Chapter 57

70 4 0
                                    

JIYURI DAWNYSUS' POV

"ARE YOU READY?" Aye-aye, captain! Joke. Tanong ko kay Martin.

"Yeah. A little nervous," aniya sa akin at dinampian ng halik ang labi ko.

Sinuri ko ang suot naming dalawa. Naka-formal suit siya at nagyayabang ang Republica Fashion's Gucci 30 carat Diamond belt niya. Pati ang leather shoes niyang Testoni ay nagsusumigaw. Maayos na nakabrush-up ang buhok at umaalingasaw ang amoy ng mahal na pabangong Clive Christian 1872.

"Baby, you look so fucking expensive," bulong ko sa tainga niya.

He chuckled and kissed my temple. "So are you, wife."

Sinuri ko naman ang aking suot. Isa yong mamahaling Givenchy dress na backless. Itim yon at lagpas tuhod ko yon at kitang kita ang yakuza tattoos ko sa sobrang revealing ng suot ko. Umangat ang gilid ng labi ko nang makita ang suot kong sandals. 5 Stuart Weitzman Tanzanite Heels, it costs fucking $2 million. Parehas naman ng brand ng pabango ni Martin ang ginamit ko, for women nga lang.

"You both look so ready," narinig kong halakhak ni Lady Shi.

Umirap ako. "Duh?"

Tita Ricca smiled at me. "You both look so expensive."

"Eh, ang mahal kaya ng suot ko, mama?" ngiwi ni Martin. "Kala ko dati Gucci shoes na pinakamahal na ibinili mo sakin. Putsa! Pati pabango ko ngayon, umaalingasaw ang kayamanan!"

I heard my mother's laugh. "Mayaman ka naman kasi talaga, Martin."

Pinasadahan ko ng tingin ang mga magulang namin. They're also wearing branded dresses and heels.

"Oyabun," tinig ni Maxim kaya napatingin ako sa kaniya. Bahagya itong yumuko bago nagsalita. "Limousine is ready."

"Hindi bagay, Maxim," ngisi ko at inirapan niya ako.

"Mama," tawag ni Martin sa ina niya at bumeso. "We're going."

"See you there," anito pabalik.

Nakipagbesuhan pa ako sa kanila at kumaway bago sumakay sa limousine. Napailing nalang ako nang makita sa mga mata ni Martin ang paghanga at gulat.

"Fuck, ganito ka kayaman, Jiyuri..." wala sa sariling aniya.

Mayabang ko siyang tingnan. "Well..."

"Psh!" singhal niya at tila nasira ang momento niya. "Yabang neto!"

I laughed at him and touched his cheek. "I'm surprised that you are now going to be the leader of Chinese mafia."

"Yeah, I am too. Ilan ba sila roon?" tanong niya at inextend ang kamay para maakbayan ako.

Napanguso ako. "Martin, hindi lang Chinese mafia ang naroroon. Lahat ng linked mafias sa Y. Org, pupunta..."

Napaawang ang labi niya. "What the fuck?"

"Yeah," natawa ako sa reaksyon niya. "Russian mafia, Korean mafia, Japanese mafia—"

"Iba pa yung Japanese mafia sa Y. Org niyo?" gulat niyang tanong.

Tumango ako. "Sa Y. Org lang umiikot ang proseso ng lahat. Pero linked lahat yon, at may kaniya-kaniyang pamamalakad. Pinag-iisa sila ng Y. Org."

"Tapos ikaw ang leader ng Y. Org?"

"Yeah. Boss of the bosses, baby," proud kong sagot.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now