Martin's POV
MAGHAPON at umabot ng gabi kamin nagkukwentuhan nina Mama at Papa habang magkakahawak ang kamay. Ganoon namin namiss ang bawat isa na maski sa pagkukwento ay nakahawak ang kamay.Pero gusto kong suntukin ang sarili ko dahil kung anong saya ko kanina ay siyang lungkot ng puso ko ngayon. Hindi ko malaman kung bakit ganoon...
Namumuo ang galit, inis, pagmamahal at sakit sa iisang pitik. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos malaman yon... kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang tanungin. Kailangan ko ng confirmation.
"Ma? Pa? Where can I find D-Dawn?" nautal pa ako nang tanungin ko sa mga magulang ko kung nasaan siya.
"We can take you there..." tumayo sila at sinamahan ako sa paglalakad.
At dahil napakalaki ng mansion na yon ay para kaming naglalakad sa isang building.
"How long have you been here..?" tanong ko, nililibot ang paningin.
"Anak, kaibigan ko si Jayura sobrang tagal na... alam kong may mansion siya sa iba't ibang bansa... halos lahat yon ay napuntahan ko na," sagot ni mama, napatingin ako sa kaniya. "Sa totoo lang ay nakokornihan ako kasi pare-parehas ng disenyo, pero ganoon ang ugali nila," tumawa pa siya.
"May aasikasuhin lang ako," paalam ni papa sa amin at ngumiti. Bigla siyang pumasok sa isang kwarto.
"Saan pupunta si papa?" tanong ko, parang batang curious sa bagay-bagay.
"Baka may inutos lang ang Tita Jayura mo, siya ang boss sa mansion na 'to," nangingiting tugon ni Mama sa akin.
"Kaano-ano ni Tita Jayura si J-Jiyuri?" at ayun na naman ako dahil nauutal ako sa bawat pagbanggit ko ng pangalan niya.
"Anak niya si Jiyuri sa isang Santiago na minahal niya noon," diretsang sagot ni mama sa akin. "Hindi mo alam na yon ang asawa mo, 'no?"
"A-Ano kamo, ma?" parang nabingi ako at pinaulit pa e narinig ko naman talaga..
Umiiling siyang ngumiti. "They are unpredictable, anak. Pero sila ang pinakamabait na mga taong nakilala ko..."
"Ma.. sino ba kasi yung tumulong sainyo? I want to thank that person."
Umiling siya at sumeryoso. "Hindi na muna, anak. Kapag mas dumami ang nalalaman mo, mas marami ang tyansang mawala ka sa amin ng papa mo."
"M-Ma... wala akong naiintindihan," I honestly said. Napatungo ako.
Bigla siyang tumigil at hinaplos ang pisngi ko. "You can ask your wife if you don't understand... ayan ang pinto," tinuro niya ang nasa likod ko at nakita ko ngang nakalagay doon ay Jiyuri's office.
Huminga ako nang malalim at pinihit ang pinto non. Dahan-dahan ko pang binuksan at nakababa ang tingin ng pumasok. Pag-angat ko ng tingin ay naroroon si Dawn na nakayukyok sa desk at hindi yata ako napansin.
Muling namuo ang galit, inis, pagmamahal at sakit sa puso ko. Hindi ko alam na kaya ko palang maramdaman ang mga yon at the same time. Nasasaktan ako sa katotohanang siya pala ang asawa ko na matagal ko ng hinahanap... at nagmuhka akong tanga sa kaniya. Nagmuhka akong tanga sa pagsisinungaling niya at pagpapanggap. Nirespeto ko na hindi ko siya pwedeng makilala pero hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan niyang magsinungaling sa harap ko... parte ba yon ng pagkatao mo, Jiyuri? Parte ba yon ng mga pagpapanggap mo?
Nagstretch siya ng leeg at doon lamang ako nakita. Napabalikwas siya at napaayos ng upo sa swivel chair niya. May dalawang upuan din na nasa harap niya para sa mga bisita.
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
RomantikEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...