"GRABE! Hindi ko akalain na ganito ka na ngayon... yaman mo pa rin pero humble!" ani Jai habang umiinom ng coke.
Napangiti naman si Martin sa kaniya. "Ikaw din. Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin yung kissing monster na nakilala ko nung elementary palang tayo."
"Oo nga! Ang kaibahan lang mas magaling ako humalik ngayon." She winked.
Napailing si Martin. Ang hangin ng babaeng ito.. parang si Jayden— okay, stop it, Martin. Stop it. "How's Japan? Napabalik ka yata dito sa Pilipinas."
Nagkibit-balikat si Jai at ngumiti nang makabuluhan. "Maybe because this is where I belong..."
Nangunot ang noo ni Martin at nalito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Nako, wala! Hahahaha! Anyways, sabi ko sayo may tindahan dito sa banda rito e!" sinenyas pa nito ang may kalakihang tindahan sa eskinita.
Napatango-tango si Martin. "Oo nga e. Wala kang kupas. Mahilig ka pa rin sa coke na binibili sa tindahan kaysa sa mga resto at bar. At talagang alam mo pang may tindahan dito ah?" Naiiling niyang sambit na para bang hindi makapaniwala.
Mayabang na nagkibit-balikat si Jai at ngumisi. "Well? Jai's ways, eh?"
Hindi na sumagot si Martin at natawa lang sa kaibigan niya. Kaklase niya ito mula elementary hanggang high school ngunit hindi niya alam ang nangyari nang may kolehiyo sila ay bigla itong nawala. Hindi na siya nagtanong pero alam niyang may malalim na dahilan.
Nagmumuni-muni sila nang mapansin ni Martin ang kaniyang relo.
"Shit," mura niya nang makitang pasado alas dose na ng madaling araw. "I need to get home. Baka hindi ako papasukin ng mga katrabaho ko."
"Oh, okay sige." Tumayo na si Jai at ganoon din siya. "Grabe pangarap mo pa rin pala maging song writer at reviser ng banda na yun. Pasikat palang sila gusto mo na yun ah?"
"Yon ang nagpapasaya sakin, e..." nakangiting sambit ni Martin at sabay silang bumalik sa Star Club.
Masaya lang silang nag-uusap hanggang sa marating nila ang parking lot kung saan naparada ang kotse nilang dalawa.
"Oh, siya, Martin... it's nice to meet you again. Hindi ko alam napapadpad ka rin pala sa mga club ha?" biro ni Jai at nakangiting yumakap sa kaniya.
"Nice to meet you again... grabe tagal hindi nagkita! Hahahaha! Sige, sa susunod nalang ulit." Pasakay na si Martin sa kotse niya nang hilahin siya ni Jai at hinalikan.
"Can I get your number? So I can text you kapag makikipagkita ako?" Jai said after she kissed him.
Nasanay na sila mula elem at high school na hinahalikan siya nito pag nakikita o magpapaalam. Hindi niya alam kung tama ba yun o hindi pero hindi niya na rin sinisita at wala naman yung asawa niya na kailanman hindi niya pa nakikita.
"Here..." binigay ni Martin ang calling card niya kay Jai at saka sumakay. "Bye, Jai..."
"Thanks! Bye, Martin..."
Bumusina muna si Martin bago siya tuluyang umalis doon. Nakangiti siyang naiiling habang nagmamaneho. Namiss ko si Jai nang sobra. Sa totoo lang ay kung wala siyang asawa, si Jai ang pakakasalan niya. Maganda, matalino at mayaman ang babaeng 'yon.
He sighed. Magpakilala ka na, Jiyuri Dawnysus. Sino ka ba talaga?
—
HINDI pa rin naaalis ang ngiti sa labi ni Martin nang makarating na siya sa LS Condo Building. Hindi niya alam kung bakit pero nasisiyahan siya sa presensya ni Jai.
Pumasok siya sa pinto ng condo unit nila at nangingiting pumipito pa. Nakita niya naman na nakaupo roon sila Maxima, Dirky at Jayden. Pero nang makita siya nina Maxima at Dirky ay agad itong tumayo at pumasok sa kani-kanilang kwarto kaya natira lamang si Jayden na nakatalikod habang nakaupo sa sofa.
Weird.
Babalewalain niya sana ang pangyayaring yon at papasok sa kwarto niya nang magsalita si Jayden.
"Saan ka galing?"
Nangunot ang noo niya at nawala ang ngiti sa labi. Yung tanong niya na yun ay para bang alam kung sino ang kasama, saan siya nanggaling at kung ano ang ginawa nila. Yung tanong na pag tinanong sayo ay kakakabahan ka dahil muhkang may alam ang nagtatanong.
"Wala ka na roon," ang tanging nasagot niya at nagmamadaling pumasok sa kwarto.
Pagkapasok niya ay para siyang hinabol ng aso dahil sa puso niyang hindi maikalma. Biglang naging uneasy ang paligid niya dahil pakiramdam niya may ginawa siyang mali. Na para bang may hindi dapat siya ginawa pero ginawa niya pa rin.
This is her effect on him... she can make him nervous as hell!
Naiiling siyang pumasok sa banyo upang maligo at inalis sa isipan niya si Jayden.
—
BUMALATAY sa muhka ni Dawn ang sakit pagkatapos marinig ang mga salitang 'yon kay Martin.
"Wala ka na roon."
Nagpintig sa tainga niya ang boses nito na para bang sinasabi na wala dapat siyang pakialam.
Laking pasasalamat niya dahil nakatalikod ang sofa kung saan siya nakaupo dahil magpapakain talaga siya lupa pag nakita ni Martin ang mga sugat niya sa muhka.
Nakarating sila kanina pa nina Jamie at Jaxine. Gusto pa nga ng dalawa na magstay sa condo pero pinaalis sila ni Dawn. Maaaring hindi magandang gawain yun pero alam ng mga pinsan niya ang dahilan.
Mabuti nalang at tulog na ang mga kabanda niya. Tumayo na siya at nahihilong naglakad papunta sa katabing kwarto ni Martin.
"Gagamutin ko muna 'yang mga sugat mo."
Napahinto siya nang marinig ang boses ni Trez. Gising pa pala 'tong mokong na 'to.
"Sugat?" Nagmamaangmaangan si Dawn dahil nakatalikod naman siya rito.
"Tss. Akala niyo tulog na ako? Halika rito at gagamutin ko ang mga sugat mo."
"Wag na-"
"Wag kang mag-alala. Hindi ko na tatanungin kung bakit dahil alam kong hindi mo naman sasagutin."
Napabuntong hininga siya at humarap sa kabanda. Napalunok si Trez nang makita ang hindi magandang lagay niya.
"Who did this to you? This is... fucking.." hindi maituloy-tuloy ni Trez ang mga sasabihin niya.
Napangisi si Jayden. "Sabi mo hindi ka magtatanong."
"Sobra 'tong ginawa sayo... ang dami mong sugat-"
"Hindi yan sobra..." lasing lang talaga ako nun kaya naparami pero kung hindi, papatayin ko talaga sila. "Gamutin mo nalang."
Tumango si Trez at pinaupo siya muli sa sofa. Inalalayan siya nito na para bang babasagin. Ugok ka, baka mas matibay pa ko sayo pag hinampas ka ng tubo. Gusto niya sanang sabihin yon upang itigil ni Trez ang special na trato nito ngayong nabugbog siya.
"Wala ka na roon."
Natulala siya at nagpintig na naman 'yon sa tainga niya. Her heart throbbed in pain again. Para siyang sinasakal sa hindi malamang dahilan. Hindi niya na maramdaman ang sakit ng mga sugat dahil isa lang ang nararamdaman niya..
Sakit na dinudulot ni Martin.
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
Любовные романыEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...