Chapter 20

46 4 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas pero hindi mawala wala sa isip ni Dawn ang ginawa ni Martin sa kaniya. Nananatili yon na malaking question mark sa kaniya dahil hindi niya alam kung bakit ginawa ni Martin yun.

Kaya heto siya ngayon. Nasa Star Club at kasama ang dalawang pinsan niyang ugok.

"SERYOSO, ano bang problema mo?" Nauurat na tanong sa kaniya ni Jaxine. "Kasi alam mo kahit pinsan kita, hindi ko maintindihan kung ba't ka nagkakaganyan." Nakangiwi nitong dagdag.

Psh. Buntis.

Napangiwi si Jamie at napailing saka nagsalin ng alak sa baso. "Baka in love na 'tong pang-apat na babae satin."

Napairap sa hangin si Dawn. "Coming from someone who didn't believe in love not until she met someone who can make her fall in love so hard..." bulong niya.

"Hoy!" saway ni Jamie sa kaniya at binalibag ang bread knife kay Dawn na agad niyang nasalo. "At least mahal niya ako, eh, ikaw?"

Gago 'to, ah? "Tarantado ka. Nauna pa nga akong ikasal sa inyo, lakas niyo makapang-asar."

Namilog ang mga mata nilang dalawa at napatitig kay Dawn na nagulat din sa sariling salita.

Uh-oh. Bwisit! Dapat hindi ko sinabi! Ito napapala ng mga napipikon!

"A-Anong?!" Nagugulat na sigaw ni Jax kaya naman napatingin sa kaniya ang mga ilang tao kahit pa nasa VIP room sila.

"Hoy, bessy! Manahimik ka ha! Hindi porke buntis ka, pwede ka na magsisisigaw!" sumilip ito at sinigawan naman siya ni Geane, ang may-ari ng Star Club. Sliding door kasi 'yon na makapal pero transparent.

"Ah, hehehehehe," nag-peace sign pa si Jax at umalis na si Geane kaya bumaling na siya kay Dawn. "Hoy, siraulo ka! Anong kasal ka?!"

"Seryoso ba?" Seryosong tanong ni Jamie na ikinatango niya. "Tapos all these years, lumalandi ka? Galing!"

Sumama ang tingin ni Dawn sa kaniya pero balewala lang ito. "Manahimik nga kayo! Nitong nakaraan ko lang nalaman! Kaya malay ko bang may asawa na ako." Depensa niya.

"So paano nga? Sudden confession! Buti nalang inasar natin 'tong hayop na 'to kundi hindi pa sasabihin na kasal na siya!" si Jax na hindi maka-get over.

"Parang kanina lang kinukwento mo si Martin sa amin na binigyan ka ng back hug tapos sinasabihan ka ng cheesy line— yun pala may asawa ka?!" Nakangiwing ani Jamie at umirap. Naiiling siyang tumagay. Akmang kukuha si Jax pero tinapik ni Jamie ang kamay niya. "Hoy, gago, baka maging lasinggero yung anak mo paglabas. Tigil-tigilan mo at hindi ka makakatagay."

"Ang damot!"

"Edi sana hindi ka muna nagpabuntis kung gusto mong magwalwal!"

"Oo nga," singit pa ni Dawn.

Bumaling naman sa kaniya si Jamie. "Hoy, ikaw! Ikwento mo nga, paanong nagkaasawa ka!" Isa rin pala 'tong hindi maka-move on.

Napailing siya. "Grabe? Ganyan ba kayo mag congrats?" Sarkastikong tanong ni Dawn.

Binato na naman siya ulit ng isa pang kutsilyo ni Jamie pero tulad ng kanina, nasalo niya 'yon.

"Kung hindi ka ba naman tarantado, kasal ka na pala't lahat lahat tapos hindi kami imbitado!" nanggigigil na usal ni Jamie sa kaniya.

Natatawang lumagok ng alak si Dawn. "Fixed marriage kasi 'yon. Nitong nakaraan ko lang nalaman."

"Kanino ka kasal? Kilala mo?" tanong ni Jax.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now