Chapter 42

56 3 0
                                    

"DAWN! Maganda yata gising mo, ah!" bati sa akin ni Dirk. Humalakhak lamang ako. "Putsa! Halakhak lang sagot sakin! Yabang mo naman, may nangyari ba?" tumataas ang kilay nitong tanong sa akin at tinutusok ang tagiliran ko.

"Psh," singhal ni Maxim na nasa gilid at nagkakape. Malamlam ang mata at halatang puyat.

"Ba't ganyan hitsura nyan?" nagtatakang tanong ko kay Dirk.

"Eh ayun," nginuso ni Dirk ang kwartong nakabukas, ang kwartong yon ay kay Maxim pero nang sumilip ako ay si Rousse ang nakita kong nakahiga.

"Pinuyat ka pala ni Rousse?" double-meaning kong tanong kay Maxim.

Napabuga siya ng kape sa aming dalawa ni Dirk at agad kaming nandiri!

"Tangina naman, Maxima!" maarteng nagpunas si Dirk pagkatapos sabihin yon.

"Gago ka ba?" tanong ni Maxim sa akin, naaasar at napipikon na. Bakas ang inis sa muhka niya at tila kaunti nalang ay sasabog na.

"Pasalamat ka good mood ako ngayon kaya kahit murahin mo ko, ayos lang!" masiglang sambit ko at humalakhak muli.

"Eh, ba't ba kasi ganyan ka kasigla?" nanunudyong tanong ni Trez.

"Sus! May nangyari siguro!" komento ni Zetteki.

"Baka may nakarinig sa kanila kagabi, umamin na!" si Quizon, nakikiasar.

"Gago, kadiri kayo e no?" nakangiwing hinampas ni Jozya ang mga ito ng throw pillow.

"Virgin 'to, guys, hindi pa yan nakakaranas unless..." pabitin na tugon naman ni Dirk. Agad ko siyang binatukan nang malakas. "A-Aray ko! Tangina naman, ang hilig niyong manakit, ah!" reklamo nito.

Magmula nang gumaling ako sa hospital at makalabas ay walang araw hindi maganda ang mood ko. Ewan ko kung anong label namin ni Martin basta masaya ako sa kaniya. Days feel like more than years. Parang kilala ko na talaga siya noon pa. Parang siya talaga nararapat sakin. Ngayon lang ako nagpasalamat nang malupet kay Lady Shi dahil pinakasal niya ko sa ganung kagwapong nilalang. May six pack abs pa. Yum.

Sa minutong pag-iisip ay lumabas na sa wakas si Martin mula sa aking kwarto. Dala-dala niya ang tray na dinala ko at ubos na ang mga pagkain doon.

"Oy preeee! Good morning!" bati ni Jozya kay Martin na nginitian naman siya.

"Wow! Sana all may pa-breakfast in bed!" sigaw ni Dirk.

"Ay, putsa! Level up ka, Dawn ha?!" pang-asar ni Zetteki na inirapan ko naman.

"Ngayon mo lang ginawa yan, ah? Putsa samantalang sampung taon na tayong magkasama, di mo ginawa sakin yan!" nakangusong reklamo ni Quizon.

"Ulul, hindi ka naman si Martin," malutong na minura ko si Quizon at malanding ngumiti kay Martin. "Good morning!"

"Psh, parang hindi mo ko binati kanina na may kasama pang..." pambibitin ni Martin kaya naman tumunghay lahat ng kasama namin. Pinandilatan ko naman siya!

"Oy ano?!"

"May kasama raw ano?!"

"Gaguuuu! Ano yun??"

"Putsa, pabitin!"

"May kasama pang tray tapos food..." pagpapatuloy ni Martin at ngumisi sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at pumunta sa kusina. "Akina nga yang tray at pinggan, huhugasan ko na!" sigaw ko.

Humarap ako sa sink at inayos doon ang mga kailangang gamitin sa paghugas ng pinggan. Napahinto naman ako nang isipin kung marunong ba ako maghugas ng pinggan. Gago, paano ako maghuhugas? Hindi pala ako marunong! Tangina kasi bakit hindi ito tinuro ni Lady Shi?!

Sa gitna ng pag-iisip ay may dumikit sa likod niyang matigas! Ang ano ni Martin na matigas! Napahinto siya sa pag-iisip at naramdaman ang pagyakap ni Martin mula sa likod.

"You felt it?" tanong niya na ikinatango ko naman. "Yeah, because of you."

"Shut up," saway ko dahil baka marinig siya ng mga kasama namin.

Humalakhak siya at umalis sa pagkakayakap. "Ako na dyan, alam kong hindi ka marunong maghugas ng pinggan!"

"Nyenye! Hindi kasi yan tinuro," irap ko at umalis sa sink kaya naman siya ang pumalit doon.

NAGKAROON kami ng malupitang ensayo at photoshoots sa mga sumunod na araw. Sandamakmak ang events sa buong buwan. Marahil ay sinusulit na nila dahil magdidisband na kami. Mga bobo kasi hindi pina-renew, tanga lang?

Pero may parte rin sa akin na ayos lang yon dahil sawa na akong magpanggap na Jayden. Kung papalarin man ay mag-iiba ako ng pangalan sa industriyang ito at pangalan ko na mismo ang gagamitin ko...kung papalarin.

Bumuntong hininga ako nang maalala ko ang aking kapatid. May kung anong kumukurot sa puso ko sa kaisipang narito ako sa napakagandang lugar habang naghihirap ang kapatid ko sa kamay ng lolo kong hilaw.

"Hoy, anong iniisip mo?" lumapit sa akin si Martin at yumakap. "Kanina ka pa tulala riyan, ikaw na ang susunod kay Zetteki."

Ngumiti ako at yumakap pabalik sa kaniya. "Wala, pagod lang ako kasi kulang tulog ko..." nakanguso kong sinabi yon. Totoo yon. Dahil sa rami ng nasa plates namin ngayon ay hindi na rin ako makatulog ng more than two hours. Mabuti na lang ay hindi ko na kailangan mag sleeping pills...siguro dahil talaga to kay Martin. Magmula nang makatabi ko siya matulog ay hindi ako namroblema sa pagtulog. Nagkakaroon ako ng anxiety pero hindi na katulad noon... mas natural at totoo ang mga pagtawa ko ngayon.

"Mas papagurin kita mamaya," nang-aasar ang tinig niya.

"Tarantado!" saway ko sakaniya.

Humalakhak siya at mas hinigpitan ang yakap sa akin. Nanatili kaming ganoon nang ako na yung tawagin ng organizer.

Nakailang oras kami sa pagshoshoot. Mabuti na lang ay hindi ang mentol ko ang dinala ko dahil hindi na ako makakapagdrive sa sobrang pagod ko. Tuloy ay walang nag-iingay sa van kundi ang mag-ex na sina Rousse at Maxim pati na rin ang thirdwheel na si Dirk.

Bagsak sa kani-kanilang kwarto ang mga kabanda ko. Maging si Faye ay ingat na lamang ang nasabi nang i-drop kami sa unit. Lahat ay pagod. Ilang araw na rin kasi kaming sunod-sunod ang pag-e-ensayo at photoshoot. Pero kahit pagod ay maganda talaga ang pakiramdam ko. Sa tabi ni Martin ay nawawala ang pagod ko.

Naglolotion ako nang lumabas ng banyo si Martin. Bigla ay nahiya ako dahil maliit at hapit na towel lamang ang nakabalot sa katawan ko. Kitang kita ang collarbone ko maging ang ibabaw ng dibdib ko. Bahagya pang lumilitaw ang yakuza tattoos ko. Bigla akong nataranta at parang gustong magpakain sa lupa.

"Yong ginuhit kong tattoos..." marahang sabi niya. "Tattoos mo ba yon?"

Napatigil ako lalo sa paglolotion sa tanong niya. Marahan akong tumango at tinapos ang paglolotion ko.

"Ako lang ba ang may alam na may tattoos ka sa dibdib?" tanong niya muli.

Marahan ako muling tumango at humarap sa kaniya. "Gusto mong makita ang kabuuan?"

Bahagya siyang nagulat at umawang pa ang labi. "Kung ayos lang sayo..." tugon niya.

Huminga ako nang malalim at diretso ang tingin sa kaniya. Hinawakan ko ang dulo ng towel na nakabalot sa akin at hinila yon. Bumagsak ito sa sahig at ito ako... hubad sa harap niya. Wala kahit ni-isang saplot.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now