Dawn's POV
Gunshots are everywhere. Rinig ko ang iba't ibang pagsabog. Sa iba't iba ring parte ng gusali ko!Lahat sila ay naglalaban. Dugo ay nasa paligid na. Maraming nakahiga. Maraming nakatayo. Ang iba'y unti-unti nang nanghihina.
Ano 'to?
Sa giyerang naabutan ko sa aking hotel ay namataan ko ang rebulto ng tarantadong si Renzo Apollo.
Ang gumahasa sa ina ni Jamie at ang dahilan ng pagkamatay ni Dion, ang kapatid ni Jamie.
Natigilan ako nang makitang hawak niya ang katawan ng ina ni Jayden.
"M-Mrs... Santiago?" wala sa sariling sambit ko.
Hila-hila niya 'yon hanggang sa makarating sa hindi kalayuan at saka humarap sakin. Binitawan niya ang katawan ni Mrs. Santiago at nakita kong nakapikit na ang mga mata nito, naliligo sa sariling dugo at may hiwa sa leeg.
Pinatay niya si Mrs. Santiago.
"Apollo! Anong ginawa mo!" galit na sigaw ko.
Sarkastikong ngumiti siya sa akin at lumingon sa likod niya.
Doon ko nakita si Mr. Santiago. Naghihingalo habang hawak ng mga tauhan.
P-Papa...
Nangilid ang luha ko at bumalik ang tingin kay Renzo.
"Ta-ngina mo! Anong ginawa mo sa pamilya ko!"
"Binabalik ko lang sa inyo ang ipinaramdam niyo sa akin noong kinuha niyo ang buhay ng asawa ko," nakangising sagot ni Renzo. "At anong pamilya? Gago! Ang tawag mo nga sa mga ito ay Mrs. at Mr. Santiago, paano ka nila naging pamilya?"
"Ta-ngina mo!"
Nakangisi lang siyang tumingin sakin. Binunot niya ang baril niya...
At tinapos ang buhay ng aking ama.
'P-Papa... h-hindi m-mo p-pa a-ako nakikitang s-sumayaw at k-kumanta, e-eh...'
Tumulo nang sunod-sunod ang mga luha ko at nanggigigil na sumugod kay Renzo, pero agad niyang nasalag ang mga atake ko at mabilis na lumayo. May humila sa akin palayo at nakita ko ang pinakademonyong kilala ko.
Si Shi.
"Hayup ang galing mo, ano? Sa ilang taon kong paghahanap ko sayo, dito lang pala kita matetyempuhan. Iba ang ensayo sayo ni Jayura... kakaiba."
"Kakaiba talaga dahil papatayin kita!" nagpumiglas ako sa hawak niya pero nanghina ako nang suntukin niya ako sa tiyan.
Tinadyakan niya ako at walang tigil na pinagsusuntok.
Tuloy ay hindi ako makatayo.
'Shit... kailangan ko lumaban!'
"Ngayon, tignan mo ang kapatid mo!"
Sinabunutan niya ako at pinaharap sa gawing naroroon si Renzo at hawak hawak na niya si Jayden!
Pumipiglas si Ate pero hindi siya makapalag dahil may tali ang mga kamay at paa niya.
'Sana mas maaga akong dumating... sana... sana hindi nangyayari 'to...'
"Ate! Ate!" sigaw ko na hinaluan ng iyak.
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
RomanceEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...