Chapter 48

38 3 0
                                    

Dawn's POV

HINIHINGAL kong sinipa ang lalaking walang kasingpangit, nang matumba siya ay pinaputukan ko siya ng baril. Mabuti na lang ay may silencer yon, kung hindi ay buong building na ang kailangan naming ikutin. Bigla namang may sumakal sa akin kaya naman mabilis ko siyang hinagis sa harap ko, at sinaksak nang sinaksak hanggang sa magdugo ang dibdib niya... hanggang sa makontento ako.

"Ano ba sabi ko sayo, Jiyuri? Sabi ko, not bloody!" pagririin ni Jireo sa sinasabi niya sa akin kanina.

Ngumiwi ako. "Mahirap pumatay nang walang dugo."

Umiling na lang siya sa akin. "Jayden Dawn's on the 39th floor."

"Torture room?" nag-iigting ang panga kong tanong sa kaniya.

"Yeah," tumango siya at biglang may sumapak sa kaniya na agad din namang nabawian.

Naiiling kong tinahak ang hagdanan. Pinipilit kong maging tahimik upang hindi magising ang mga kupal na alaga ni Shi. Pero nahihirapan ako dahil mahirap pumatay nang tahimik. Tss. Maingat kong tinahak ang hagdanan, at nang matamaan na nasa 39th floor na ako ay agad kong hinanap ang kwarto kung nasaan ang kapatid ko.

May mga sumusulpot sa harap ko na binabaril ko na lang at napapagod na ako sa pakikipagsuntukan, wala silang kwenta kalaban. Naglalakad ako nang walang bakas, o kahit tunog man lang. Nang madaanan ko ang isang pinto na may bahid ng sariwang dugo ay pumasok ako.

Natural at may mga tauhang pangit na naman doon. Agad nila akong sinalubong ng yakap at halik...charot. Agad nila akong sinalubong ng baril na agad kong naiilagan. Nang malapitan sila ay agad kong pinagsasaksak ang tagiliran nito. Ang isa naman ay patuloy sa pagbaril kaya hinarap ko ang sinaksak ko kanina upang siya ang mabaril. Nang lumapit siya sa akin, sumaktong may sumasakal sa akin. Putang mga to, walang alam kung hindi manakal. Nakakahiya. Patalikod ko siyang sinaksak. Binaril ko naman ang nasa harap ko at ngayo'y parehas nilang tumba.

Bumuga ako ng hangin nang makitang panay dugo ang damit ko. Tang ina, ang baho! Umangat ang tingin ko nang makita naman ang kapatid ko.

Nakalock ang leeg niya, nakalubid ang magkabilang paa at kamay, pasuray suray ang ulo at bugbog ang katawan.

Lumiliyab ang galit sa katawan ko at nilapitan siya. "Jayden..." mahinang bulong ko. Umangat naman ang tingin niya sa akin at nang mapagtantong ako ang nasa harap niya ay ngumiti.

"Ngayon lang ako ulit nakapagsalamin," aniya, nagbibiro ang tinig at bahagyang umangat ang gilid ng labi.

Nakuha niya pang magbiro... Nangilid ang luha ko. Putok ang labi niya at may mga maliliit na sugat sa muhka. Walang ano-ano'y niyakap ko siya nang pagkahigpit-higpit. Jayden...

Nang sumapat na ang yakap na yon, agad kong kinapa ang buhok ko at nakakuha ng hairpin doon. Kinalikot ko ang lock na nasa leeg niya. Sa sobrang galing kong nilalang ay na-unlock nga yon. Kinutsilyo ko naman ang lubid na nakatali sa kaniya.

"I knew you'd come, after so many years..." ani ng kapatid ko at tumayo ngunit bigla siyang napaluhod!

"J-Jayden..." mahinang tawag ko at inakay siyang tumayo.

"Hinampas nila ang mga paa ko," nakangiwing aniya, nagsimula nang maglakad.

Guilt consumed my heart... paano kong nagawang maging malaya sa pagpapanggap habang siya na tunay na Jayden ay heto, puro sugat at pasa, hindi makalakad nang maayos at putok pa ang mga labi...

"I'm sorry..." iyon ang nasabi ko. Agad siyang napalingon.

"What the fuck are you saying?" napahinto siya sa paglalakad at tumitig sa akin.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now