MAAGANG natapos ang trabaho kaya naman madali kami nakaalis ni Martin. Kung ano ano pang pang-aasar ang inabot namin bago kami makalayo sa mga kabanda ko.
"So, saan tayo?" Tanong niya sa akin. "I'm sure nakapunta ka na sa lahat ng sosyalin na resto dito sa Pinas..."
"Uhm... well," napakamot ako ng batok dahil hindi siya nagkakamali.
Madalas ay binubuhos ko ang oras ko sa pagkain kaya kahit malayo ang mga kinakainan ko ay sulit na sulit para sa akin. Madalas ay nakakaabot ako ng Mindanao upang tikman lang ang isang putahe.
At oo, ganoon ako kawirdo. Kaya kong libutin ang mundo matikman lang ang pagkaing gusto ko kainin.
"Hahaha! Sabi na e. I heard sa news na kung saan saan ka raw nakakaabot para lang sa pagkain..." he said and smiled at me!
Fuck! He smiled! Bitch, you see that?!
Okay, kalma. Kalma, Jiyuri Dawnysus. You're not fucking corny like your cousins!
"Ahmmm... totoo naman 'yon. Mahilig kasi ako sa iba't ibang klase ng pagkain kaya halos libutin ko mundo para lang sa mga pagkain.." sagot ko.
Ngumiti na naman siya! Nang napakaganda!!!!!
"Tara?" Yaya niya sa akin.
"Saan?" Kunot ang noo kong tanong. "Maglalakad tayo?"
"Oo. Diyan lang, promise kakaiba sa mata mo 'to." Mataas ang confidence niyang sabi sa akin na inaangat pa ang kilay.
"Hmmm... sige," tinignan ko muna ang motor ko bago sumunod sa paglakad niya.
Saan naman kaya kami pupunta?
"Maraming pagkain sa tabi-tabi lang pero mas hinahanap mo yung wala sa paligid mo..." ani Martin.
Nagkibit-balikat ako. "I love eating. May mga mura rin naman akong kinakain. Like spaghetti, carbonara—"
"Ano?" Harap siya sa akin!
"What?" Nagtataka kong tanong nang humarap siya sa akin at muhkang gulat na gulat.
"Ulitin mo sinabi mo? Murang kinakain?"
"Oo? Ano meron?" Nakataas ang kilay kong tanong.
At tumigil pa talaga kami sa paglalakad.
"Anong mga mura na sinabi mo?" Parang hindi siya makapaniwala habang nagtatanong.
"Spaghetti... carbonara.. madalas Italy food at-"
"Mura sayo yun?!"
"Ahm... oo?" Nakangiwing sagot ko pero tila naging patanong din 'yon.
"You're unbelievable...!" Napapailing niyang sagot. "Madalas ay yan lang ang inihahanda sa mga kaarawan dito sa Pilipinas..."
"Well, hindi naman ako lagi dito sa Pilipinas. Umiikot ako sa buong mundo," nakangiting sagot ko.
"Eh, paano ka nagtatrabaho?"
"Madalas ay patatapusin ko lang lahat ng kailangan kong gawin dito at doon ako nagpapahinga sa ibang bansa."
"Kakaiba ka kung ganoon..." tumatangong anito.
"Mas kakaiba pa sa inaakala mo..," nakangising sabi ko.
"Tara na nga," naiiling niyang sagot.
Napangiti ako dahil sa kaniya. Natutuwa ako dahil natuto akong magtiwala— dapat nga ba magtiwala ako?
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
RomansaEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...