Chapter 65

70 2 0
                                    

JIYURI DAWNYSUS' POV


NGUMITI ako sa kaniya ng puno ng emosyon. Halo-halo ang emosyon kong 'yon. Galit, sakit, pagmamahal. Nginitian ko siya upang iparating kung gaano ako kapagod. Hindi ko man masabi sa kaniya nang diretso pero sana naunawaan niya 'yon.

Umalis ako roon at pumunta sa opisina ko. Do'n ko binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Muhka lang akong malakas sa paningin niya pero sa totoo lang ay hinang hina na ako. Ang tanging kinakapitan ko na lang ay sanggol na nasa loob ko.

Nakailang sabi siya na naaalala niya na ako, pero hindi ko pa rin matanggap ang nagawa niya. It still hurts me. Sa tuwing nakikita ko si Martin, nakikita ko rin ang gabing 'yon. It was hell. Parang mas masakit pa yata 'yon sa dinanas ko. Kasi ganoon ko rin siya kamahal, e. Hindi ko masukat ang pagmamahal ko sa kaniya kaya sobra akong nasasaktan.

Pinapirmahan ko ang divorce papers sa kaniya para maalis ang tali niya sa 'kin. Para kahit nalilito siya, hindi niya na ako iisipin. Masyado na kaming nasasaktan pareho. Masyado na kaming napapagod.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Jayden sa 'kin, pinuntahan pa ako sa opisina ko. "Nakahanda na ang tanghalian."

"Naro'n si Martin?" malumanay kong tanong.

Alinlangan siyang tumango. "Oo...bakit ba hindi kayo nagpapansinan? Iniiwasan mo siya buong buwan," nagtatakang aniya.

I faked a smile. "Divorced na kami."

Jayden's jaw dropped. "What?"

Bumuntong hininga ako. "Divorced na kami."

"What?!"

"Divor—"

"Naririnig ko!" asik niya.

My face palmed. "Eh, bakit ka what ng what? Tsk."

"Bakit?! Ano?! Bakit?!" hindi makapaniwalang tanong niya, talagang umupo sa upuan at nilapit ang muhka sa akin, interesadong interesado!

Napabuntong hininga ako. "Pagod na ako."

"Ha?! Bakit?! Tumakbo ka?!" kunot-noong tanong niya, hindi ko mabakasan ang sarkasmo pero nainis pa rin ako.

"Hindi, gago ka ba?" inis kong tanong.

"Eh, bakit? Paanong napagod ka? Isang buwan lang kayo hindi nagpansinan...tapos malalaman kong divorced na kayo?!"

"Muntik..." naalala ko na naman ang ginawa niyang 'yon at pra bang may bumara sa lalamunan ko. "Muntik niyang halikan si Jai. Nang kausapin ko siya, hindi niya itinangging gusto niya 'yon."

"What the fuck."

Bumuntong hininga ako sa reaksyon niya. "Mas ayos na rin 'yon, na hiwalay kami."

"Paano ang anak ninyo?" nag-aaalalang sambit niya.

"Hiraman," nakangiwing sagot ko.

Napasinghal siya. "Ano 'yan, bagay?!" nakangiwing tanong niya. "Sasapakin ko si Martin! Walanghiyang 'yon!"

"Hayaan mo na," pabuntong hiningang sambit ko. "Hiwalay na kami, Jayden. Anak na lang namin ang nagkokonekta sa amin."

"Sasapakin ko siya, matapos lang ang tanghalian!" nakangiwi niyang sambit at tumayo. "BRB! Tawagin kita pag wala na siya sa baba!"

Napabuntong hininga na lang ako kay Jayden. Talagang may schedule pa ang pananapak niya. Wirdo...

Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan. Umuumbok na 'yon at kaunti na lang, mahahalata ng buntis ako. Napabuntong hininga na lang ako at hindi nag-isip pa.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now