RICCO MARTIN'S POV
MAAGA kong pinagpahinga si Jiyuri. Pinipilit pa niyang sasamahan niya ako hanggang sa makaalis ang aming mga kaibigan pero hindi ako pumayag, pinagpahinga ko siya sa kwarto naming dalawa na pamilyar din sa aking mata. Hinintay ko siyang makatulog doon saka muling bumaba."Tulog na si Jiyuri Dawnysus?" tanong ni Jayden, bumungad sa akin nang marating ko ang receiving area.
Doon pa rin sila nakatambay at ayaw lumipat ng ibang pwesto dahil malamig daw doon. Tama nga naman dahil naka-centralized aircon ang receiving area, pati na ang buong mansion.
Tumango ako. "Yeah, ayaw niyang matulog pero sinabi ko sa kaniyang magpahinga na siya."
"Tama 'yon, hindi 'yan nakatulog kagabi," singit ni Maxim.
Tinignan ko ang lahat, nakapaikot silang lahat sa isang bilog na table, nakaupo sa lapag at may mga soju na hawak at mga mamahaling alak na umaabot sa milyon ang presyo.
"Hindi ako pu-pwedeng maglasing, may aalagaan pa akong anak," sambit ni Jax pagkatapos tumungga.
"Ako pwede," nakangiting ani Matthew.
Binatukan siya ni Jax. "Anong pwede? Gusto mong matulog sa labas ng bahay?"
"Psh! Sino ba nagsabing maglalasing ako? Kakasabi ko lang na hindi ako pwede! Ba't ako maglalasing? Bawal ako maglasing!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Matthew.
Napailing ako at natawa. "Under," pang-asar ko. Nilingon ko naman si Marco, inaabutan niya ng juice ang asawang nakasimangot sa gilid. Gusto kong matawa dahil ganoon na lang ang pag-alalay niya sa asawa.
Hindi ko alam na gigising ako isang araw, makakalimot ako. Sobrang nalilito at naguguluhan ako. Pero nang maalala ko si Jiyuri, gumanda ang pakiramdam ko. Na kahit may kulang sa alaala ko, mapupunan 'yon basta siya ang kasama ko. My heart belongs to her. My heart beats for the darkest moon star.
Pero bakit ganoon? Iba ang naiisip ko. Si Jai... si Jai ang sumasakop sa utak ko... Napailing ako. No. Kailangan si Jiyuri ang iniisip ko. Si Jiyuri lang dahil siya ang asawa ko.
Naupo naman ako malapit kila Marco. Maayos ang pwesto ko dahil nakasandal ako sa sofa at nakasandal ang mga kamay doon.
"Oh, heto, alak pa!" napalingon ako kay Dirk na may dalang tatlong bote. May mga crystals at makikinang na nakapalibot dito.
"Oh, magkano 'yan?" nakangiwing tanong ni Jamie.
Humalakhak si Dirk at tinuro si Jai. "Jai, tell them what is this and how much it costs!"
Nalukot ang muhka ni Jai. "Ba't ako?!"
"Ano ba! 'Wag mo akong pahiya!"
Sinamaan lang siya ng tingin ni Jai at napabuntong hininga. "Nakalimutan ko na, hindi na ako umiinom!"
Napamaang ako at tinaasan siya ng kilay. "Really, Jai?" Naalala ko pa nga ang huli naming pagsasama sa inuman. Masaya...kaming dalawa. Natigilan ako sa naisip. No. May asawa ako... at si Jiyuri 'yon. Napailing ako at inalis 'yon sa isip.
Mas nalukot ang muhka niya. "Ba't ba hindi kayo naniniwala?!" tanong niya, naiinis na.
Natawa ako at napailing sa kaniya. Bumaling naman ako kay Jayden na itinaas ang kamay.
"I'll answer," mayabang niyang sabi.
Agad na napailing si Doz na nasa tabi niya. "Yabang mo," bulong niya pero rinig naman naming lahat.
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
Любовные романыEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...