Martin's POV
MATINDING pagpipigil ang ginawa ko nang makalabas sa mansion na yon. Nag-iigting ang panga ko at nakakuyom ang kamao. Muntik ko pang masuntok ang kotse kung hindi pa dumating si Rousse ay mangyayari yon.
Nagtatakang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan niya ako ng kilay at parang hinuhusgahan ang akto ko.
Nagpupuyos ang damdamin ko at sumakay nalang sa kotse. Hindi na namin kasama Maxima at Dirky. Minsan ko pang sinulyapan ang mansion at pinipigilan ang sariling bumalik doon.
Nakangiting kumakaway sa akin sina Mama at Papa. Niyaya ko silang tumira na lamang kung saan ako nakatira dati. Pero sinabi nila ay hindi pwede. Delikado raw sa ngayon at hindi ko maintindihan kung bakit.
Tahimik ang byahe pero maingay ang isip ko. Panay ang tanong kung bakit nagawa ni Dawn yon. Hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan niyang magsinungaling at magpanggap. Sobrang sakit sa akin na makita siyang nasasaktan pero mas may sasakit pa pala roon... ang mahalin ang isang matagal ko ng hinahanap. Ang mahalin ang isang taong mapagpanggap at sinungaling.
Naalala ko ang panginginig ng kamay niya na agad niyang tinago kanina... gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan at sabihing okay lang ang ginawa niya para hindi siya masaktan pero hindi... hindi dapat.
"What the fuck is wrong with you?" biglang tanong ni Rousse sa akin nang hindi ako nagsalita ng diretsong isang oras! "Kanina lang ay panay ang biro mo. Ngayon ay para kang namatayan pagkatapos mong makitang buhay ang magulang mo..." dagdag niya, nangigiwi pa.
"Pake mo ba? Kasama ka rin ba sa pagpapanggap at pagsisinungaling ni Jiyuri Dawnysus? Paano mong nakakaya manloko? Paano mo nakakayang magpanggap?" inis ko siyang nilingon.
Ngumisi siya at natatawa akong sinulyapan. "Tanong mo sakin o tanong mo sa kaniya?" Doon ako nag-iwas ng tingin. Bumuntong hininga ako at hindi sumagot sa kaniya. "You really think you're just the one who's hurting?" seryosong tanong niya.
"No," pagtanggi ko dahil alam ko naman talagang hindi lang ako ang nasasaktan pero alam ko rin na mas nasasaktan ako sa ginawa niya. "Parehas kaming nasasaktan, pero mas nasasaktan ako..." bulong ko, puno ng hinanakit at pinaramdam sa boses kung gaano ako nasasaktan.
"If you can show your pain, show it. But don't question her feelings, Martin," malalim at seryosong tinig niya. Napalingon ako sa kaniya at nakita ko kung gaano siya kaseryoso.
"What?" tanong ko nang hindi pumasok sa utak ko ang sinabi niya.
"Jiyuri Dawnysus is the greatest pretender I've ever known," bumuntong hininga siya. "Kung kaya mong ipakita ang sakit na nararamdaman mo at pag-usapan 'yon, siya hindi..." malungkot niyang sambit. "Kasi siya si Jiyuri..."
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong, puno ng curiosity sa sinasabi niya.
"Wala," sagot niya sa akin, not feeding my curiosity na ikinainis ko.
"Can you please..." napapagod kong wika. "Can you please say it? Gulong gulo ako sa buhay ko ngayon, Rousse. Hindi ko alam kung sino at ano ang paniniwalaan ko-"
"She is hurting, she has feelings. Nakakaramdam siya ng matinding sakit pero hindi mo niya 'yon ipapakita sayo. Hindi niya 'yon ipapakita sa kahit sinong tao," dire-diretsong sabi niya at pinutol pa ako.
Napalunok ako nang makuha ang pinupunto niya. Nag-iwas ako ng tingin at natulala sa bintana. Bumuntong hininga ako at doon nilunod sa pag-iisip ang sarili.
"Jiyuri is the kindest, purest and greatest person..," bigla siyang nagsalita at napalingon ako sakaniya.
Oh really? Namuo ang inis sa dibdib ko nang purihin niya si Jiyuri Dawnysus. Napuno ng selos ang aking dibdib at hindi sumagot. Tsk, Jiyuri. Nagchecheat ka rin ba? Inis akong bumuntong hininga.
"She helped a lot. And she is still helping me until now," nakangiting sambit niya. "I was in his grandfather's place," lumunok siya nang napakariin at malungkot na lumingon sa akin. "In that place, they tortured me as hell. Buong buhay ko ay wala akong hiniling kung hindi mamatay na lang..." may pinaghihinagpis niyang sabi. "Until his grandfather decided to sell me," doon lang siya naging prente magsalita. Hindi na siya napapalunok at nalulungkot.
Namuo ang galit ko sa matandang sinasabi niya. Hindi ako makapaniwalang may mga ganung tao sa mundo... paano kung malaman niyang ako ang asawa ni Jiyuri? Baka pati ako ay patayin niya... sinubukan niya na ngang patayin ang magulang ko... paano pa ngayon?
"Binenta niya ako sa Chinese mafia," dugtong ni Rousse.
"But you're with Jiyuri..." nalilitong tugon ko.
"Exactly," nakangiting sagot niya. "She used the Chinese mafia to get me. In order to protect me..." marahang dagdag niya. "That's why I'm thankful to her. Kaya kahit na pinapaalis niya ako at gumawa ng sariling buhay, hindi ako umalis. Kasi hindi ako buhay kung hindi dahil sa kaniya."
Umiwas ako ng tingin at hindi na sumagot. Paano kung ginagamit lang ni Dawnysus si Rousse para lokohin ako? Para makuha ulit ang loob ko. Paano kung... aish! Malungkot akong tumitig sa bintana. Nakakatawang kung sino ang nagpasaya sa akin nang totoo ay siya ring makakapanakit sa akin nang ganito. Ilang oras pa lang ang nakakalipas pero lahat ng tao ay kinukwestyon ko na. Lahat ng tao ay pinaghihinalaan ko na.
Jiyuri Dawnysus... why are you like this? Why are you doing this to me?
—
Dawn's POV"Tang ina," napamura ako nang biglang ipreno ni Reo ang kotse! "Gago ka ba?!" inis ko siyang nilingon,
Humagalpak ang tawa niya at nakaturo pa sa muhka ko. "You look like shit! Kanina ka pa tulala, pwede bang umayos ka?!"
"Paano ako aayos kung ganitong abnormal ang kasama ko?!" asar na sigaw ko at bumaba ng kotse.
Tumatawa siyang bumaba rin. Nilibot ko ang paningin ko at nakakakilabot ang lamig at dilim sa lugar na 'to. Saktong gabi na rin.
"Paano tayo makakapasok?" tanong ko, nililibot pa rin ang paningin at natagpuan ng mata ko ang mga gusaling abandunado.
"We have to take down the guards first," seryoso siyang nauna sa paglalakad. "Then we need to get out Jayden Dawn and you will replace her."
"Si Shi?"
"He's currently in Japan. I told him there's a big money there, I used the Chinese mafia you have.." he said quietly.
Binatukan ko siya nang malakas.
"What the fuck?!" bulong na asik niya, takang taka!
"So you used my money?" inis kong tanong.
"Wow, magsalamat ka nalang at naisip ko yon!" asar niyang tugon.
"Anong paliwanag mo kay Shi pag nalaman niyang namatay mga guards niya?" tanong ko, sumeryoso na.
"Lady Shi's men will arrive," prenteng sagot niya at inabot ang kutsilyo saka baril sa akin. "Please, don't be bloody," pakiusap niya.
"Ehh?"
"Tang ina, wag mo akong pahirapan maglinis!" asar niyang sambit at naunang naglakad sa akin. "Fuck this life, I always clean up the dead people!"
Natatawa akong nag-ayos. Sinuksok ko sa aking bewang ang baril at hinawakan nang mahigpit ang kutsilyo. Nang makarating ako sa tapat ng gusali ay inangat ko ang tingin ko mula sa ground floor pataas sa iba pang floor. Nice, fifty fucking floors. Paanong malilinis 'to ni Reo?
"Hey, I told you the guards only! Wag kang pumatay nang maingay, please!" sambit ni Reo, nagmamakaawang wag akong brutal.
Tumango na lang ako para manahimik siya. Pumikit ako at inisip ang hitsura ng aking minamahal. Martin... this is for you. For all of you. Dumilat ako at bumuntong hininga bago pumasok.
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
RomanceEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...