Chapter 37

36 2 0
                                    

Martin's POV

Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi ang mga yon sa kaniya. Nadala lang siguro ako ng damdamin ko dahil narinig ko kung paano mag-alala sa kaniya si Doz.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Umangat bigla ang tingin ko nang dumaan si Dawn sa gitna ng kasiyahan namin. Patungo siya sa kwarto, may dala-dalang tatlong alak.

Hindi na okay ang paglalakad niya. Lasing na siya.

"Jayden Dawn!" tawag ni Trez sa kaniya.

"Dawn! Oy!" tawag pa ng iba niyang kabanda pero parang hindi siya nakakarinig.

Tumayo si Maxima para puntahan si Dawn pero pinigilan siya ni Dirky. Umiling lang si Dirk at ngumunot ang noo ni Maxima. Tila nag-uusap sila gamit ang mga mata.

"Hayaan muna natin si Jayden Dawn," sambit ni Quizon.

"Baka magpapahinga na," ani Jozya.

"Magpapahinga? May dalang tatlong alak, tanga." Batok ni Zetteki kay Jozya.

"Hahahaha!" At napuno na naman sila ng tawanan.

Hindi ako makasabay sa tawanan nila. Napako ang tingin ko sa pinto ni Dawn. Iniisip ko kung anong nangyayari sa kaniya sa loob.

Nangunguna pa rin ang pride ko at ayaw ko siyang puntahan. Naiinis ako sa kadahilanang malapit siya kay Doz. Naiinis ako dahil sa pakikitungo niya kay Jai. Naiinis ako dahil hindi ko siya makausap nang maayos.

Paano ko siya kakausapin nang maayos? Sarili ko ngang feelings hindi ko malaman!

Napailing nalang ako sa sarili kong naisip. Ininom ko ang huli kong shot at tumayo.

"Oh?! Matutulog ka na?" tanong ni Quizon.

"Aga naman! Ubusin natin to!" pigil ni Zetteki.

"Ang bad influence niyo, ba't ko kayo tropa?!" nakagiwing singit ni Jozya.

"Pa-good influence kang pota ka!" Hinagisan naman siya ng pulutan ni Trez.

"Lul!" Tumatawang salo ni Joz sa hinagis ni Trez.

"Hindi ako mahilig uminom e.. sige, una na ako sainyo matulog." Tipid ang ngisi kong tugon. Tinanguan ko lang naman sina Maxima at Dirky at dumiretso na sa kwarto.

**

MAGDAMAG akong tulala. Namalayan ko na lamang na umaga na pala nang nakita ko ang sinag ng araw sa bintana ng kwarto ko. Bumuntong hininga ako at bumangon. Dumiretso ako sa banyo at doon binabad ang aking sarili.

Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa sinabi ni Jai sa akin. Sinasabi niya bang nasa paligid ko lang ang asawa ko? O kaya, nasa buhay ko na siya at kilala ko pa?

Napailing ako at pagak na natawa. Jiyuri Dawnysus... sino ka ba?

Bigla namang pumasok sa isip ko si Jayden Dawn o ang babaeng nagpapanggap na si Jayden Dawn. Pakiramdam ko ay dapat akong humingi ng patawad sa mga sinabi ko sa kaniya. Sa totoo lang ay gusto ko siyang katabi at ayaw kong layuan niya ako. Pero dahil sa katangahan ko ay muhkang yun ang mangyayari.

Wala pa man akong ginagawa ay napapagod na ako. Tamad kong kinuha ang damit sa aking cabinet at malumbay na nagbihis.

Kailangan ko talaga magsorry sa inasal ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay hindi ako papatulugin ng konsensya ko kahit pa naiinis ako sa trato niya kay Jai.

Nasa pinto pa lamang ako ay naririnig ko na ang ingay ng banda. Napailing ako at napangiti. Masasaya silang kasama at swak na swak sila sa isa't isa.

"Good morning!" bati sa akin ni Quizon. "Kamusta ang tulog ng lalaking naunang natulog kagabi?!" pang-aasar niya sakin.

Natawa ako at pabirong sinuntok siya sa dibdib. "Tado, hindi nga ako nakatulog..." nakangiwing tugon ko.

"Nako! Hindi yan nakatulog kakaisip kay Jayden Dawn!" Nakangising asar ni Jozya.

"LQ nga kasi sila mula pa kagabi, baka di pa nagbabati!" Gatong ni Zetteki at tumawa.

Napangiwi ako at pumunta ng kusina. "Grabe, ang ganda nyo bumati ng magandang umaga!"

"Ganiyan talaga yang mga yan. Imagine being with them for many years, mababaliw ka nalang sa ingay..." nakangiwing ani ni Trez at sumubo ng pagkain.

"Si Jayden Dawn, gising na ba?" Pasimpleng tanong ko.

Si Maxima ang lumingon sakin at nanliit ang mga mata. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Bakit? Hindi ba kayo nag-usap after niyo mag-away?" Seryosong tanong ni Dirky.

Umiling ako at nagsandok ng kanin. "Nga pala... kailan ang next na tugtog niyo? Parang walang projects na dumadating ngayon, ah." Tanong ko.

"Actually, si Faye ang nakakaalam non. Tsaka madalas kasi iniipon muna namin mga projects dahil ayaw namin ng paisa-isa. Maraming photoshoots ang gagawin sa Friday." Ani Trez at sinubo ang kutsara niyang may hotdog. [-.-]

"Okay. Matatapos ko na ang kanta na ni-re-revive niyo.." tugon ko.

"Ang bilis mo, ah? Ang haba ng kanta na yon."

"Madali lang naman-"

"No, ngayon lang kami nakakita ng writer na mabilis magtapos nun..." seryosong sagot ni Trez.

"It's true," bigla ay sumulpot si Zetteki. "Bihira yon samin, tsaka ang daming arte ng BRB kaya mahihirapan writer samin. Pero ikaw hindi."

"Agree." Sabay na sagot ni Quizon at Jozya.

"Weh, gaya-gaya!" Irap ni Jozya na parang babae.

"Ulul, ikaw nanggagaya dyan! Dyan na nga kayo!" At ayun, tinoyo ang Quizon kaya tumayo na siya sa kinauupuan.

"Patingin pala mamaya-"

"Uhh, guys?" Bigla ay napalingon kami kay Quizon na nahinto sa paglalakad.

"Ano yun, Quizon? Pinutol mo pagsasalita ko," asar na tumayo si Trez. Nanlaki naman ang mga nata nito nang nakita ang nakita ni Quizon.

Napatakbo ako agad sa pinto ni Jayden Dawn at dinabog yon. Malakas na hinampas ko ang pinto ngunit naka-lock ito.

"Jayden Dawn! Jayden Dawn!" Nataranta ako at pilit na binubuksan ang pinto ngunit masyadong matibay ito.

Napaawang ang labi ko nang mapunta paa ko ang dugo na lumalabas mula sa pinto ni Jayden Dawn.

"Tabi!" Dala-dala ni Maxima ang itak. Sinira niya ang knob ng pinto at tinaga nang tinaga ito hanggang sa magkaroon ng butas ngunit hindi niya yon masira talaga.  "Fakku, Oyabun! Dirky!" Agad lumapit si Dirky sa kaniya. Binigay naman ni Maxima ang itak. "Kore mottete!" (Fuck, Oyabun! Dirky, hold this!)

"Daijōbu, daijōbu!" maagap na sagot ni Dirky. (Okay, okay!)

Wala akong naintindihan sa usapan nila dahil ibang lenggwahe yon. Basta ang alam ko lamang ay bigla nalang pumunta sa malayo si Maxima at mahigpit na yumakap sa sarili, mabilis na tumakbo at lumusot sa napakatibay na pinto.

Napaawang ang labi ko sa ginawa niya.. hindi yon magagawa ng isang normal na nilalang... paano niyang nasira ang hindi masira ng isang itak?

Parang nagslow motion ang lahat sakin at nakita ko si Jayden Dawn na nasa sahig at puno ng dugo. Maraming bubog ang nasa braso niya at alam kong marami ng dugo ang naubos sakaniya.

"Jayden Dawn!" sigaw ni Trez.

Doon lamang nagising ang diwa ko at tumakbo palapit sa kaniya. Binuhat ko siya agad-agad at doon lamang ako tumingin sa kaniya nang napakatagal... Jayden Dawn...

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now