Chapter 44

39 2 0
                                    

Dawn's POV

MASAKIT ang nasa ibaba ko nang bumangon ako. Halos masuntok ko ang muhka ni Martin nang tulungan niya akong tumayo.

"Tangina mo," mariin ko siyang minura ngunit tawa lang ang sinagot niya sakin. Hinatid niya ako sa banyo at doon hinayaan magritwal.

Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na ako at tiniis ang sakit ng ibaba ko. Mabagal ngunit hindi naman ganoon kakupad ang galaw ko. Minsan pang tumawa sa akin si Maxim nang makita ang lagay ko.

"I can see..." nangingising bulong ni Maxim sa akin.

"What?" asik ko.

"I can see the evidence," lumakas ang halakhak niya. "Martin did good, didn't he?" at doon na siya tuluyang tumawa!

"Fuck you," malutong ko siyang minura at dumiretso sa kusina.

"We have many recordings today.. as fuck," panimula ni Trez habang nasa hapagkainan kami.

"Sulitin ang huling sandali," tumatawang komento ni Quizon. "Ayaw mo yon?!"

"Ulol ka na naman, Quizon! Abot mo nga yung bacon!" utos ni Zetteki, sinunod naman ni Quizon yon ngunit ang bacon na kinuha niya ay nilagay sa sariling pinggan. "Puta ka talaga!" binato ng kanin ni Zetteki ang kanin na sumakto sa bibig ni Quizon habang tumatawa!

"Pu-aacck-tangina ka!" nabibilaukang sigaw ni Quizon at humalakhak nang sobrang lakas si Zetteki.

"Puta," mura ni Jozya dahil ang gugulo ng dalawa.

Naiiling akong ngumisi. Mamimiss ko ang mga 'to kapag nagdisband kami. Ang dinig ko'y ilag linggo pa bago kami magdisband. Dalawang buwan siguro ang pinaka-estimated na natitira naming panahon bilang isang banda.

Lumingon naman ako sa katabi kong si Martin, ayun at napakaganda ng ngiti habang kumakain! Hindi pa man nagsasalita ay parang siya ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Sige, maging masaya ka lang sakin, mahal ko.

Mabilis lang kaming kumain dahil marami rin kaming gagawin ngayong araw. Panay ang balik ni Faye rito upang asikasuhin kami. Hindi ko alam pero ako ang napapagod para sa kaniya. Sa kinahapunan ay bigla akong nilapitan ni Maxim at seryoso ang kaniyang muhka.

"What is it?" seryoso kong bulong. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na phone.

"Lady Shi," sagot niya na at binigay sa akin yon. Tinanggap ko yon at pumunta sa kwarto ko, pagkatapos isara ay ni-lock yon.

Tinignan ko ang phone na hawak ko at on-going ang call. Tinapat ko yon sa tainga ko at nagsalita.

"Lady Shi," bati ko, seryosong seryoso.

"They are alive," bungad niya sa akin na ikinanuot ng noo ko.

"Who?" tanong ko.

Nang sagutin niya yon ay nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwalang buhay sila pagkatapos ng nangyari... holy shit.

"Come here with Martin, he needs to know this..," malumanay niyang sinabi yon ngunit ang tono ay nag-uutos.

Bigla ay naisip kong malaman ni Martin ang tunay na ako. "No..." wala sa sarili kong sambit nang marealize kong maaari siyang mawala sa akin kapag nalaman niya ang katotohanang ako ang asawa niya.

"Don't be selfish, Jiyuri," mariin niyang sagot sa walang kwentang salita ko. "And I need to tell you something..." bumuntong hininga siya bago patayin ang tawag.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now