Chapter 9

63 6 0
                                    

"WHERE the fuck are those passport?" mahinang napamura si Dawn nang akyatin niya ang pinakatuktok ng ikasampong gusali na aakyatin nila.

Ear device is on her right ear. Maxim and Dirk can hear her clearly.

"Someone is having a hard time," pang-aasar ni Dirk sa kaniya kahit pa sa device lang sila nagkakarinigan.

Maghahapon nang sila ay gumalaw, ngayon ay gabi na pero hindi pa rin nila mahanap ang passports. Maingat silang gumagalaw at hangga't maaari wala dapat silang mapatay dahil kapag nangyari 'yon ay masisira ang mga plano.

"Damn you, at least I am already rich when I got there," simpleng pangungusap lang sana 'yon pero dahil siya si Dawn ay hindi maalis ang kayabangan sa boses nito.

"Just like the old Jiyuri, napakayabang," tinig ni Maxim at batid niyang naiiling ito ngayon.

Bawat floor ay kinakalkal nila. Lahat ng madadaanan nilang sulok ay tinitignan nila. Madilim pero nakikita nila nang malinaw ang mga bagay. Ang mga bantay ay mga nakatayo pero halatang nilalabanan ang antok kaya naman hindi sila madaling maramdaman ng mga ito. Well, they are trained.

"Fuck, wala rito," tinig ni Dirk.

"Same here, inikot ko ang buong floor mula first to fifteenth, wala akong nakita kahit anino ng passport ko," tinig ni Maxim na pero hindi mabakasan ng pagod.

"Alam mo, tinatamad na ako..." nakangiwing ani Dawn. "Bumaba na nga tayo. Bumalik na tayo sa bahay niyo," aniya pa.

Natigilan ang dalawa.

"What? Just like that?" si Dirk.

Nalilitong naglakad si Dawn nang walang tunog. "Anong sinasabi mo dyan?"

"I want freedom, Oyabun. I thought you'll give it to me," Maxim said emotionless.

Dawn chuckled. "Who told you I'm not giving that to you? Come on, let's go back. I have another plan."

Naglalakad na siya papunta sa inakyatan niya kanina nang may mapansing cabinet. Nang buksan niya 'yon ay punong puno 'yon ng alikabok kaya naman napahawak siya sa bibig niya. Mga sako 'yon.. ng droga. Punong puno 'yon ng mga sako pero ang nakaipit na papel sa gilid ay nakapukaw sa mga mata ni Dawn. Agad niya 'yong kinuha. Madilim man ay nabasa niya ang mga pangalan na naroroon.

List of mafia businesses.

In United Kingdom, Elizalde's

In China, Yao's—

Natigilan siya sa pagbabasa nang makita ang apelyidong 'yon. Yao? It seems so familiar... parang narinig ko na. Tiniklop niya ang papel at tinago 'yon sa bulsa.

"My car is crashed, fuck!" tinig ni Maxim.

"What? They knew we're here?" Dirk asked.

"Oyabun Shi," sagot ni Maxim na para bang 'yon ang pinakasagot kung bakit nawasak ang kotse niya. "Bilisan niyo. Tumakbo kayo pa-North, I'll be waiting there, may iniwan akong kotse roon."

"What a mindset," tinig ni Dirk.

"Well," walang emosyon pero nag-angat ng yabang ang tinig ni Maxim.

Tumingin sa bintana si Dawn na bababaan niya. Dahan-dahan siyang umakyat doon. Pero nang makalingon siya sa pinto ng kwarto ay may nakatutok sa kaniya na baril!

"Who are you?!" tanong nito gamit ang lenggwahe nila, malamang ay hindi siya nito nakilala dahil naka-mask siya.

Hindi niya na pinansin pa 'yon at agad na tumalon sa bintana. Lihim siyang nagpasalamat dahil may tali siyang nakapitan kaya naman hindi niya na kailangan pa magkandapilay-pilay pagkababa.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now