Dawn's POV
Hindi ko alam pero masasabi ko talagang komportable ako sa yakap ni Martin.
Sa totoo lang, ngayon lang ako ulit nakaramdam ng kalinga sa yakap magmula nang mawala si Jayden.
I miss my ate so much.
At totoo rin yung sinabi ko. Wala na akong ibang kinantahan maliban kay Jayden. Sa buong buhay ko! Gusto ko sanang kantahan ang papa ko noong nabubuhay pa siya pero wala siyang panahon sakin. Mas nakatuon ang atensyon niya kay ate. Pero okay lang. Napapansin niya naman ako kapag kailangan ni ate ng human shield.
"Noong bata ako, napapansin lang ako ni Papa pag kailangan niya akong gawing human shield ni ate," wala sa sariling sambit ko.
Hindi ko alam pero gusto kong ilabas 'to.
Nanigas ang katawan ni Martin sa pagkakayakap nang marinig niya 'yon. Kumalas ako sa yakap na 'yon at ngumiti.
"Wag kang makulit. Wag kang magtanong kasi totoo ang sinasabi ko ngayon."
Nakatulalang tumango lamang si Martin sa sinabi ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin at mataimtim na nakikinig.
—
Martin's POV
Natulala ako sa sinabi niya. Sa tono pa lamang ng boses niya ay ramdam ko na agad ang pagtitiis na ginawa niya.
This woman is really something...
"I was sixteen years old noong mapunta ako kila Jayden... magkapatid kami sa ama. Sa totoo lang ay isang buwan lang nga ang pagitan naming dalawa," she paused and laughed sarcastically. "Hindi naman naging masama ang parents ni Jayden sakin. Pinakain, binihisan at binuhay nila ako. Pero ni-minsan hindi ko naramdamang parte ako ng pamilya."
"K-Kung hindi ikaw si Jayden... anong pangalan mo?" Napatanong ako.
"Just call me Dawn..." tipid ang ngiti niyang sagot. "Ayaw nga nilang tawagin ko silang mom or dad. Gusto nilang tawagin ko silang Mr. and Mrs. Santiago na para bang isa lang akong negosyante na kailangan nilang harapin. Napapansin lang ako ni papa kapag kailangan ni ate ng human shield. Sobrang magkamuhka kami, hindi ba?"
"O-Oo, n-napansin ko nga..." sang-ayon ko dahil totoo, halos mata lamang ang pinagkaiba niya sa tunay sa Jayden. "Bakit ginagawa kang human shield?"
My heart throbbed in pain. Kung sa akin ginawa 'yon ay nagtanim na ako ng galit sa pamilya.
Ngayon ko lang narealize na sobrang swerte ko pala kila momma. Growing up, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko agad. But this woman beside me... she's fucking ignored by her own family!
"Minsan kasi maraming naninira kina papa. Lalo na sa negosyo. At ang alam ng lahat ay may nag-iisa lang siyang anak, 'yon ay si ate. Gusto nilang patayin si ate upang hindi matuloy ang paglago ng negosyo nila. Kaya kung sakali man na may gustong pumatay sa kaniya, ako ang mapapatay hindi si ate. I'm her human shield when we were young..."
Halos hindi ako makalunok nang maayos. Hearing those words, parang hindi ako makapaniwala na kayang gawin ng magulang 'yon sa anak niya.
"Ni-hindi nga ako pwedeng maglaro noon, e... kasi sabi nila kung ano lang daw ang ginagawa ni ate 'yon lang din dapat ang ginagawa ko. Mabuti nalang at nakahiligan din ni ate na maglaro kaya nakakapaglaro ako kahit minsan..."
So basically, gusto ng magulang niya na magpretend siya na si Jayden. Gusto nila lahat ng gusto ni Jayden ay gusto rin ni Dawn.
I'm getting pissed. Sobra-sobra ito.
"Kaya ba parang nagulat ka kanina na pinakanta kita? Kasi sanay kang hindi napapansin? Na ang kaya lang ng ate mo ang kaya mong gawin?" Tanong ko, nag-uumpisa nang manggigil.
Tumango siya. "Gusto ko sanang ipakita sa lahat ang talento ko lalo na kay papa pero ayaw niya 'yong makita. Ang ate ko lang ang gustong makita kung ano ang kaya kong gawin..." nakayukong sambit niya. "Tsaka sino ba naman ako, bibilang nga lang sa daliri ang may alam na dalawa kaming anak ni papa. Bibilang lang sa daliri ang may alam na nag-e-exist ako..."
I feel so sad and angry at the same time. How could they do this to her?! Sinong magulang ang hahayaang ganituhin ang anak niya?!
"You're a strong woman..." ani ko.
Napatingin siya sa akin. "Am I? Nagtetake nga ako ng medicines..."
"You are still..." ani ko at niyakap siyang muli. "Don't worry, your secrets are safe with me. I will pretend that you didn't tell me those things..."
"I have so many to tell... but I'm afraid-"
"Shh..." hinimas ko ang buhok niya at mas hinigpitan pa ang yakap. "Just tell me when you're ready. I won't force you."
"Pero hindi ka ba magtatanong? Lolo ko ang nagpapatay sa magulang mo..."
"Maniwala ka o sa hindi, gusto kong magtanong. Pero alam ko namang hindi mo sasagutin. At alam kong mabait ka..." sambit ko.
"Thank you. Don't worry, I will help you."
Napakalas ako sa yakap at napatitig sa kaniya. "Tutulungan mo ko? Sa case ng mga magulang ko?"
"Yes."
"Kahit apo ka ng may galit sa magulang ko?"
"May galit din naman ako sa kaniya. My family is a mess, Martin..." aniya na para bang nahihiya.
Pinisil ko ang pisngi niya. "Messy fam or not. I still want to know you more." Nakangiting sambit ko.
"Paano kung..."
"Shh! Tara na! Bumalik na tayo!" ani ko at hinila siya patayo. "Let's set aside the things that are making us sad. Okay?"
"Pero-"
Nilagay ko ang hintuturong daliri ko sa labi niya upang matigil siya sa pagsasalita.
"Be happy tonight. I want you to be happy, kahit ilang minuto lang. Kahit saglit lang... kahit kaunting oras lang, gusto kong maranasan mo ang salitang saya. Dahil alam kong buong buhay mo, hindi mo pa nararanasan 'yon..."
Nanubig ang mga mata ni Dawn at nakangiting tumango sa akin. "Thank you..."
"You're welcome." Sagot ko. "From now on, I'll be by your side... no matter what it is."
I'll try harder to understand you, Dawn. Because I know, you deserve the best.
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
RomanceEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...