi lang talaga siya bugbog sarado, ako ang bubogbog sa kanya.

"Yan ay kung gagaling ka pa. O ayan, tapos na. Pinatawag ko na si Mang Roger para sunduin ka."

"Samat ulit, ha!" sabi niya na iniinda pa rin ang sakit ng sugat niya.

"Oo na, oo na... Teka nga, wait lang ha, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit binugbog ka nila?" nacucurious ko'ng tanong sa kanya.

"Ano-ano kasi, ano..―"

"Anong 'Ano'? Ayusin mo nga, gusto mo'ng madagdagan 'yang pasa at sugat mo sa mukha." kainis ba. Lampa na nga, utal-utal pa kung magsalita.

"Nagalit sila kasi, bakit lagi raw kitang kasama kaya ayun, binugbog nila ako."  nakayuko niyang sabi.

"At nagpabugbog ka naman!" mataray ko'ng sabi sa kanya.

"Lima kaya sila." paliwanag niya.

"Ikaw kaya ang may kasalanan kung ba't ako nabugbog" bulong niya na rinig-na-rinig ko.

"Ano'ng sabi mo!"

"Wala-wala, sabi ko... Ayun o, si Mang Roger naandiyan na." sabi niya sabay turo sa sasakyan nila.

"Umuwi ka'na, magpalakas ka, para makaganti ka sakanila. Lampa!" sabi ko sabay turn around at akma na sanang aalis ng biglang nagsalita si nerd.

"Saan ka pupunta"

"Sa impiyerno, bakit,sasama ka?"

The Bitch MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon