Chapter 49

40 3 0
                                    

Jiyuri Dawnysus' POV

HALOS isang oras ang itinagal ng mga tauhan ni Jireo upang linisin ang mga katawan ng pinatay namin kanina. Sa dami niyon at madugo, nagawa pang tumulong ng mismong tauhan ni Lady Shi.

Naks. Family. Napailing ako sa naisip. Kahit kailan ay hindi ako nakaranas ng normal at masayang pamilya. Mula pagkabata ay iniisip kong kasalanan ang tumawag ng "mama", "mommy" o "papa" at "daddy". Si Lady Shi ay ayaw na tinatawag ko siyang ina. Kaya nama kung saan siya kilala, doon ko siya tinatawag. Ang ama ko namang si Mr. Santiago at ang kaniyang asawa, kahit kailan ay hindi ako pinayagang tawagin silang ama't ina.

Lumaki akong pumapatay. Lumaki akong hindi normal sa mga batang kasabayan ko lang noon. Para akog pinanganak upang maging robot. Aaminin ko na nagalit ako sa kanilang lahat dahil hindi ko naman ginustong ipanganak ako. Hindi ko ginustong pumatay ng mga tao. Hindi ko ginustong maging ganito ang pamilya ko. Mula pagkabata ay wala akong hinangad kung hindi makilala sa sarili kong pangalan. Hinihiling ko palagi na sana'y may isang taong dumating sa akin at pakinggan ang pagkanta ko, o kahit panoorin man lang ako sumayaw. O kahit maging proud man lang sa mga kaya kong gawin.

Bukod kay Jayden na natutuwa pag kumakanta ako, isa lang ang kinantahan ko. Si Martin... mawawala pa yata sa akin. Nagsisisi akong hindi ko sinabi sa kaniya. Nasasaktan ako dahil nasasaktan ko siya. Gusto kong humingi ng kapatawaran... gusto ko siyang suyuin at sana'y mahalin niya pa ako.. kung yon ay mabubuhay ako. Sana nga. Si Lady Shi naman ay proud sa aking pagpatay. Proud siya sa pagiging kriminal ng kaniyang anak.

Ipinanganak yata talaga ako para maging robot. Puta.

Bumalik ako sa wisyo nang mamataan ko ang kotseng papunta sa gusaling kung nasan ako. Pinakatitigan ko 'yon at nangunot ang noo ko. Nang huminto yon sa hindi kalayuan ay hindi ako makapaniwala...

Putangina, Jai?! Anong ginagawa niya rito?!

Nagugulat ko siyang tinitigan. At nang naglakad siya palapit ay doon ko lang napagtantong may mga armas din siya.

"I just heard you're gonna kill Shi," bungad niya sa akin at patalon na tumabi sa akin.

"I don't need your help," malamig na tugon ko. Isa kang bruha. Nilalandi mo asawa ko!

Tumawa siya at muntik ko na siyang mapatay sa tawa niyang yon! Yon ang pinakanakakairitang tawa na narinig ko.

"Look," nakangising panimula niya. "Kung galit ka sa akin dahil kay Martin, cut it out. Alam kong wala akong pag-asa sa kaniya, okay?"

Tinignan ko siya at nakita ko ang kalungkutan sa kaniyang muhka. "Talagang wala kang pag-asa dahil ako ang asawa niya."

"I know, highest Oyabun," nakangiting sambit niya at ganoon na lang ang gulat sa muhka ko nang gamitin niya ang makapangyarihang posisyon ko sa buhay ng Y-Org.

Huminga siya nang malalim at bahagyang yumuko sa akin. "I accepted my defeat and I am here to help you." dugtong niya!

Ganoon na lang ang gulat at kalituhan sa muhka ko!

"What the fuck?" naguguluhan kong reaksyon nang mabakasan ang paggalang niya! Hindi ako sanay!

"My family was killed by your grandfather," bumuntong hininga siya. "At marami siyang plano na hindi maganda sa lahat. Maski ang Pilipinas ay gusto niya ng patayuan ng kademonyohan," dagdag pa niya at saka tumingin sa akin. "I know you're the only one na kaya siyang patayin. At ikaw lang talaga ang makakagawa non," pagpapatuloy niya at ngumiti.

Nakakunot ang noo ko siyang tinitigan. Pinag-aaralan ang muhka niya at pinoproseso ang mga sinabi niya. Pero wala talaga akong maintindihan sa kahit anong sinabi niya dahil buong buhay naming dalawa, wala kaming ginawa kung hindi magbangayan!

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now