Chapter 45

37 3 0
                                    

PUNO NG KAGULUHAN ang isip ko habang nakayakap sa kanila nang sobrang higpit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sobra akong naghinagpis... at nandito sila... sa bisig ko. Buhay na buhay!

"Holy shit," napamura ako na ikinatawa ng dalawa. Unti-unting lumuwag ang aming pagyakap at doon ko lang narealize kung gaano kalaki ang tinanda nila. "Kamusta.. ma? Ikaw papa? Kamusta ang health mo? Inaatake ka ba ng arthritis? Ikaw mama, kamusta ang dugo mo? Hindi ba mataas? Baka naman-"

"Anak," tinig ni mama. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang muhka ko. "We're okay. We were taken care of someone..." sagot niya sa marami kong tanong.

"Ikaw ang kamusta? Kumakain ka ba nang ayos?" sumingit si papa at nabakasan ko roon ang pag-aalala.

Ngumiti ako at tumango. "I'm good, papa. So good. At mas lalong bumuti dahil nandito kayo ngayon..." napuno ng luha ang aking mga mata. At kahit anong pigil ko at kusa yong tumutulo.

Panay ang punas ni mama ng aking pisngi at walang sawang hinahaplos kahit na basang basa na ang kaniyang kamay. Tumutulo rin ang kanilang luha at hindi na napigilan.

Paanong nakaligtas sila sa car accident? Kung ganoon ay kaninong bangkay ang inilibing namin? Sinong tumulong sa kanila? Kailangan ko siyang pasalamatan. Maraming tanong ang nasa isip ko ngayon ngunit pinilit kong ngumiti at makipagpalitan ng yakap, haplos sa aking mga magulang.

"I guess you're taking care of my son, Jiyuri..." natigilan ako sa sinabi ni mama at napatitig sa kaniya.

Dahan-dahan akong lumingon kay Dawn na madilim na ang aura at nakatitig sa aming pamilya. J-Jiyuri?

"Yes... I am," marahan niyang sagot na ikinagulo ko.

Naguguluhan akong tumitig sa kaniya at nagpalitan ng titig sa aking ina at kay Dawn. A-Ano?

"Dawnysus," tinig ni Tita Jayura! Lumingon si Dawn doon at naglakad palapit kay Tita. D-Dawnysus? "We need to talk." Malamig nitong sambit at sumunod naman si Dawn na tinapunan ako ng malungkot na tingin bago sinara ang pinto.

Naguguluhang tumitig ako sa pinto kung saan siya lumabas. Bumalik lamang ang ulirat ko nang yakapin ako at pudpurin ng halik ni mama sa pisngi.

"M-Ma..." naguguluhang tawag ko sa aking ina.

"Yes, anak?"

"That w-woman... is my w-wife?" mautal-utal kong tanong.

Natigilan ang aking mga magulang at napalingon sa isa't isa bago ako tignan muli.

Walang sumagot sa kanila.

"Ma, pa, please answer..." nahihirapan ang tinig ko.

Puno ng guiltiness at kalungkutan ang mga mata ni Mama.

"Yes..."


Dawn's POV

"Nagpadala ka ba ng tauhan para bantayan ang mga kabanda ko sa unit?" tanong ko habang naglalakad, nakasunod kay Lady Shi.

"You mean your sister's?" sarkastikong tanong niya sa akin.

Nag-igting ang panga ko at hindi sumagot. Kailangan mo pa talagang ipamuhka sa akin na hindi naman ako si Jayden?

"I did," sagot niya sa tanong ko. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Pumasok kami sa napakalaki niyang office at nagyayabang ang mga paintings na naroroon. Maski ang mga collections ng libro na ngayon ko lang nakita ay naroroon.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now