Chapter 5

72 7 0
                                    

Third Person's POV

DAWN CALLED her cousin, Jamie, to update.

"Hey, what's up?" Agaran niyang tanong.

Nanahimik ang kabilang linya bago sumagot. "That's new, Dawnysus. You feel okay..?" she sounds.. ahm, doubts? Really, cousin...

"I'm good. I'm gonna visit her later." Mahinang tugon ni Dawn at hindi na nakipagtalo sa pinsan niya.

"Hmm, okay." Jamie said and she wants to say something but she shut it up. "So.. I got him. The one who killed Yef. And based on his information, he's skilled... fuck this guy! May kamuhka 'tong hayop na 'to alam mo ba yon?!" Nagtaas ito ng boses na ikipinagtaka ni Dawn.

"Who?" Napaisip siya. "Ahh... the one who made you sick? Oh, he looks like Marco..." nang-aasar ang tinig ni Dawnysus na ikinabwisit naman ni Jamie.

"Oh, back off, Dawn!" Iritang sigaw nito. "I'll send you later all the informations then after that I'm gonna torture him and you'll come here and make him beg for his life!"

Toot! Toot! Toot!

What the hell is her problem?!

Napailing si Dawn at dahil nga bakasyon nila ay wala ang mga kabanda nito at naghahanap ng pwedeng tourist spots na pupuntahan.

Ginamit niya ang kaniyang sports car at minaneho 'yon sa sementeryo kung saan siya nakalibing. Ayaw na ayaw niyang nagmamaneho ng sasakyan dahil mahilig sa kotse ang taong yun. Pero wala siyang magawa kundi gamitin yun dahil hindi pa rin binabalik ni Quizon ang motor niya. 'Sarap patayin ni Quizon ah... hindi pa rin binabalik mentol ko.' Oo. May pangalan ang motor niya. She named it 'Mentol'.

"I am Dawn. I'm gonna visit my.." napatitig siya sa guard at binigay ang I.D. niya. "I'm gonna visit my special someone..."

"Ay, ma'am, bawal po kayo—"

"Can't you see my I.D.? I'm a fucking Santiago and I swear, if you don't let me pass here, I'm gonna take your head off!" Naiirita nitong sigaw sa makulit na guard na ayaw siyang pagbuksan ng gate.

Dali-dali naman nitong binuksan ang gate at binalik ang I.D. ni Dawn.

'Kung hindi pa tatakutin, hindi pa ako papasukin...' sa isip ni Dawn.

Agad niyang kumaliwa upang hanapin ang puntod niya.

Tagong tago ang puntod niya dahil isa 'yon sa pinakabinaon na sikreto ng pamilya nila. 'Yon ang pinakamalalim na sikreto ng buhay ni Dawn.

"Hey there, my sister..." may dala siyang bulaklak at kandila. Inilagay niya 'yon sa puntod nito.

Jayden Dawn D. Santiago

Pangalan lang nito ang nakasulat doon at walang birthday o araw ng pagkamatay. Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit kakaiba ang puntod ng ate niya.

"Hi, ate... seems like you're happy there with your parents?" Aniya na hindi pa sigurado at namumuo na ang luha sa mga mata. "You know what... nakakapagod maging ikaw. Nakakapagod ituloy ang pagtugtog mo. Gustong gusto ko ng i-focus yung sarili ko sa paglalaro at pagiging ako pero hindi ko magawa..." sunod-sunod ang pagtulo ng luha ni Dawnysus. "Jayden... ako 'to. I am Jiyuri Dawnysus... I am not you. I am not Jayden Dawn... I am not one of the real JDDS..." umiiyak na sabi nito. "I am not like you because I am not strong enough. My depression still kills me inside. Ate, I don't know what to do. Yef already died. He's the one who knows the truth bukod kina Jaxine at Jamie... I fucking don't know what to do, ate..."

In the other side...

"Martin!" Napalingon siya sa tumawag.

And there's Marco. "Oh, bakit?"

"Kailan ka raw ba uuwi ng Visayas? Tita Wena is asking me. Wala raw doon sina Jaxine at Matt sa kanila so..." nagkibit-balikat si Marco habang sinasabi yon.

"Hmm..." napaisip bigla si Martin. Kailan nga ba? "Well, I still don't know. Marami pa akong gagawin dito. Baka may collaboration na mangyari with B.R.B., e..."

"Oh! Okay... well, I will go ahead. Nakikain lang talaga ako rito sa dorm mo." Tumatawang naglakad ito papunta sa pinto.

"Loko ka talaga!" Pahabol ni Martin at iiling-iling na sinundan ito ng tingin. Pasalamat siya kababata ko siya. Hmp!

'Tutal wala naman akong gagawin ngayon at walang raket na nakaabang... hmmm, alam ko na!' sa isip ni Martin.

Agad niyang kinuha ang susi ng kotse niya at pinaandar 'yon papunta sa tagong sementeryo kung nasaan ang mama't papa niya.

Martin lost his parents after a car accident. Bumangga ito sa truck at hindi na nabuhay pa ang mama't papa niya dahil sobrang yupi at sobrang lakas ng tama ng kotse nila noon. Wala si Martin sa tabi ng kaniyang mga magulang noon dahil busy siya at magtatapos ng kolehiyo.

"Hi, boss! Dalawin ko lang mama't papa ko, ah? Alvarez ako!" aniya sa muhkang na-trauma na guard. "Huy, kuya!" Pumitik siya sa harap nito.

"O-Oh! Yes sir! Pasok po kayo..." binuksan ng guard ang gate.

"Kuya, okay lang po kayo?" He asked.

That is Martin. He cares for people around him.

"Opo, sir. Salamat sa pag-aalala. Nagulat kasi ako sa babae kanina e, tinakot ako..." pinagpapawisan pa rin siya. Sino namang babae ang mananakot sa kaniya rito e, napakastrikto rito at tagong-tago ang sementeryong ito?

"Sige, salamat, kuyang guard.."

Kumaliwa siya at bumaba sa kotse para dalhan ng bulaklak at kandila ang magkatabing puntod ng ama at ina niya.

He lost his parents at the age of 22. Graduating siya— malapit na siyang gumraduate, naaksidente pa ang mga magulang niya. Buti na lang at nandyan ang mga kaibigan niyang handang tumulong sa kaniya sa oras ng pangangailangan.

"Hi, ma! Hi, pa! Musta diyan sa langit?" Bati nito sa mga puntod. "Alam niyo ba... malapit ko na maabot yung isa pang pangarap ko. Ang maging songwriter! At ang isa pang pangarap dun ay ang bandang BRB pa ang makakasama ko kung sakali! Alam niyo namang idol na idol ko yung vocalist nun at sobrang pasok sila sa panlasa ko sa musika... yun nga lang nag-iba sila ng vocalist. Umalis na si.. sino nga ulit yun? Basta ang code name niya yung F! Grabe ang galing nun ma! Tapos pa, alam mo ba ha? May babaeng nanggugulo sa isip ko ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit.. pero sa tuwing titignan ko siya, nanlalamig ako. Kailangan ko tuloy magpanggap na walang pakialam kasi napakamapaglaro niyang babae! Parang lahat ng lalapitan niya ay papaiyakin niya!" nagsusumbong ang tinig ni Martin. "At—" masasalita na sana siya nang umangat ang tingin niya sa kabilang banda ng sementeryo at may babaeng nakaupo sa may puntod na nasa dulo. Nakadukdok ito at nanginginig ang balikat. Halatang umiiyak.

'Teka... parang kilala ko 'to, ah...'

J-Jayden?! Anong ginagawa niya... rito?

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now