JIYURI DAWNYSUS' POV
PUMASOK ako sa opisina ko at doon hinintay si Martin. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nalilito at naguguluhan ako. Martin...was about to kiss my cousin. But Jai stopped him.Gusto ko tuloy matawa. My husband...tried to kiss my cousin. Kung hindi siya pinigilan ni Jai ay siguradong magwawala ako. At dahil buntis ako... ayaw kong ipahamak ang anak ko, kaya naman nanatili akong kalmado.
Minsan ko pang hinaplos ang aking tiyan. Paano kung nagsisinungaling ang tatay mo, anak? Kakayanin ko ba? Bumuntong-hininga ako at nag-angat ng tingin sa pinto.
Dahan-dahan 'yong bumukas at niluwa niyon ang aking asawa. Walang emosyon ko siyang pinanood na pumasok. Nababasa ko sa kaniyang kinakabahan siya at hindi malaman ang gagawin. Paniguradong alam niya rin ang mali niya kaya siya ganiyan.
"Jiyuri..." tinig niya.
Bumuntong hininga ako at pekeng ngumiti. "Maupo ka, Martin."
"Wife... are you okay?" bakas ang pag-aalalang tanong niya nang makaupo.
Pagak akong natawa. "Don't call me wife," malamig kong sambit.
Lakas naman ng loob mong ambaan ng halik ang pinsan ko tapos tatanungin mo kung okay lang ako? May sira na yata talaga ang utak mo.
Natigilan si Martin at nabasa ko ang lungkot sa mga mata niya. "I'm sorry..." he said.
Huminga ako nang malalim. "Why?" malumanay kong tanong.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at bumaba ang tingin sa palad niya. "Si Jai...ang huli kong naaalala bago ikaw. Kahit anong pilit kong isipin ka...siya ang sumasagi sa isip ko."
Para akong sinakal bigla pagkatapos niyang sabihin 'yon. Tinamaan nang malupit ang puso ko at para akong hindi makahinga pero pinili kong maging kalmado para sa sanggol na nasa tiyan ko.
"Hm?" tikhim ko pa, walang emosyon.
Umangat siya ng tingin sa akin. "I'm really sorry...hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para gawin 'yon, Jiyuri. I..I will accept whatever punishm-"
"No," iling ko at ngumiti. "It's okay."
"Jiyuri..." nag-aalalang sambit niya.
Napatango-tango ako. "So you were just pretending na mahal mo ako? Ganoon ba?" may hinanakit kong tanong.
Umiling siya nang sunod-sunod. "No... no... hindi gano'n 'yon."
"Gano'n 'yon," pabuntong-hiningang sabi ko. "Sana hindi mo na lang..." nahihirapan akong tumingin sa kaniya. "Sana hindi mo na lang 'yon ginawa. Kung hindi mo naman talaga ako naiisip at si Jai ang laging nasa isip mo, sana hindi ka nagpanggap..." huminga ako nang malalim. "Para hindi ako umasa."
Napakurap siya ng ilang beses at hinawakan ang kamay kong nasa lamesa. "Jiyuri... nararamdaman kong mayroon akong...pagmamahal sa 'yo," alinlangang sabi niya. "Pero ang nararamdaman kong 'yon...ang hindi ko sigurado."
Napatango-tango lamang ako at binawi ang kamay ko. "Sige, makakaalis ka na."
Napamaang siya. "Jiyuri..."
I sighed. "Malaki naman ang mansyong ito, paniguradong hindi tayo magkikita. Dito ako sa opisina ko matutulog at kung gusto mo..." umiwas ako ng tingin. "Kung gusto mo ay sumama ka na lang kay Jai." Ang sakit para sa akin na sabihin 'yon.
"Jiyuri..."
"Ano ba? Puro ka sambit ng pangalan ko," nagsisimula nang mainis kong sambit.
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
RomanceEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...