"What do you think are you doing?" mataray na tanong nitong babaeng nakaupo ngayon sa table.
I composed myself first bago siya sagutin. Aba ang mashondang chakang 'to, may paenglish-english pa 'tong nalalaman at naka-upo pa siya sa table na pangmayaman.
"Sumisigaw, tumitili. Estupida. Obvious na nga, tinatanong mo pa!" mataray ko'ng sagot sa kanya. Nanggigigil na naman ako sa pagmumukha ng matandang chaka na ito. Naalala ko na naman 'yung pananampal na ginawa niya sa akin kaninang umaga. Hayop na matandang 'to. Bastos na kung bastos. Wala akong paki sa iisipin niyo. Eh sa naiinis ako eh! Tss.
"You're so mainitin ang ulo. Papanget ka agad niyan."
"Sinong hindi iinit ang ulo sa mga tinuring mo? Aber? Nanggigigil ako sa 'yo. Akala mo nakalimutan ko na ang pagsampal mo sa akin kanina." galit ko'ng sabi sa kaniya.
"H'wag mo'ng ganyanin ang amo mo Glam, baka masesante ka kaagad." sabi pa niya.
"Teka? Wait, amo? Seryoso ka? Sa itsura mo'ng 'yan magiging amo kita?" mapang-asar ko'ng tanong sa kaniya. Gusto ko sanang sampalin siya kaso, masakit na ang mga palad ko. Marami-rami na din ang nasampal ko ngayong araw na 'to.
Tumayo siya sa pagkakaupo at nagsalita "Yes Glamour, I'm Madam Rizzi. Ang may-ari ng mansyong ito at amo mo."
"Hinding-hindi mo ako maloloko matandang chaka."
"I'm not kid—"
Naputol ang intense na usapan namin nitong mashondang chaka dahil may biglang pumasok. Ang babaeng nakaaway ko kaninang umaga. Nakita ko ang mga pasa niya sa mukha.
"Lolaaaaaaa!" sabi ng malanding, makating babaeng 'to.
What? Lola niya ang mashondang chaka na ito? So totoo nga ang sinasabi niya, na siya si Madam Rizzi at siya ang amo ko. I can't believe this.
"What happened to you apo?" tanong naman nitong matandang 'to. Yucks, cliché drama stories. Gawd.
"She did it to me La!" sabi niya sabay turo sa akin.
"Buhay ka pa pala, malanding boobita, akala ko namatay ka na!" sabi ko sa kanya.
"What did you just call me?"
"Malanding Boobita"
"How dare you"
"I dare you"
Susugurin niya na sana ako kaso biglang umepal si matandang chaka.
*Pak*
Sinampal niya ang apo niya.
"How dare you Lola?" sabi niya sabay sampal din sa Lola.
Bakit puro sampalan ang kwento kong ito? Nakakaloka!
Pagkakataon ko na ito. Habang busy silang nag-aaway. Lumapit ako sa puwesto nitong si mashondang chaka. How stupid, hindi niya man lang naramdaman na nasa harap niya na ako. Agad akong bumwelo, sabay sampal sa mukha niya. Hindi siya nagulat sa ginawa ko. Hindi nga siya nagulat sa pagsampal ng apo niya sa kanya sa pagsampal ko pa kaya sa kanya. Ang mas nagulat pa, itong si malanding boobita. Sasalita pa sana siya laban sa akin, malas niya at naunahan ko siya. Isang malakas din na sampal ang ginawa ko sa kanya.
"Nakakailan ka na sa akin, how dare you." sabi niya. Akala ko sasampalin ako ng bruha, 'yun pala, tumakbo palabas. Hindi na siguro kinaya ang sakit at maga ng mukha niya.
"Oh ngayon alam mo na?" sabi niya nang nakachin up.
"Oo na, oo na."
"At ngayon, bilang amo mo, alam ko namang hindi ka marunong gumawa ng mga gawaing bahay
at isa pa may naka-assign na rin na katulong para sa mga gawaing bahay. Gagawin na lang kitang personal assitant ng apo ko'ng si Brent."
What? Gagawin niya ako'ng personal assistant ni Brent Montereal, my super crush na nginitian at kinindatan ako kanina. Gosh!
"Kailan ako magsisimula?" agad ko'ng tanong sa kanya. Excited much. Alam niyo na, crush ko 'yung magiging amo ko eh!
"Ngayon na mismo, as in agad-agad, as in now na. Ora mismo."
Ngayon na raw. My gosh, ako na, ako na talaga. Jeeez,
"O sya, pumunta ka na sa kwarto niya. Binilhan na kita ng mga damit. Nakaready na rin 'yung kama mo sa kwarto ni Brent. Doon na ang kwarto mo."
Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Sa iisang kwarto lang kami matutulog ng crush ko. Jeez.
"Saan ka pala nag-aaral?" tanong niya out of nowhere.
"Sa St. Hearth University." sagot ko naman agad sa kanya
"Good! Sa iisang university lang pala kayo pumapasok. Pagbibigyan kitang mag-aral habang personal assistant ni Brent sa school man o dito sa bahay o kahit saan. Sabay narin pala kayong pumasok bukas. You can now leave."
Whoa! Ano raw? Sa iisang university? Eh bakit hindi ko nakikita doon si Brent. Gosh! All this time, doon lang pala siya nag-aaral. Bakit ngayon ko lang nalaman. Hays, hayaan na nga.
Lumabas na ako sa office ni mashondang chaka. Ang lapad ngayon ng ngiti ko habang papunta sa kwarto ni Brent my loves ko!
BINABASA MO ANG
The Bitch Maid
أدب المراهقينNagsimula ang lahat when Glamour Yurica Angela Von betrayed by her mother. Hindi na siguro kinaya ng nanay niya ang ugali niya kaya pinalayas siya at ang ating bida, nagkaroon ng major transformation. From ultramega bitch turned to a bitch maid? Ye...