Chapter 4

78 7 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw at naging maayos naman ang lahat. May isang buwan pahinga ang banda namin dahil kakatapos lang ng mga tours.

"Oh ayan! May pahinga na kayo," anang ni Faye, ang aming manager.

"Buti naisipan mo," asik ko.

"Akala ko ay diretsong taon tayo ngayon?" tanong ni Trez. "Bakit biglang nag-iba? Nag-iba ba ang kontrata?" sarkastikong tanong nito.

Umirap si Faye. "You should be thankful dahil binigyan kayo ng break! Bibihira lang yun sa mga sikat na banda gaya niyo. At i-isa pa..may masamang nangyari kasi.." yumuko at bumuntong hininga siya bago ulit humarap samin.

Nangunot ang noo ko.

"What do you mean?" si Zetteki ang nagtanong. Nanatiling tahimik sina Quizon at Jozya dahil parehas sigurong kabado sa sasabihin ni Faye.

Ilang sandali pa ay hindi sumagot si Faye.

"Faye, anong nangyari?" si Trez na ang nagtanong, doon lang natauhan si Faye.

Tinitigan ko siya at nabigla ako nang pangiliran siya ng luha. Ilang saglit pa ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya!

"F-Faye..." nag-aalalang sambit ni Jozya.

"A-Ano ba talagang n-nangyari?" naguguluhang tumitig sa kaniya si Quizon.

"P-Pinatay a-ang.. ang director n-natin... binaril siya pagkatapos ng tour n-niyo... hindi malaman kung s-sino ang bumaril s-sakaniya dahil n-nakatakip ito... hindi ako ma— hindi ako makapaniwalang wala na siya—"

"S-Si... si Director Y-Yef ba ang tinutukoy mo?" agarang tanong ko, pinutol siya sa pagsasalita.

Suminghot-singhot pa siya at umiyak ng umiyak bago tumango. "Oo, s-siya nga... napakabait niya!" aniya at patuloy sa pag-iyak.

Bigla akong nanghina. Isa sa pinagkakatiwalaang director ko si Yef. Isa siya sa mga naging magandang ehemplo sakin. Isa siya sa mga nagturo sakin at higit sa lahat... Isa rin siya sa nakakaalam kung sino ba talaga ako at bakit ako nagtatago sa pangalang Jayden Dawn. Tila gumuho ang kapiraso ng mundo ko. S-Sino naman ang babaril sa kaniya? At kung binaril siya... isa lang ang ibig sabihin nun... sinadyang patayin siya! P-pero... nino?!

"Kailan mo nalaman?" Tanong ni Trez sa kaniya.

"Kahapon..." sagot ni Faye. "Kahapon ay nagkaroon kami ng meeting. Noong una ay tuwang tuwa ako dahil magkakaroon tayo lahat ng break. 'Yon pala ay ang dahilan nun ang pagkamatay ni Director Yef... sa isang linggo ay ililibing siya, ngayon ay nakaburol na siya sa mansion nila... maaari tayong dumalaw doon kahit anumang oras..." dagdag niya, tahimik na ngayon ngunit umiiyak pa rin.

Fooking shit... sino ang gagawa niyon kay Director Yef?! Napakabait niyang tao...

"Magpahinga ka na muna, Faye..." aniko.

"Dawn is right, you should rest..." sang-ayon sakin ni Trez.

Tumango si Faye. "Hindi muna ako ngayon magsstay dito. I'll go home.. hinahanap ako sa amin, e."

"Ihahatid na kita," presinta ni Jozya. "Mag gagabi na at babae ka pa. At isa pa, I know you're tired..." inunahan niya agad ng dahilan ito dahil alam niyang tatanggihan siya ni Faye.

Tsss..

"Bye, BRB..."

"Bye, Faye... mag-iingat ka."

"Yeah, thanks..."

Nang makaalis sila ay agad kong kinuha ang bago kong phone.

"Trez!"

"Oh?" Lumingon siya sakin agad. "Problema mo?"

"Tawagan mo si Doz, tapos sabihin mo sabihin kay Jamie na tawagan ako..." ma-awtoridad kong sinabi yon.

Ngumiwi siya. "Bakit hindi ikaw ang gumawa?" Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Yeah right..." napapailing nalang niyang sinunod ang sinabi ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad paakyat—

"Woy!" Napalingon ako kay Zetteki.

"Bakit?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"Hindi ka raw ba kakain sabi ni Trez?!" Pasigaw na tanong ni Quizon dahil halatang ayaw magsalita ni Zetteki na parang hindi pa nakakarecover sa balita.

"Bababa na lang ako kapag nagutom..." sabi ko at tumuloy sa kwarto ko.

Bumuntong hininga ako at umupo sa kama. Sinong hayop ang gumawa nito sayo, Yef? At bakit ka nila gagawan ng ganito?

Kriiiiingg!!! Kringggg!!!

Unknown number is calling...

"What the hell do you want?" Bungad sakin ng tumawag. Alam kong pinsan ko 'to.

"Bakit ang init ng ulo mo?" Natatawang tanong ko.

"Dahil ginising ako ni Doz para lang tumawag sayo! Lintik ka, Dawnysus!" Buryong buryo siya hahaha!

Humalakhak ako bago tuluyang magsalita. "Sa susunod ka na magalit sakin, importante 'to..."

"Ano?" Sumeryoso rin siya.

Huminga ako nang malalim. "Patay na si Yef..."

"A-Ano?!"

"Patay na si Yef..."

"A-ANO?!"

"Patay na si Yef..."

"A-ANO?!??!?"

"Tanga ka ba?!"

"Totoo ba?!"

"Tsk!" Nakakaurat naman 'to kausap! "Oo... patay na siya pagkatapos ng huling tour namin. Ngayon ko lang nalaman..."

"Oh, e, tapos?" Kumalma ang boses niya at tila walang pakialam.

"Gago, anong 'oh,e,tapos?!' Syempre iimbistigahan mo!" Napahilamos ako sa muhka dahil sa katangahan ng pinsan kong agent at master pa man din!

Humalakhak siya. "Ang ibig kong sabihin sa OH EH TAPOS ko ay kung papatayin ko ba?!" Prangka niyang tanong.

"Huwag... gusto kong ako ang magliligpit sa kaniya.. hangga't maaari ilagay mo sa lungga mo at ikulong," utos ko.

"Bakit gusto mong pahiran ng maruming dugo ang kamay mo para isang taong gumawa niyon kay Yef? You're not like this, Dawnysus..." mapanganib niyang tugon.

"Dahil may kutob ako..." napabuntong hininga ako.

"Kutob? Na ano? Na kasabwat siya ng lolo mong hilaw?"

Napangiwi ako. "Oo. At iniisip kong 'yon din ang killer na pumatay sa kapatid mo. A-At ang.. ang n-nagpasabog sa hotel k-ko..." nautal ako sa huli. Para akong sinasakal ng sarili kong salita.

Napapikit ako sa inis. Bakit kailangan mangyari lahat nang ito?! Kailan ba kasi ako magiging masaya?!

Natahimik ang kabilang linya.

"Woy? Jamie?"

"O-Oh?"

"Nandyan ka pa?"

"Hahanapin ko ang lalaking 'yon at pahihirapan ko siya—"

"Sinabi ko na sayong—"

"Huwag kang mag-alala..." bumuntong hininga siya. "Hindi ko pa siya papatayin." Naninigurong aniya. "Matutulog na ako at salamat sa pang-iistrobo mo..."

Iyon lang at pinatay niya na ang tawag.

Shit... handa na ba ako ulit harapin ang paulit-ulit kong tinatakbuhan? Nagsisimula ka na naman... hinding hindi ka talaga titigil hangga't hindi narurumihan ang aking kamay... 'wag kang mag-alala.. darating ang araw na hinihiling mo... maliligo ka sa sarili mong dugo tulad ng ginawa mo sa pamilya ko...

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now