Chapter 2

94 9 0
                                    

"Sobrang gulat ko kanina, hayop ka! Tinutok mo kay Jayden yung mic nang walang sinasabi!" Tumatawang ani Zetteki at humawak pa sa tiyan.

"Well! Hahahahahaha!" Si Quizon na tukmol.

Napailing na lang ako at tumitig sa pinto kung saan lumabas sina Marco at Jamie. I wonder... mapasaya kaya ni Marco ang pinsan kong 'yon? That shit doesn't believe in love.

Lumipad ang tingin ko kay Jaxine na naglalambing kay Matthew. Sa kabila ng ingay ng kabanda ko, naroon sila at tila ba may sariling mundo. Lumitaw ang mga ngiti ni Jax at tawa nilang pareho.

Napaiwas ako ng tingin at saktong tumama 'yon kay Martin na nakatitig sakin.

Ano namang problema nito? Tss...

Babalewalain ko sana 'yon pero biglang bumaba ang nanlalamig niyang tingin sa pulso ko.

Nabigla ako at binaba ang sleeve ng suot ko. Long sleeve kasi ito at tinaas ko dahil naiinitan ako. Hindi ko naman alam na bababa ang tingin niya roon!

Tumitig siya sa akin na para bang pinag-aaralan ang reaksyon ko.

Hmmm parang ang sarap mo paglaruan, Martin.

"Saan tayo kakain?" Biglang tanong ni Jozya. "Alas dose na mga tukmol! Di ba kayo gutom?" Hawak niya pa ang tiyan at nag-inat.

Humikab ako at napatitig sa kaniya. Itong lalaking 'to ang pinakamatino samin, e. Swerte ng magiging girlfriend nito.

"Nasa meeting pa manager natin," humikab si Trez at hinimas ang batok. "Nagugutom na ako, fuck!"

"Text niyo na lang si Manager," suhestiyon ni Zetteki na natatawa pa rin sa ginawa ni Quizon kanina.

"Oo nga. Gutom na rin ako." Tumayo si Quizon at kinuha ang bag niya.

"Uy! Saan kayo kakain?" Singit ni Jaxine. "Sama na kami nina Matt at Martin. Nang-iwan na yung dalawa, e!"

Tinapunan ko ng tingin si Matt na katabi ni Jax. Ngumiti lang ito nang tipid sa akin at tinanguan ko naman siya. Lumipat ang tingin ko kay Martin na seryoso pa ring nakatitig sakin. Umiwas ako ng tingin at tumayo.

Inayos ko ang gitara at bag ko. Nauna na akong lumabas sa kwartong 'yon na backstage kung tawagin.

Narinig ko ang mga yapak na nakasunod sa akin. Hinarap ko ito at nabigla ako!

"What the!" Nagulat ako dahil ilang inches na lang ang muhka niya sa akin! "Ano ba, Martin?!" nakakunot kong tanong.

"Why did you cut?" He asked. Seryosong seryoso ang titig niya sa akin.

At nang marinig ko na ang yapak ng mga kabanda ko ay agad ko siyang hinawi. Nanguna na ako maglakad kaysa matukso pa.

"Uy! Ano yun?! Kayo ah!" Rinig kong pang-aasar ni Quizon.

Napailing na lang ako at pumasok sa elevator. Kasunod ko naman sila sa pagpasok.

"Uy, Matt... kailan kasal niyo ni Jaxine?" Dinig kong tanong ni Jozya. "Di ba engaged na kayo?"

Napatingin naman ako sa couple na pinsan at mapapangasawa nito.

Nakangiting pinakita ng pinsan ko ang kamay niyang may singsing. "Yep! We're engaged!" Masayang anito.

"Kailan kasal?" Zetteki asked.

"Maybe this year. We don't have exact date pa." Kibit-balikat na sagot ni Matthew. "Kayo kailan niyo plano magpakasal? Hahaha!" Biro nya.

"Nako! Matagal pa yun!" Ani Jozya. "Career muna, e. Bakit 'di ito tanungin niyo? Dami nitong kalaro!" Bigla niya akong tinuro.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up, Jozya."

Tumingin sa akin si Jaxine at pinanliitan ng mata. Bumaba ang tingin niya sa pulso ko at umiling siya.

"Marami itong laruan! Hahahaha! Tama si Joz!" Panggagatong pa ni Zetteki.

"Binibigay ko lang ang gusto nila," irap ko. "At isa pa. Boys are boys. They want play then I play."

"Eh, kailan mo balak magpakasal? At paano ka makakahanap ng pakakasalan kung puro ka laro?" Tanong ni Quizon sa akin, direkta ang tingin!

Ngumisi ako at tumingin kay Martin na katabi niya. "Pag ready na yung katabi mo."

"Oh my, Jayden!" reaksyon ni Matt.

-__________-

Saktong bumukas ang elevator at nanguna akong lumabas. Kasunod ko si Trez na sinabayan ako sa paglalakad.

"Seryoso ka dun?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

Nagkibit-balikat ako at tumawa. "Bakit hindi?"

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now