Matagal ng nanliligaw si Zion kay Jade but she rejected him multiple times at ang kapatid nitong si Chase ang gusto ni Jade. Umalis si Zion at pumunta ito ng America, nag asawa at nagkaroon ng sariling anak at pamilya. Circumstances brought Zion and Jade together again in America. Nagkita ulit si Zion at si Jade hindi sa magandang pagkakataon kundi sa korte na. Hindi na pagmamahal ang nararamdaman ni Zion sa kanya kundi pagkamuhi na kay Jade.
♥️🧚♀️♥️🧚♀️♥️🧚♀️♥️🧚♀️
Character:
Zion Abad
Jade Dizon
Lisa Zion's wife
Chase Abad-Zion's brother
Dante and Ann Abad-Zion's parents
Norman and Laura Dizon-Jade's parents
Drake and Blake-Jade's twin brothers
Sherry-the girl who fall hard for Zion in the US
Adam and Loren-Jade's friends
Mrs. Maglipon
Lucy and Jay-US house help
Tony, Linda and Andrea-Philippines House help
May Zion's secretary
Cora- Jade's babysitterBabala: This is for 18 years old and above. Story contain mature content. Rated SPG.
Simula:
It was Ann Abad's 50th birthday party-the mother of Zion and Chase. It was a big celebration that day. Inimbitahan ni Chase si Jade sa engrandeng selebrasyon ng kanyang ina. Jade and Chase were both 18 years old and they were best of friends since high school. It was a formal party and Jade was wearing her blue cocktail dress. Although from afar, Zion spotted Jade and mesmerized by her beauty not only once but over and over again. He was 25 years old and the eldest of the clan. Nalingunan ito ni Jade na nakatingin sa kanya while he was with another lady. Kung makalingkis ito sa braso ni Zion akala mo parang may aagaw dito. Bumulong si Chase kay Jade. "Tinitingnan mo ba si Kuya Zion? That's Lisa. Patay na patay kay Kuya. Halos na lang itulak niya ang sarili niya dito. Pero kilala ko ang Kuya ko. Pag ayaw niya, hindi mo ito mapipilit." Sabi pa ni Chase sabay halakhak.
Tumingin si Jade kay Chase. "Ano ka ba. Baka nga girlfriend na niya. Bakit naman siya hahawak ng ganyan kung wala silang relasyon. Malamang hindi mo alam ay girlfriend na niya ito." Ang sabi pa ni Jade at tumingin muli sa gawi ni Zion. Zion has a matured physique compared to Chase. Mas matangkad at mas moreno kumpara sa huli. Nagulat si Jade at sa kanila pa rin nakatitig si Zion.
Tumikhim si Chase. "Jade saglit lang at kukunin ko lang ang regalo ko para kay Mommy. Don't worry, I will be back right away." Ang paalam pa nito sabay alis.
Medyo madami na ang tao sa mansyon at may mga nagsisidatingan pa na iba. Tumayo na rin si Jade at gusto nitong magpahangin sa hardin ng mga Abad. Kung tutuusin may kaya rin ang pamilya ni Jade, pero hindi sila kasing yaman ng mga Abad. Ito ang paboritong hang out nila ni Chase sa bahay nito, ang garden nila Chase overlooking the swimming pool. Matagal na silang magkaibigan ni Chase at habang tumatagal ay parang nahuhulog na rin ang loob ni Jade para dito. Pero ni Minsan, hindi ito niligawan ni Chase. Bagkus, kung sino sinong babae ang naging girlfriend nito. Well, I guess hindi ako nito gusto, ang piping bulong ni Jade sa sarili. Habulin si Chase ng mga babae at lahat na yata ay nasa kanya na. Gwapo, matalino at mayaman pa. Hindi na magtataka si Jade kung bakit ang mga babae pa ang lumalapit dito.
Narinig ni Jade na may tumikhim sa tabi nito. "Ang lalim naman ng iniisip mo. Bakit ka iniwanan ng magaling kong kapatid ng mag isa dito?" Nakita na lang ni Jade na katabi na nito si Zion. Nakangiti ang mga mata nito na parang nangungusap.
Nabigla si Jade at napatingin sa mga mata nito. He has a thick brows with chiseled nose. He looks so manly to Jade. Chase paled in comparison with Zion. She now felt that Chase has a boyish look compared to his brother. Duh! He is old! Six years older than Chase. "Ay Kuya ikaw pala. Hindi naman niya ako iniwan. May kinuha lang ito." Sagot pa ni Jade na nakatingin pa rin dito.
Ngumiti ito kay Jade. "Cut the Kuya thing. I do not want you to call me that but call me Zion instead." Sabi nito sa english at may diin ang bawat salita habang hindi inaalis ang mga mata kay Jade. "You are so beautiful. Hindi ka dapat iniiwan ng mag isa." Ang seryoso pa nitong sabi habang hindi tinatanggal ang mga mata kay Jade.
Nagulat si Jade sa sinasabi ni Zion. Parang feeling nito ay usual na mga litanya ng mga playboy. Playboy nga ito siguro dahil may girlfriend na ito at bakit siya nandito sa tabi ko. Hindi siya sanay na ganito ang pakitungo ni Zion sa kanya. Most of the time hindi siya nito kinakausap o kahit na tapunan ng tingin man lang. Napatingin si Jade sa gawi nito. "Kuya alam mo mapagbiro ka! Kung hindi lang kita kilala, siguro maniniwala na ako sayo." Sabi ko pa sabay halakhak pa.
Tumingin ito sa mga mata ko ng seryoso. Bawat titig nanunuot sa balat ko. " At ano naman ang pagkakilala mo sa akin? Don't tell me naniniwala ka sa sabi sabi sa tabi tabi." Ang mapupungay pa nitong tingin sa akin. "I know you are too young for me. No doubt about that. Pero every time I see you. Wala akong nararamdamang iba kundi puro paghanga." Malungkot nitong turan. Tumingin ito sa mga paa niya habang nakapamulsa. "I hate this feeling!" Bulong nito na tumingin na muli sa akin.
Nalilito si Jade at napatingin dito. "Kuya Zion may girlfriend ka na. At nandito siya ngayon. Are you crazy?" Ang galit ko pa na sabi nito kay Zion. "You are not the Kuya Zion that I know. Anong nangyayari sayo?" Ang galit na sabi ni Jade sa kanya sa mahinang boses na halos pabulong.
Napa buntunghininga si Zion. "Yun na nga. I think, I am crazy! Crazy for hiding this feelings kasi minor ka pa noon. Ang tanga tanga ko din na idinamay pa si Lisa sa nararamdaman ko para lang panakip butas. Para lang maiwasan ko kung ano mang nararamdaman ko sayo. Now you are eighteen. I do not want anybody near you!" Sabi pa ni Zion na isinuklay na ang kanang kamay sa kanyang buhok tsaka tumingin sa langit.
Surprised with Zion's admission, natahimik silang dalawa bigla. The silence between them was so uncomfortable. Tumikhim si Jade. "I think Kuya Zion nakainom ka lang at kung ano ano ang mga pinagsasabi mo. Ang mabuti pa ay bumalik ka na doon kay Lisa at siguradong hinahanap ka na noon." Ang sabi pa ni Jade dito.
Tumingin si Zion sa kanya. "Hindi ako nakainom at alam ko ang pinagsasabi ko, ang nararamdaman ko. You think it was easy for me? Mahirap..." He groaned. "Nilalabanan ko ang nararamdaman ko Jade ng kung ilang taon na. Akala ko si Lisa na ang sagot dito sa magulo kong puso. Pero dinagdagan ko lang ang problema." Dagdag pa nito sa frustrated na tono ng boses.
Hindi inaalis ni Jade ang mata kay Zion. "You are ridiculous. May girlfriend ka na Kuya Zion. Sa tingin mo, maganda kaya yang ginagawa mo? You have Lisa as your girlfriend." Ang sabi pa ni Jade kay Zion.
Nag igting ang mga panga nito. "Stop calling me Kuya. I will never be your Kuya. Iiwan ko si Lisa para sayo Jade. Liligawan kita." Galit na na usal ni Zion. Nakapamulsa itong napatitig paharap kay Jade. "Mahirap ang nararamdaman ko. Mahirap ang sinusuong kong ito. Pero wala akong may magagawa. Pilit ko mang alisin ka sa sistema ko, pero ikaw lang palagi ang laman nito." Sabay turo ng kanyang dibdib.
Tumalikod si Jade kay Zion. She was trying to calm herself for the things that Zion revealed to her. Ngunit naramdaman na lang niya na may binulong si Zion sa kanyang likod. "Please, hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Kung pwede ko lang turuan ang nararamdaman ko." Usal nito na nagpatindig ng balahibo ni Jade.
Humarap si Jade dito. Hindi niya namalayan na sobrang lapit na pala ni Zion sa kanya. Matapang itong tumingin sa mga mata ni Zion. He is so tall halos nakatingala na si Jade sa kanya. "May gusto akong iba at hindi niya alam. Si Chase lang ang gusto ko at wala ng may makakapag palit sa nararamdaman ng puso ko para dito." Sabi pa ni Jade na nagpagulat kay Zion. Habang nagkatitigan sila ay nakarinig sila ng mga yabag papunta sa gawi nila.
Parehong napalingon sina Zion at Jade. "There you go Jade. Buti ini entertain ka ni Kuya dito. By the way Kuya. Hinahanap ka ni Lisa." Ang sabi pa ni Chase kay Zion.
"I better go! See you around. Huwag mo ng iwan mag isa yan dito Chase." Ang bilin ni Zion dito.
Balisa pa rin ang isip ni Jade dahil sa mga pag amin nila ni Zion sa isa't isa. Hindi ito naniniwala sa mga sinasabi nito sa kanya.
Hindi ito naniniwala sa mga binitawang salita ni Zion. Hindi din maintindihan ni Jade kung bakit inamin nito sa harap ni Zion na si Chase ang gusto niya.ITUTULOY
Sana nagustuhan niya. Please vote and comments kung gusto niyo ang kwento ni Jade at Zion...

BINABASA MO ANG
Hate To Marry You (Completed)
Fiksi UmumMatagal ng nanliligaw si Zion kay Jade but she rejected him multiple times at ang kapatid nitong si Chase ang gusto ni Jade. Umalis si Zion at pumunta ito ng America, nag asawa at nagkaroon ng sariling anak at pamilya. Circumstances brought Zion an...